Episode 14

1871 Words
episode 14 Light's POV Kumain Sila sa Isang carenderia Hindi naman Maarte si Light pero dahil first time nya kumain sa ganun ay Hindi nya alam Ang oorderin.. At alam naman ito ni Zxander kaya sya nalang Ang umorder ng kakain nila.. Laing at bicol express, ang inorder ni Zxander na ulam.. Gusto ni Zxander makita kung talagang kakayanin ni Light Ang mamuhay ng ordinaryo Lalo na sa Lugar nila.. May mga recipe din naman doon na Hindi maanghang at pwede syang umorder kung Hindi magustuhan ni Sheena Ang Laing at bicol express na inorder nya.. "Kumakain Kaba ng mga maanghang na pagkain.?" tanung ni Zxander.. "ahm, sometimes but not that much..!" sagot nya dito.. "okey Laing at bicol express ang ulam na kinuha ko.. ito Ang Laing at ito Naman Ang bicol express.." Isa Isang itinuro ni Zxander Ang inorder nya Kay Light pagka lapag nito sa table nila.. "tikman mo.!" wika muli nito.. hinawakan ni Light Ang kanyang tinidor at kumuha ng kaunting Laing at isinunod iyon.. "ahhw, it's hot but it taste so good.!" wika ni Light na napasipol pa sa anghang na dulot ng kinain na Laing pero nakayaman nya ito at nalunok Bagaman at namula Ang ilong at labi nya sa init na dulot nito.. Aktong tutusok Naman sya ng Isang Karne sa bicol express ng hawakan ni Zxander Ang kamay nya.. "wag.! may alamang yan baka mag allergy ka na naman.." wika nito Saka tinabig Ang kamay nya.. "ikukuha nalang kita ng ibang ulam pero yang laing kung gusto mo okey lang.." Tumayo ito at bumalik sa counter upang kumuha ng ibang ulam.. Natuwa si Light dahil nagustuhan nya Ang Laing at naubos Ang Isang order.. Ngunit Wala syang ginawa kundi uminom ng tubig.. "So Hindi mo talaga gustong gusto maranasan lahat ano.?" tanung muli sa kanya ni Zxander na pailing iling pang ngumiti nang kaliwang bahagi lang ng labi Ang naka tikwas.. "I told you so, I am willing to adjust myself to where I am now.." nakataas Naman Ang kilay na sagot nya Dito.. "Ay di wow.! Sige na Ikaw na Ang magaling mag-adjust.!" At nagkatawanan Sila ng mahina.. Yung pag- uusap nila ay tila ba palagay na Ang loob nila sa isat-isa ngayon.. Marahil ay sa nangyaring pagtatapat ni Light sa tunay nyang pagkatao at sa dahilan ng kanyang paglalayas ay natagpuan nila sa isat-isa ang Isang tunay na kaibigan.. "So paano pala kita tatawagin Ngayon.? Sunlight I Sheena parin.?" tanung ni Zxander sa kanya.. "Of course Sheena parin secret nga natin yun Diba.?" sagot nya.. "okey.. Sheena.!" Pagkatapus kumain ay dumiretso na Sila sa boarding house na sinasabi ni Zxander.. Pumasuk Sila sa maliit na kalsada at tumigil sa tapat ng gate ng tingin nya ay Isang malaking Bahay lamang.. Bumaba si Zxander habang naiwan Naman sya sa loob ng tricycle.. Nag doorbell si Zxander at Hindi nagtagal ay nagbukas Ang gate nito.. "ohh Zxander Ikaw pala, Anong Sadya mo.?" narinig nyang tanung Kay Zxander ng Isang may edad ng babae.. 'kilala sya Dito.?' nausal nya sa isip.. "Magandang Araw ho tiya Cora, Diba Sabi nyo may bakante pa ho kayo Dito.?" narinig nyang tanung ni Zxander sa kausap.. "Ay oo pero sino ba Ang magboboard Ikaw.? alam mo Naman na exclusive sa babae itong apartment ko.." wika muli ng babae na tumaas pa Ang kilay sa pagtingin Kay Zxander.. "Naku Hindi po ako kaibigan ko po nasa tricycle ko po sandali ho, Sheena halika.!" tawag nito, lumapit sa kanya at tumunghay sa loob ng tricycle at iniabot Ang Isang kamay upang alalayan syang lumabas ng tricycle.. "kaibigan ko po so Sheena.!" wika ni Zxander.. "hello po.!" wika naman nya saka ngumiti ng matamis sa may edad ng matanda.. "oh hi