ROSS
"Sir Ross, welcome back po," bati naman sa akin ng kasambahay.
"Thank you. Si manang?" tanong ko rito.
"Baka po bukas pa ang balik niya."
"Ah, okay. Sige pahinga muna ako," paalam ko naman. Halos tatlong oras rin ang biyahe ko.
"Kakain pa po ba kayo?"
"No. Busog pa ako. Aalis din ako mamaya."
Mas gusto ko muna i-relax ang utak ko dito sa probinsya. Halos wala na akong pahinga sa pag-aasikaso ng mga negosyo namin.
Saglit lang ako natulog at napag-isipan ko na puntahan ang mga tauhan ko.
"Manong Lito, pakikuha sa kuwadra si Cal," Saad ko sa tagapag-alaga ng mga kabayo ko rito. Si Cal, ang paborito kong kabayo.
"Ah, sige po sir," agad naman ito tumalima.
Napapikit naman ako sa sobrang init. Pero mas gustuhin ko na ganito kainit kaysa sa Manila na sobrang alinsangan.
"Sir, okay na," aniya naman ni Mang Lito.
"Thanks," agad naman ako pumunta sa kuwadra.
Napangiti naman ako dahil gumagalaw-galaw ang buntot ni Cal pagkakita sa akin.
"Hey, man. I missed you," hinahaplos-haplos ko naman ang kanyang ulo. Agad naman ako sumampa at dahan-dahan itong pinatakbo.
"Good afternoon, senyorito," bati ng kababaihan na nakasalubong ko. Tanging kindat lang ang ginanti ko naman. Well, magaganda ang mga babae dito sa probinsya. Mga disente and I'm sure, most of them are virgins.
Napatigil naman ako dahil sa babaeng namimitas ng mais. Ang maisan na iyan ay pag-aari ni Ulysses. Malaki ang hacienda rin ni Ulysses dito.
Tinapik ko naman si Cal papunta sa babaeng namimitas ng mais.
"Binibini," matamis ang ngiting saad ko.
Humarap naman ito sa akin. Halos malaglag ang panga ko pagkakita sa mukha niya.
Damn!
She's so pretty!
"Bakit po?" nakakunot ang noo na sagot niya.
"Ahm..ano kasi...ah.. I'm Veil, and you are?"
Shit! Bakit nabubulol na ako!
Hindi man lang ito sumagot.
"May I know your name? Do you live in Ulysses' house?" ulit na tanong ko rito.
"Leila."
"Oh, nice to meet you, Leila. So, sa mansion ni Herrer ka ba nakatira?" Tanong ko ulit.
"Opo. Katulong po ako doon,"aniya at tumalikod na ito.
"Wait, Leila! Are you single?!"
Humarap naman ito sa akin.
"Bakit po?"
"I'm just asking, you know. We can hang out sometimes," sabay kindat ko rito.
"S," sambit niya at binato ako ng isang bungang mais.
"Ouch!" sapol naman ako sa ulo.
Fuck!
Bumaba naman ako sa kabayo at hinabol ito.
"Hey! Bakit mo ako binato?!" Saad ko at hinablot ang kanyang braso pero ang bilis ng galaw niya at basta lang pinilipit ang kamay ko.
"Ouch! s**t!" sigaw ko naman.
"Wrong move, Mr.S," aniya at binatawan ako at naglakad na ito.
What?
I can't imagine na magaling ang probinsyanang iyon sa martial arts.
"Wait, sandali nga!" inis na hinabol ko ulit ito.
Nilampasan ko ito at hinarangan.
"Alam mo, kayang-kaya kitang angkinin..-," Napatigil naman ako sa pagsasalita dahil tinaas niya ang kanyang palda.
Napaawang naman ang aking mga labi.
May baril na nakatali sa kanyang mabilog at makinis na hita.
Napalunok naman ako.
"Wanna kiss my gun?" nakangising tanong niya.
"Ahh..ahm..a-alis na ako," nauutal na saad ko naman at dali-daling umalis pero humarap ulit ako rito.
"O-Oo nga pala, ano pala ang S?" Tanong ko rito.
"STUPID!" Aniya habang naglalakad palayo.
Holy s**t! In my 34 years of existence. Siya pa lang ang unang tumawag sa akin na stupid!
And wait. Sa bahay ni Ulysses siya nakatira. Then, bakit may baril siya?
She's mysterious
Lalo ako naging interesado sa kan'ya.
Sino ka ba talaga?
Anong kailangan mo kay Ulysses? Or may ibang pakay dito sa lugar na ito.