DOVE “DOVE?” Lumingon naman ako sa bagong dating na lalaki. Nandito kami sa isang lumang gusali na dating ginamit naming hideout. “Hey. Mabuti naman dumating ka,” saad ko naman kay Nico Lopez na personal driver ng kapatid kong si Ramiro. Ngumiti naman ito. “Of course, you're my boss too. Ano pala ang pag-uusapan natin.” “Wala lang. Na-miss lang kita,” Sabay pagbuntonghininga ko naman. Napakaguwapo ni Nico. Hindi rin basta-bastang lalaki. Bilyonaryo Mahina naman napatawa ang binata. “Bored ka lang. Kamusta naman ang buhay na may asawa?” Tiningnan ko naman ito. “Okay lang. Ikaw? Sorry kung ngayon lang tayo nag-usap.” “I’m okay. Alam mo naman di ba. Ikaw lang talaga.” Bigla naman ako napatigil. “Hanggang ngayon, mahal pa rin kita. Naghihintay kahit wala nang pag-asa. Pero okay lang

