1: He Who Shall Not Be Named

1187 Words
ALIZA YVONNE “GOOD day, Mrs. De Vera, here are the—” Kumibot bigla ang sentido ko. “Pardon?” Napamaang siya at bahagya pang nanginig ang labi. Pinakatitigan ko ito gamit ang malamig na tingin. “H-Here are the papers—” “Stop,” putol ko rito, nakasenyas rin ang palad ko sa ere. “Ulitin mo ʼyong sinabi mo kanina.” Pinaikot ko ang swivel chair na kinauupuan ko para tuluyang makaharap ang newly hired secretary ko. Mukhang hindi ito nahasa ng mabuti kaya ganito na lang ang tawag niya sa akin. “G-Good day, M-Mrs. De Vera, here are the—” Napahampas ako sa lamesa sa sobrang pagngitngit dahil sa pangalang narinig ko. I gave her a death glare. “Mrs. De Vera? Who on earth is that?” gigil kong tanong dahilan para mapapitlag ito. Walang sino man ang maaaring tumawag sa akin gamit ang apelyidong ʼyan. I won't tolerate that on my place. Ilang beses akong nagpaulit-ulit sa orientation para itanim sa kokote nila ang mga salitang ayaw na ayaw kong marinig. “I-Ikaw po—” “Leave,” malamig na usal ko bago humarap sa mga papeles na kailangang pirmahan. Nang hindi ito gumalaw sa kinatatayuan ay pumaling muli ako sa kanya. “Are you deaf? I said, leave!” Napaatras siya pero nakuha pa ring magsalita. “P-Pero—” “You’re fired,” I uttered coldly. Napasinghap siya. Narinig ko pa ang mahinang hikbi niya at mabilis na yabag ng paa palabas ng opisina. Sino ang hindi maiiyak? First day niya sa trabaho pero tanggal na agad? Ni hindi nga siya nag-trenta minutos dito sa kompanya. Padabog na ko ang telepono para tumawag sa HR Department, matapos ang dalawang ring ay sumagot naman ito agad. “Find me a new secretary.” “Po? Pero may nakuha na po kami—” “That girl? I fired her, she knows nothing about my rules,” mariin kong saad. Hinilot ko ang sentido ko dahil ramdam ko ang pananakit nito. “Find me a new one. ASAP.” “Noted, Ma'm.” Sumandal ako at ipinikit ang mata. Kapapasok pa lang ng Lunes pero hindi na agad maganda ang bungad sa akin. Gusto kong sampalin sa magkabilang pisngi ang nag-train sa kanya. I can’t blame her, kung alam niya lang siguro ang tungkol dito ay paniguradong hindi niya iyon sasabihin. Pati siya ay nadamay sa pagiging bitter ko. Wait—no, I’m not bitter. I just hate that name to the point that I curse anyone who mentions it right in front of my face. Basta, hindi ako bitter! Padabog akong tumayo at nagpalakad-lakad. Nanlamig bigla ang kamay ko at parang may kung anong umiikot sa sikmura ko. Halos mahilo na ako sa bilis ng pabalik-balik kong lakad pero hindi pa rin nawawala iyong konting kaba na nararamdaman ko. F*ck. Mabilis akong napatakbo sa sink ng bathroom para dumuwal pero walang lumabas. Pinilit ko pa pero wala talaga. Sh*t. Anxiety is attacking me again. Dumapo ang paningin ko sa mga kamay kong nanginginig, halos hikain na rin ako dahil sa pagsikip ng dibdib ko. “Breathe, Yvonne,” I whispered bago tuluyang mapaupo sa sahig dahil sa panghihina. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng dibdib ko at panginginig ng kalamnan. G*go ka talagang damuho ka. Kung hindi dahil sa ʼyo, hindi ko mararanasan ang ganito. If only you tried to be decent. Nang dahil sa ʼyo, nasira ako. You f*cking womanizer. Tuluyan nang naglandas ang mga luha ko dahil sa sobrang poot na namamayani. Kung marinig pa lang ang apelyido mo ay ganito na ang epekto sa akin, paano na lang kung ikaw na mismo ang makaharap ko?   “HAVE you checked the designs and details of the proposed exhibit?” Napaangat ang tingin ko sa nagsalita, kanina pa pala ako nakatanaw sa labas ng bintana. Kunot-noo siyang nakatitig sa akin, naghihintay ng sagot sa kanyang tanong. Tumikhim ako at umayos ng upo. “Not yet.” “Hindi pa? We only have 3 weeks before the launching, babae. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo?” Mariin akong napapikit. Hindi ko rin alam. Four years ago nang mabuo ang Naked Clothing. Iyon din ang mga panahong nagsisimula pa lang ako sa pagiging freelance model, hanggang sa nakilala at tinawagan ng isang sikat na brand ng mga damit. I was so happy that time. Sinabayan ko rin iyon ng simpleng patahian ng mga damit na ako mismo ang nag-design. Chihara was with me all those times. Tinulungan niya akong umahon. Nakakontrata pa ako bilang model sa isang brand noon kaya siya muna ang nag-manage ng Naked Clothing, at nang matapos ay saka ako bumalik sa kanila. We started so small. Nagsimula sa maliit na store sa tabi-tabi hanggang sa lumaki ng lumaki at ngayon ay matatawag nang isang kompanya. Endless online promotions, iba’t ibang social medias ang ginamit namin para makilala ng mga tao—f*******:, twitter, i********:, and even t****k na bagong application pa lamang no’ng taon na iyon. Ako pa ang model that time dahil gipit kami sa budget para kumuha ng ibang model kaya ako na mismo ang rumampa. Devastated- iyan ang tamang salita sa kung ano ako bago makarating sa kung nasaan ako ngayon. “Hoy, babae! Ano ba? Are you okay?” untag sa akin ni Chihara. Halos matunaw ang puso ko dahil sa labis na pag-aalala sa kanyang tinig. “Okay lang ako, inatake lang ng insomnia kagabi kaya wala sa huwisyo,” pilit ang ngiting sagot ko. I am distracted. Hindi ko maintindihan kung bakit lumilipad ang utak ko. Parang gusto ko na lang itulog ang lahat dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Dahil ba sa narinig ko ang apelyido niya? Agh! This is very frustrating! “Bakit? May nangyari ba? Naalala mo na naman ba siya?” Lumipat ito sa tabi ko saka marahang hinawakan ako sa braso. I don’t know, pero magmula no’ng banggitin ng supposed to be secretary ko ang animal na iyon, sunod-sunod na ang kabuwisitang nangyayari sa akin. Una, I accidentally opened a site na mukha at malaking pangalan niya ang nakabalandra. Halos itapon ko ang laptop ko pagkakita dito kaso naisip ko na mahal ʼyon at ayokong gumastos ulit para do'n. Pangalawa, nabanggit siya sa radyo ng nadaanan kong maliit na tindahan at saktong narinig ko ʼyon. Punyeta talaga. At ang pangatlo? Heto lang naman. Bumalik na naman ang mga alaalang pilit kong ibinabaon sa limot. Nabuhay muli ang galit sa puso ko. I was too young and naive. Masyado akong nabulag ng pesteng pag-ibig na iyan. At gustong-gusto kong maghiganti at parusahan siya sa panggag*gong ginawa niya sa akin noon. Gusto ko siyang hampasin ng tabla para mahimasmasan siya. Napangisi ako nang may ideyang sumagi sa utak ko. I am still his legal wife. And I think I have the right to take what’s rightfully mine. D*mn you, Ares De Vera! I’ll make you fall—fall hard to the point that you’ll kneel and beg for mercy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD