Chapter 23 Chase's POV Kunot-noo akong naglalakad papunta sa kung saan Naiinis ako! Kaninang hapon ay hinahabol ko ang gagong sumaksak sa akin pero dahil kay Ellah ay nawala sya sa paningin ko at nakatakas nanaman Bakit na hindi umaayon sakin ang tadhana? Psh Bakit kung kailan mahuhuli ko na ay saka naman umepal si Ellah. Tinawag at sinundan pa ako kanina para lang ibigay sa akin ang gamot na hindi ko naman iinumin. Tsk Patuloy lang ako sa paglalakad nang may makabanggaan ako. Bubulyawan ko na sana ito nang mapansin kong si Kristoff ang nakabunggo ko at nakataas ang kilay nya habang nakatingin sa akin Mukhang handa na rin syang bulyawan ako dahil sa pagkakabunggo namin sa isa't-isa. Psh "Watch where you going" pokerface na sabi nya sakin na sinagot ko ng ismid. Tsk "You should too

