DOVE PALAISIPAN sa akin kung bakit si Nico ang hina-hunting nila. At sino ang nag-e-email sa akin upang bigyan ng warning sa mga mangyayari? “Dito tayo!” sigaw ni Nico at hinawakan ang aking kamay. Pumasok kami sa isang maliit na bahay. Agad naman niya ito ni-locked at dumiretso kami sa maliit na silid. Tinanggal nito ang kutson na nakalatag sa katre. Bumungad naman ang napakaraming di-kalibre na mga baril. “Ibang klase ka rin,” napailing na lang ako at kumuha ng tatlong klaseng mga baril. “Dito na tayo sa kusina dadaan,” turan naman ni Nico. “Okay,” nauna na ako rito at nakasunod lang ito sa akin. Pagbukas ko ng pinto, nagpalingalinga muna ako. Kumubli muna kami ni Nico dahil may tatlong armadong lalaki ang biglang sumulpot. “Marami sila. Kailangan natin maghiwalay ng puwesto,” a

