Chapter 22 Ellah's POV Naglalakad ako papunta sa dorm para magpapalit ng P.E uniform. Nakalimutan ko kasing idaan sa locker kaninang umaga kaya babalik pa ako sa dorm para lang magpalit Naalala ko bigla si Chase, bakit kaya may sugat sya? San nya nakuha yon? Base sa itsura nong sugat saksak yon eh. Saka bakit naman pinatagal pa nya? I mean, pwedeng-pwede syang dumaan sa clinic kaninang umaga para lang magamot ang sugat nya, pero bakit hindi nya ginawa? Ganoon ba talaga kapag lalaki? Titiisin ang lahat h'wag lang maapakan ang pride at ego? Ayaw pa nyang ipagamot sa akin ang sugat nya e, alam kong hindi sya nahihiya kanina, siguro naapakan lang ang ego nya dahil nga ako na babae pa ang tumulong sa kanya—pero bakit nga ba hindi sya tinulungan ng mga kaibigan nya? Nang matapos akong magpal

