Chapter 24 Ellah's POV Sabado ngayon, ibig sabihin ay walang klase. Argh! Gusto ko talagang lumabas at maggala sa mall. Kung bakit ba kasi nagpumilit pa akong dito pumasok. Argh! Alas siete na nga pala ng umaga at pupuntahan ko sina Eris na nag jogging kanina, mukha kasing wala silang balak na balikan ako sa dorm. Tsk Nangunot naman ang noo ko sa pagagtataka dahil sa ikinikilos ng mga students dito. Para silang takot na takot, tingin sila ng tingin sa paligid at maingat din ang bawat galaw nila Ano bang nangyayari? "Eril, Eris, anong meron?" Nasalubong ko sina Eris at Eril kaya nagtanong na ko "Anong anong meron?" Kunot noong tanong ni Eril pabalik kaya napatampal ako sa noo ko "Anong meron, bakit ganyan ang mga estudyante" pag-uulit ko saka ininguso ang mga estudyanteng parang mga

