SAMUELLE HABANG nasa biyahe pauwi, hindi naman kami nag-iimikan ni Rhenz. Gulong-gulo na rin ang isip ko. Sinabayan pa ang sakit ng aking puso. Nagpaumaga na muna kami sa bahay ni Wolf bago umuwi. Pagdating sa bahay, mabilis akong bumaba at dumiretso na sa silid namin. "Sammy?" Napatingin ako kay Rhenz na kapapasok lang. "P-Papasok ka ba ngayon sa opisina mo?" Tanong ko na lang rito. Ayoko pag-usapan pa namin ang tungkol sa ex-girlfriend niya. "Yeah. May board meeting pa ako mamayang tanghali." Pilit naman ako ngumiti. "G-Gagayak na rin ako." Kahit tinatamad ako pumasok, pero kailangan dahil hawak mo ang schedule ni Doc.Garret. "Baka hindi kita masundo mamaya. Pero may isang tauhan ako na susundo sa'yo mamayang pag-out mo." "H-Huwag na! Kaya ko naman umuwi." Huminga naman ito

