Chapter 5

934 Words
DOVE "LAILA, pakidala muna sa bukid itong pagkain sa mga manggagawa," aniya ni Aling Medy sa akin. "Oho." "Isama mo si Angen. At mamitas na rin kayo ng kangkong doon sa palayan, ilahok ko mamaya sa sinigang na baboy." Tumango na lang ako. Nagmamadali naman akong nagbihis ng pantalon at nagsuot na rin ng manipis na long sleeve. Medyo mainit na rin at masakit sa balat ang sinag ng araw. "Marunong ka ba mangabayo, Laila? Sakay na lang tayo sa kabayo," nakangiting sabi ni Angen. "Sige, okay lang sa akin." Pumunta na kami sa kuwadra at kumuha kami ng tig-isang kabayo. Pinili ko ang kulay puting kabayo. "Mabait ang mga alagang kabayo ni Sir Ulysses. Sobrang pogi kasi ang nag-aalaga sa kanila. " Nagkibit-balikat na lang ako. Walang kahirap-hirap na sumampa na ako at marahan lang ang pagpapatakbo ko. Nakisabay na rin si Angen sa akin. Halatang sanay na rin ito sa karerahan. "Ang galing mo rin pala, Laila!" Natatawang sigaw niya habang pabilis ng pabilis ang pagpapatakbo ng kabayo. Ilang minuto lang, nakarating na kami sa bukid. Dahil bago lang ako dito, halos sa akin naman ang tingin. "Magandang tanghali po sa inyo. Ito na pala ang inyong tanghalian," bati ni Angen at bumaba na rin ako sa kabayo. "Maganda tanghali po," bati ko at yumukod. Ngumiti naman ang mga manggagawa. Kinuha ko naman ang mga pagkain at pumasok na sa di-kalakihang kubo. "Bago ka lang ba dito sa Hacienda? Ngayon ka lang kasi namin nakita," nakangiting sabi ni manong. "Oho. Katulong po ako sa Hacienda." "Napakaganda ang mga katulong dito sa Hacienda. Aba naman, nakakahiya ligawan ng mga binata dito sa akin," natatawang saad ni manong. Mahina naman ako napatawa. "Aba'y pang Miss University ang ganda mo iha. Ang tangkad-tangkad mo rin," aniya naman ng isang matandang babae. Napatawa naman ako. "Manang Soling, Miss Universe po. Hindi Miss University!" singit naman ni Angen. "Hayaan mo na. Basta may miss!" Sagot naman ni Manang Soling na kan'yang pangalan. Habang masaya silang kumakain, saglit muna ako nagpaalam at namasyal. Sobrang ganda ng lugar na ito. Maaliwalas at tahimik. Pero kahit gaano kaganda ang lugar, hindi pa rin ako makakatagal na tumira dito. Isa akong assassin. Hinahanap-hanap ko pa rin ang magulong mundo na meron ako. "Wow. Hello again, Miss Stranger." Napabuga naman ako ng hangin dahil sa lalaking bigla lamang sumulpot sa aking harapan. Hindi ko naman ito pinansin at tinalikuran na. "Hey, wait! Why you're avoiding me? Takot ka ba na malaman ko ang pagkatao mo? Or maybe you're a killer. May masamang balak ka sa mga Herrer!" Humarap naman ako at ngumiti rito. "Mamatay tao ba ang pagmumukha ko, señorito?" "Oh, well. I'm just kidding. Ahmm..just call me, RV." Pasimple naman ako napangisi. "RV. Ross Viel Walton." Napanganga naman ito. "H-How did-." "Nakikita po kita sa tv. Ang tatay mo po ay isang senador. May kapatid kang babaero na ang pangalan ay Roice Vien Walton. And may babae rin kayo na kapatid pero hindi siya pinapakita sa media. Tama po ba ako?" "Y-Yeah. But I'm a good man. You know, I'm not like my brother." Tinaasan ko ito ng kilay. "Hindi mo na kailangan sabihin sa akin at hindi rin ako interesado." "Really? Kaya kitang kunin na walang kahirap-hirap." Napasuklay naman ako sa aking buhok, sabay lapit rito. "But not me. Hindi ako pumapatol sa lalaking maliit ang mandirigma kahit bilyonaryo pa siya," nakangising saad ko naman. Napaawang naman ang mapupulang labi niya. "Hey, hey! What are you talking about?! Hindi maliit ang mandirigma ko!" Inosenteng nakatitig lang ako rito. "Narinig ko lang po ang chismis sa mga babaeng naikama mo." "What the hell! They are liars! Sinisiraan lang nila ako!" Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. "So, inaamin mo na nga na babaero ka rin?" "Damn! Are you making fun of me?" Inis na saad niya sa akin. Tumikhim naman ako. "Hindi po. Sige señorito, alis na po ako. Baka hinahanap na ako ng kasama ko." Tatalikuran ko na sana ito, pero bigla lang niya hinawakan ang aking braso. "Wait!" "Po?" "Bakit nga pala may baril ka noong unang kita natin? May masama ka bang binabalak sa Hacienda Herrer?" Hinila ko naman ang braso ko. "Wala. Pero may masama akong gagawin sa mga taong pakialamero. At isa ka na diyan. So, just an advice. Keep your mouth shut." Iniwan ko naman itong nakanganga. Pagdating ko sa maliit na kubo, naabutan ko naman si Angen na nagliligpit ng pinagkainan. "Saan ka galing? Akala ko naman naligaw ka na," bungad na saad sa akin ni Angen. "Nag-ikot-ikot lang ako. Uuwi na ba tayo?" "Oo. Pero maya-maya konti. Nandiyan kasi ang mga tauhan ni Congressman. Nakakatakot." Nakakunot naman ang noo ko. "Ano ibig mo sabihin?" "Hay naku, Laila. Mga demonyo ang mga iyon! Basta lang nanakit ng manggagawa!" Umupo naman ako sa tabi ni Angen. "Bakit?" "Mayabang kasi mga iyon! Akala nila, sila na ang makapangyarihan sa lugar na ito. Pero alam mo, bulag ang mga alagad ng batas dito. Si tatay na mismo na nagsabi, mga illegal ang negosyo ni Congressman at kasabwat ang Governor." "Angen. Puwede ko ba makausap ang tatay mo?" Nagtataka na nakatitig si Angen sa akin. "Bakit?" "Wala lang. Medyo interesado lang ako sa mga magsasaka." " Sige bukas. Uuwi ako at ipaalam kita kay Aling Medy na doon ka na matulog sa amin," nakangiting saad niya. Ngumiti naman ako. Kailangan ko na gumalaw. Nauubos na ang oras ko. Lalo ako naging interesado sa mga kuwento ni Angen. At kailangan ko rin makausap ang tatay niya. Pakiramdam ko, may malaking koneksyon ito kay Congressman at lalo na kay Governor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD