bc

Happily Never After (FILIPINO)

book_age18+
157
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
love-triangle
possessive
second chance
drama
comedy
betrayal
lies
affair
like
intro-logo
Blurb

"Ako ang pinagtaksilan . . . pero ako ang sumalo ng kasalanan."

***

Ares and Yvonne used to be so in love with each other, then came their wedding day that made them realize they're not yet ready.

Hanggang sa nagising na lang si Yvonne na siya na ang kinikilalang kabit ng mga tao. She was framed up by someone who was madly in love with her husband. Siniraan siya sa mga tao at nagpakalat ng kasinungalingan para lamang makuha ang inaasam nito, ang maging legal na asawa ni Ares De Vera.

Her reputation as a loving and caring wife was tainted. At mas lalo siyang nadurog nang mismong asawa niya ang nagduda sa kanya. Ares was in doubt, mahal na mahal niya ang babae at sobrang sakit para sa kanya na malaman ang tungkol sa issue nito.

Pinagtaksilan. Naghiganti. At ngayon ay ipaglalaban ang pagiging legal na asawa sa pinakamamahal na lalaki. Will their broken vows and marriage be fixed knowing that everything was just a set-up? O mababaling ang atensyon niya sa hindi niya inaasahang tao . . . sa matalik na kaibigan ng kaniyang asawa?

chap-preview
Free preview
Prologue
ALIZA YVONNE FERRER-DE VERA   “YOU may now kiss the bride!” Isang masigabong palakpakan ang namutawi sa buong simbahan nang i- anunsyo ito ni Father. Tunog ng palakpakan at hiyawan mula sa malalapit naming kaibigan ang siyang pinakamalakas dahilan para mahina akong matawa. Labis na saya at kilig ang sumilay sa akin nang dahan-dahang iangat ng asawa ko ang belo na nakaharang sa aking mukha. I am now officially Aliza Yvonne Ferrer-De Vera, the legal wife of Ares De Vera. Halos tatlong buwan naming pinaghandaan ang araw na ito, ang napakaespesyal na araw na ito. Hindi ko maikakaila na masyado pa kaming bata para magpakasal, pero sa edad na bente-tres ay alam namin na sigurado na kami para sa isa’t isa. Mahal ko si Ares, at handa akong ibigay ang lahat, kahit pa ang buhay ko, para lamang sa kanya. “I love you damn much, wife,” he whispered with so much emotion that made my heart melt. Namumula ang mata at ilong nito. “I love you so much, Ares,” I whispered. And then we shared our first kiss as husband and wife in front of the people we love, and in the name of God.   TATLONG buwan matapos ang kasal, napagpasyahan naming lumipat sa bahay na regalo ng mga magulang ni Ares. Moderno ang istilo ng bahay na mayroong tatlong palapag. Napakalaki nito para sa aming dalawa kaya kumuha rin kami ng mga katulong para may kasama ako kahit papano lalo na’t busy rin sa kompanya ang asawa ko. “Wife, I’m sorry I’m late. I was stuck in the traffic,” bati sa akin ni Ares nang makapasok ito sa kuwarto. Napangiti ako ng mapait bago lumingon sa orasan na nasa gitnang bahagi ng pader. Malapit na mag-alas-diyes. Alas-singko ang out niya sa kompanya, apat na oras ba siyang na-stuck sa traffic? “Okay lang, kumain ka na ba?” malambing na tanong ko kahit na hindi na naman maganda ang pairamdam ko. Mabilis akong naglakad papunta sa kanya para kunin ang kahuhubad niya lang na coat. Ganito ang gawain ko sa halos araw-araw. Magluluto ng pagkain, hihintayin siya na umuwi galing sa trabaho, at pagsisilbihan siya kagaya ng isang normal na asawa. Gusto ko rin sanang maghanap ng trabaho pero hindi siya pumayag dahil gusto niyang siya ang maghanap-buhay para sa pamilya namin.  Ngunit agad na nangunot ang noo ko nang maamoy ko ang pabango na pambabae. It’s definitely not mine. Hindi ako mahilig sa matatapang na amoy ng perfume. Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa coat na hawak ko. “Wife? Are you okay?” Nag-init ang mga mata ko dahil sa takot at sakit na namumuo sa akin. Ayokong mag-isip ng masama. Hindi niya ʼyon magagawa sa akin. Ngunit sa mga kilos niya nitong mga nagdaang araw, lalo itong nakakadagdag sa pagdududang nararamdaman ko. “Oo naman,” pilit ang ngiting sagot ko. “Grabe pala ʼyong traffic kanina, ʼno? Inabot ka ng apat na oras bago makauwi.” I tried so hard not to sound sarcastic, pero hindi ko napigilan. Iniwan ko na siya at naglakad papunta sa walk-in closet. Ramdam ko ang kakaibang tingin nito na sinusundan lahat ng kilos ko. He remained silent . . . we remained silent. Tanging tunog ng aircon at mahinang musika na nagmumula sa speakers ang naririnig sa buong silid. “We had an emergency board meeting, wife. I’m sorry I forgot to inform you,” malumanay na sagot nito. Pero hindi nabawasan ang pagdududang namumuo sa utak ko. Dahil ba sa amoy ng pabango na kumapit sa coat niya? Is he cheating on me? Gusto kong magtanong, pero nagpaulit-ulit sa tenga ko ang mga sumpaang binitiwan namin. I need to trust him. “Gano’n ba?" pilit ang ngiting sagot ko rito. Nang lingunin ko ito ay prente na itong nakaupo sa dulo ng kama, nag-iwas ako ng tingin dahil sa mga titig niyang nakakapaso. “Yes, wife. So where’s my kiss?” saad nito habang nakanguso. Hindi ko mapigilang ngumiti. Napakaguwapo talaga ng asawa ko. Kung tutuusin, maging nobya pa lamang ng isang Ares De Vera ay napakalaking karangalan na para sa ibang babae, paano pa ngayong mag-asawa na kami? I am so lucky to have him. Ares De Vera is a husband-material. He is sweet, caring, and very down to earth. Nagmula siya sa mayamang pamilya pero nandoon ang puso niya para sa mga kapos-palad. Hindi pa man kami kasal ay nakapagpatayo na siya ng isang orphanage. At least once a month kami dumadalaw roon kaya naman napalapit na sa amin ang loob ng mga bata. Sumandal ako sa pader at mataman siyang tiningnan. Pinakatitigan ko ang maaliwalas nitong mukha. Mukha na hindi ko magagawang kalimutan lumipas man ang panahon. His alluring hazel brown eyes, perfectly shaped nose, and seductive lips—mga bagay na hanggang ngayon ay nakakapagpa-tulala pa rin sa akin. He is an epitome of a perfect husband, for me. At hinihiling ko na sana— sana ako lang ang mamahalin niya. “Wife.” Nanindig ang balahibo ko dahil sa malalim na tinig nito. Dahan-dahan itong naglakad papunta sa akin. I stood frozen, savoring this Godly image of him walking slowly in front of me. Humakbang ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. I can still smell a faint scent of woman's perfume, pero mas nangingibabaw na ngayon ang amoy ni Ares. “I miss you, wife,” he whispered. His lips lingered on my right ear. “D*mn, you smell so good.” Napakapit ako ng mahigpit sa kanyang braso nang marahan niyang kagatin ang aking tenga. It was sinfully satisfying, para akong naliliyo dahil sa kakaibang sensasyong binibigay nito sa akin. “A-Ares, hindi ka pa nagdi-dinner.” “Hmm? But you are my dinner,” bulong nito bago ako kargahin papuntang higaan. “Hindi ka mabubusog sa akin,” mahinang sambit ko. Pinilit kong tumayo pero mabilis siyang umibabaw sa akin para pigilan ako. Pabagsak akong napahiga dahil sa biglaan niyang pagpigil sa kamay ko. “Let’s see.” He ravishly kissed my lips. Naging mapusok at marahas ang mga halik nito dahilan para makawala ang impit na ungol mula sa aking bibig. He’s being wild, his beast side is unleashed. His hand made its way inside my night gown, feeling and touching every inch of my skin. At nang hindi mapigilan ay marahas niyang inalis ang suot ko. “Aliza . . .” He sounded so hungry and thirsty. Isa-isa niyang tinanggal ang butones ng suot niyang dress shirt habang ang tingin ay hindi inaalis sa akin. I was in awe as his well-toned body was displayed in front. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang katawan pero agad na napaawang ang labi nang may makita akong kakaiba. Akmang lalapit siya sa akin para humalik pero agad ko itong pinigilan. “A-Ano ʼyan?” Halos manghina ako dahil sa nakikita ko. “What?” he asked, confused. Mabilis ko siyang hinawi para tumayo. Iyong kaninang init na nararamdaman ko ay napalitan ng panlalamig. Parang tinusok ng paulit-ulit ang puso ko. This can’t be true. “Y-You’re cheating on me . . .” “What— wife, what are you talking about?” “Kaya pala kakaiba ang mga kilos mo these past few days dahil—dahil may iba ka na.” Hinang-hina ako habang binibigkas ang mga salitang iyan. Kaya pala. Dahan-dahan akong napaupo sa sahig habang sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha. I was betrayed, I was cheated on. Habang abala ako sa paghihintay sa kanyang pag-uwi ay abala rin pala siya sa ibang bagay. “Don’t you dare accuse me, Aliza!” Malakas ang tinig nito dahilan para mapapitlag ako. “Really? Then what about those hickeys?!” bulalas ko habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. Nakita ko kung paano umawang ang bibig ni Ares. Napailing ito na para bang hindi makapaniwala sa naririnig. At ang gulat na mukha ay napalitan ng ngisi . . . at galit. “Really? Sino sa atin ang manloloko? Sino ang nakikipagkita pa sa ex niya?!” Panandalian akong natigilan dahil sa sinabi niya. Kung papa’nong napasa sa akin ang kasalanan ay hindi ko na alam. I was dumbfounded. Everything is starting to fall apart. At tuluyan nang nanlamig ang relasyon namin. Nagising na lang ako na nasangkot na ako sa isyu, tinawag na nila akong kabit, kerida, at home-wrecker. Ako ʼyong pinagtaksilan, pero ako ang sumalo ng kasalanan. And that was the moment that I, Aliza Yvonne Ferrer-De Vera, went back to being single— not by paper, but by heart. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nababawi ang dapat na para sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WAYNE CORDOVA

read
484.1K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.4M
bc

Sexytary |SPG|

read
563.8K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
114.0K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
347.9K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
792.2K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook