DOVE “MAGKITA TAYO, RIGHT NOW!” Agad ko naman ibinigay kay Ramiro ang address ng rest house ni daddy. Mas safe na doon kami magkita. Bago ako pumunta, dumaan muna ako sa condo ko at nagbihis. Hindi naman kailangan ng susi sa pinto ng condo ko at eye security configuration lang ang kailangan para mabuksan ito. Kumuha rin ako ng baril. Dito s condominium na ito, okupado ko ang buong garahe. Pitong sasakyan ko ang nandoon at syempre mga mamahaling ducati ko. Kailangan ko mag-ingat sa bawat galaw ko. Pagbaba sa garahe ang itim na na bulletproof na sasakyan ang ginamit ko na lang. Mahaba-haba pa ang biyahe papunta sa resthouse. “s**t!” napabuga naman ako ng hangin. Lalo naging komplikado ang buhay ko. Napatingin naman ako sa aking cellphone na panay ang tunog. Si Ross. Kanina pa tumatawa

