Dove “Dove?” Tumikhim naman ako at lumapit kay Ramiro. “Kamusta ka?” paos ang boses na tanong ko rito. Narinig ko naman ang buntong-hininga niya. “I'm okay. Ikaw? I'm so worried Nagpaimbestiga rin ako sa nangyari.” “Dumaan lang ako dito sa’yo at may ibibigay lang ako.” “Dove? Bakit mo itinago sa akin ang connection niyo ni Nico? Tauhan mo rin ba siya? Inutusan mo ba siya pumasok kay Aarav?” “Yes. But he's my best friend too. Pero ang Nico na Kilala niyo ay hindi ordinaryong Nico lang. Galing siya sa angkan ng mga Geller, kuya.” “I know already. Sino mag-aakala na bilyonaryo pala ang ugok na iyon. Pero mag-ingat ka, dahil panigurado ikaw ang susunod na target nila. Lalo’t alam nila na may connection ka kay Geller.” Kinuha ko naman ang kanang kamay ni Ramiro. Inilagay ko naman sa

