DOVE “LAILA.” Humarap naman ako sa lalaking palapit sa akin. “Hey, Roice.” Nakataas naman ang kilay niya sa akin. “Kilala mo ako? Nakaalala ka na?” “Hindi pa. Hindi kita kilala. Nahulaan ko lang ang pangalan mo,” pabalang na sagot ko rito. “Nagpapanggap ka lang na may amnesia ka? Niloloko mo iyong kapatid ko.” Tinaasan ko naman ito ng kilay. “Ako ba?” “Eh tingnan mo nga at nakaalala ka na. Bakit ka ba nakipagkita sa akin.” “Iyong dokumento na pinatago ko sa’yo.” “Di ba sabi mo itago ko, itinago ko kahit buhay ko itaya ko pa sa dokumento na iyon!” Mahina naman ako napatawa. “Good. Ako lang dapat ang puwede makahawak niyan. By the way, kilala mo ba si Ramiro Castillejo?” “No. Who is he.” “Friend of mine. Alam niya na sa’yo ang dokumento. Anytime puwede ka niya puntahan. Be car

