ROSS “M-MAHAL na mahal kita.” Kahit sobrang kalasingan ko, alam ko ang aking ginagawa. Pagkatapos na may nangyari sa amin ni Laila, umalis na ito. Agad din naman ako bumangon at mabilis naligo. Kanina habang naliligo ito nilagyan ko ng maliit chip ang pantalon niya para masundan ko ito. “Sir Ross, okay na po kayo?” tanong ni Mayeth. “Yeah. Alis na muna ako. May importante lang akong lalakarin.” Habang nagmamaneho, panay ang sulyap ko sa maliit na monitor kung saan sinusundan ko ang kotse ni Laila. Hanggang nakarating ako sa Tondo, Manila. Sa isang squatter area ako huminto. Pagbaba ko sa sasakyan, nagkakagulo ang mga tao. May narinig rin akong putok ng baril. Kinuha ko naman ang baril ko at aking black mask. Sinuot ko ito at pumasok sa eskinita. Shit, Laila! Sinusundan ko pa rin ang