ineng.! mukhang mayaman ka naman, saan mo nakilala Ang pamangkin ko.? at ano naman Ang nagustuhan mo sa pamangkin ko para Iwan Ang karangyaan at sumama sa kanya.?" wika ng matanda sa kanya na nagpanganga sa kanya at naumid Ang dila dahilan upang Hindi sya makapag salita.. Maging si Zxander ay naumid din Ang dila sa gulat.. "At Ikaw nman Zxander.!" baling naman nito sa kasama nya.. "Alam Kong mabait Kang Bata at matulungin sa magulang mo, pero yang pag takas ng babae na mukhang anak mayaman ay naku Zxander pag napahamak ka-" "Sa-sandali ho tiya Cora, ano po ba mga pinagsasabi mo.?" napamaang na putol ni Zxander sa mga sasabihin pa ng tiyahin nya.. "ohh ay Hindi ba at anak mayaman yang Kasama mo na itinakas mo sa pamilya.? Zxander ha bibigyan mo ng malaking problema Ang ate Celly at kuya Nestor nyan.!" muling pasermon na wika ng ginang.. "tiya ano ba kayo.? kaibigan ko ho ito si Sheena.. taga Santa Barbara ho yan kaya magboboard Dito Kasi po ay magta trabaho na po yan sa restaurant nila Gian bukas.." paliwanag ni Zxander sa tiyahin.. Tumingin sa kanya si Zxander at kumindat na sinasabing sumakay lang sya.. Tahimik lang Naman sya habang nakikinig sa pag-uusap ng mag tiyahin pala.. "aba Zxander, sa tingin mo ba ay maniniwala ako Sayo.? yang ganda at kinis at puti na yan Taga Santa Barbara.? Sa bundok na malayo Ang lalakarin Bago makarating sa kalsada at tatlong uras na byahe sa jeep Bago makarating Dito sa kabayanan.! abah Zxander umayus ka.!" Galit paring sermon ng ginang.. "Tiya, sa Laguna na ho nag dalaga si Sheena sa mga tiyahin nya doon po sya nag-aral.. kaya lang po ay napahinto sa pag-aaral at nag trabaho doon.. ay pinauwi na ho ng magulang para Dito nalang mag trabaho sa malapit.. ay kaya nga ho magboboard nalang dahil malayo nga po kanila kung mag-uuwian.." paliwanag muli ni Zxander.. Napataas Naman Ang Kilay ni Sheena sa mga narinig Kay Zxander.. Puro kasinungalingan Ang sinasabi nito pero animoy totoong totoo Kasi maging sya ay mapapaniwala sa mga sinasabi nito.. "Ay sya totoo ba Ang sinasabi nito iha.?" baling sa kanyang Tanong ng ginang.. "o-opo" matipid naman nyang sagot dito at napa ngiti na patikwas Ang kanang labi dahil sa ilang.. "Ay sya kung nagsasabi kayo ng totoo ay di Sige.. pasensya kana iha, at sa itsura mo kaya ay talagang Mukha Kang mayaman.. parang may kamukha Kapa ngang artista eh.! sino nga bang-" wika nito na napatutok pa sa sintido sa pag-iisip.. "Tiya, ano ho- eh mapapaupa nyo po ba si Sheena Dyan.? Kasi ay naka habilin lang po sa Bahay Ang mga gamit nya.. kukunin pa po Namin Bago ko sya ihatid pabalik Dito.." putol muli ni Zxander sa pag-iisip ng tiyahin.. "ay sya sige Sige, pano tingnan mo muna Ang Kwarto iha, Hali ka.." hinawakan ng ginang ang kamay ni Sheena at iginiya sya papasuk ng gate ngunit lumingon at bumaling Kay Zxander.. "Pero Ikaw, Dyan ka lang, bawal Ang boys Dito alam mo yan.!" wika nito habang naka duro pa sa binata.. "o-oho tiya Dito lang po ako.." sagot naman ni Zxander na humakbang na pabalik sa kanyang tricycle.. Dumaan Sila sa Salas at may mga babaing nandoon na tingin nya ay mga boarders doon.. Isa Isang ipinakilala sa kanya ng ginang ang mga ito ngunit Hindi nya Naman matandaan Ang mga ito dahil sa Dami.. Tumapat Sila sa Isang saradong pinto at binuksan ng ginang ang pinto nito.. Pagka bukas noon ay tuloy binuhay nito Ang ilaw.. Tumambad sa kanya Ang maliit na Kwarto na may double deck.. Kung susukatin Ang Kwarto ay may dalawang dipa Ang luwang at mga tatlong dipa Naman Ang haba.. Kung susumahin ay mas malaki parin Ang bathroom nya sa