SAMUELLE "Hay naku, Sammy! Pumunta ka lang ba dito sa bahay ko para ubusin ang mga tissue na kinuha ko pa doon sa lamay ni Ka Paeng! Kaloka!" Panay naman ang singa ko at hindi na rin ako makahinga sa sobrang pag-iyak. "A-Ayoko na, Louise. Sobrang nasasaktan na ako." "Ay sus! Mga gan'yang linya, sinungaling 'yan. Baka sa isang araw, makita kitang kasa-kasama ang boss ko!" Hinampas ko naman ito sa balikat. Kaya nga ako pumunta dito sa bahay niya para damayan ako. Pero puro sermon naman ang narinig ko rito. Hindi na rin ako pumasok sa trabaho, dahil nga mugto ang mga mata ko at puyat na rin. "Hay. Kaya ayoko talaga magkaroon ng lovelife! Dahil ayoko masaktan at umiyak. Ayoko masira ang beauty ko na gumastos pa ako dito sa feslak ko ng 3,450 pesos!" Pinunasan ko naman ang mukha ko na p