Mansion kesa Dito dahil sa bathroom niya ay may sofa pa sa pagpasuk ng pinto at may mga cabinet sa taas na lagayan ng kanyang mga bathrobe at tuwalya.. tatlong hakbang Bago kakanan papasuk sa toilet bowl na may salamin palibot na nagsisilbing devider.. at sa bandang kaliwa Naman ay may sink na may salamin sa wall nito.. Kung diretsu ka Naman ay nandun Ang bathtub nya na pabilog na kasya Ang tatlo na sabay sabay maligo at namay hitter din ito.. Madalas nga ay iniimbitahan nya doon Ang dalawang kaibigan na Sina Patty at Micka na matulog sama sama Sila sa Kwarto nya at nag papajama party Sila Bago naliligo sa bathtub ng sabay sabay.. Bahagya Naman syang nalungkot sa pagka Alala sa dalawang best friend na natiis nya ng ilang Araw na Hindi kausapin.. "ito iha, Pang dalawahan lang Ang kwarto na ito at iha nakikinig Kaba.?" napatigil Ang ginang sa pagsasalita ng mapansin nitong natigilan si Sheena na katabi nya.. Saka tinapik pa sya nito sa balikat.. "po-po.?" tila natauhan naman sya sa pag tabik nito sa balikat nya.. "ano ba Ang iniisip mo iha at natigilan ka.? naliliitan kaba sa Kwarto.?" wika muli ng ginang na nka taas pa Ang kilay at tila ba sinusuri Ang kanyang iniisip.. "ahm, Hindi Naman po Ngayon lang po Kasi ako magboboard nahihiya po ako.." wika nya "ahh eh ano pwede naba Sayo itong Kwarto na ito.?" "ahm, ok nman po.. Sige po lilipat po aq mamaya.." "okey Sige iha, kung isang buo Kwarto kukunin mo 1,500 Isang buwan one month deposit one month advance.. kung magsasama ka naman dito pag dalawa kau 800 per head.." "Sige po kukunin ko na po itong Isang Kwarto.." dumukot sa bag si Sheena at kinuha Ang wallet at kumuha ng Three thousand at ibinigay sa tenant na kausap.. "ito po lilipat po ako mamaya.." Inabot ng ginang ang Pera at Saka ngumiti.. "Sige iha, salamat.." Tumalikod na sya at humakbang palabas pabalik Kay Zxander.. Pag dating nya sa labas ay nakatalikod si Zxander sa gate habang nagsi cellphone.. "Zxander.! okey na lipat na Tau.!" wika ni Sheena ng makalapit sya Dito.. "ahh Sige Tara kunin n natin sa Bahay Ang mga gamit mo.." Nakagayak na Ang mga git ni Sheena at handa na upang lumipat sa boarding house na uukupahin nito.. Malungkot Naman Ang pamilya ni Zxander na aalis na Ang dalaga.. "Naku Sheena pwede bang Dito kana maghapunan para makasabay ka Naman Namin kumain Bago ka umalis.." malungkot na pakiusap ng nanay cely ni Zxander.. "cge po nay cely Mami miss ko po kau.." naluluha namang tugon ni Sheena.. Nagkayakapan pa Ang dalawa at napayakap narin Ang mga kambal na kapatid ni Zxander.. Nakita ni Zxander na napamahal agad Ang pamilya nya Kay Sheena sa mailing panahon n nakasama.. May mumunting ligaya na naramdaman sa puso si Zxander dahil sa nakikita nya.. "Hindi ko Naman Sila masisi kung mapamahal agad Sila Sayo dahil ako, sa unang kita ko palang Sayo minahal na kita Sheena.." naibulong sa isipan ni Zxander habang Hindi maitago Ang ngiti sayang nararamdaman sa nakikita nya.. "huy Zxander, sumali k naman samin.!" tawag pansin ni Sheena sa binata na nakatingin lang sa kanila.. Saka kinuha nya Ang Cellphone sa bulsa ng suot na jacket at aktong mag groupie Sila.. "oo nga Naman kuya pabebe Kapa Dyan.!" Wika naman ng kambal at sumama narin Ang bunso nila na si Joshua.. Nag picture taking Sila na wari ba ay Isang kapamilya talaga si Sheena Dito Hanggang sa mapagkaisahan nila Sina Sheena at Zxander na picturan na silang dalawa lang.. give na give Naman si Sheena na sinakyan Ang pangungulit ng mga kapatid ni Zxander.. -to be continued -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD