Episode 15
Matapus maghapunan ay lumipat narin sa boarding house na nakuha si Sheena.. Kasama pa Ang nanay at tatay ni Zxander para masiguradong ligtas na makakalipat si Sheena.. Lalo na ng malaman ng nanay Cely ni Zxander na sa ate Cora nya mangungupahan si Sheena..
Masayang nagyakap Ang mag ate at nag kumustahan habang inihahatid sa kwartong tutuluyan si Sheena..
Hindi nagtagal ay umuwi narin Sila Zxander dahil lumalalim na Ang Gabi.. gusto man nilang magkasama pa ng matagal pero pare parehong abala sa kani kanilang Gawain.. Nagpa alam na Sila sa isat Isa pati narin Kay Sheena..
Nang mapag Isa sa kwarto ay nahiga sya sa maliit na papag kung saan may foam nman na Hindi Naman manipis pero Hindi kasing lambot at kasing kapal ng foam nya sa kanyang solid sa Mansion.. Napaisip si Sheena at napangiti sa kasalukuyang sitwasyon..
"I can't believe it.! I'm renting a space as small as my Bathroom, but it made me feel more comfortable just to think that I am free like a bird.!" mahinang nausal ni Sheena sa sarili.. "and what's next.? tomorrow is a big day.! and I am so excited.!" patuloy na usal ni Sheena sa sarili na kitang kita sa mga mata nya Ang saya at excitement..
Patuloy syangnagmuni Muni ng mga kaganapan sa Buhay this past few days at Hindi nya na namalayan Ang pagbigat at pag pikit ng kanyang mga mata..
Napabalikwas Nagulat pa sya sa sunod sunod na pag tunog ng kanyang cellphone dahil sa tunog ng alarm nito..
"what.?" tanging naibulalas nya ng makita sa wall ng kanyang cellphone Ang uras.. 5 o'clock in the morning.. mabuti nalang at naiset nya Ang cellphone nya ng 5am.. Marahil ay napagod sya sa maraming ganap sa kanya kahapon kaya ng makahiga ay nakatulog na sya ng Hindi nya namamalayan..
Nagmadali syang bumangon at kinuha Ang toothbrush at toothpaste sa kanyang maleta.. Nag toothbrush sya tulad ng nakasanayan nyang Gawin tuwing gigising sa Umaga.. At matapus mag toothbrush ay nag gayak narin sya ng isusuot sa pag pasuk sa kanyang unang Araw sa trabaho..
Sa lahat ng mayamang babae sya Ang pinaka simple pumorma at Hindi din sya mapili o choosey sa isusuot.. pag naigayak nya na Ang isusuot nya Hindi na sya nagpapalit palit pa.. Sa tingin nya Kasi bagay naman sa kanya kahit Anong isuot nya..
"this is my fight song.! hm, hm, hm, hm, hm, hm.." humihimig pa ng masayang awitin si Sheena sa loob ng banyo habang naliligo..
Matapus maligo at magbihis ay ini ayus na nya sa baon nyang shoulder bag Ang Ilan nyang mga personal belongings at binitbit iyon palabas ng kwarto nya.. Dumiretsu sya palabas at dadaan ng salas Bago tuluyang makalabas ng Bahay..
Medyo nagulat pa sya ng makita nya si Zxander sa salas na nagkakape Kasama Ang tita Cora nito..
"oh hija good morning.! Hali ka at magkape ka muna.!" bati sa kanya ng tenant nya na tita ni Zxander..
"ahh good morning din po.! Sige po salamat Nalang po pero Hindi po ako sanay magkape sa Umaga eh.!" wika nya Dito..
"Good morning Sheena.!" bati naman sa kanya ni Zxander..
"good morning din.! aga yata natin ah.!" wika nya..
"maaga naman talaga ako pumasada alas tres ng madaling Araw na pasada na ako.. dun maraming pasahero eh.. naka dalawang byahe lang ako tapus Dumiretsu na ako Dito para sa usapan natin.. Ihahatid kita sa resort.." mahabang paliwanag ni Zxander..
"ahh okey.! Sige Tara na.!" aya nya Kay Zxander..
"ay Teka mag almusal muna kau may sinangag ako sa kusina at pritong embutido.." pigil sa kanila ng Tita Cora ni Zxander..
Lumapit si Sheena Kay Zxander "katulad kaya iyon nung natikman Kong embutido sa Inyo.?" wika nya Dito ng pabulong..
"oo sya din Ang gumawa nun.. especialty nya talaga yun.." pabalik na wikang pabulong ni Zxander sa kanya..
"Ay Sige po Tita Cora makikikain na muna po kami paburito ko po Yung embutido nyo eh.." baling nya Kay aling Cora..
"oh ay sya Sige Tayo sa kusina at doon Tau sabay na Tau kumain at ako ay walang kasabay kumain.." natuwa Naman Ang matanda na pinaunlakan ni Sheena Ang alok nito ng mag almusal kasabay nya..
Byuda na si aling Cora at may dalawang anak na Isang babae at Isang lalaki ngunit parehong nag migrate na sa america.. matagal na syang kinukuha ng dalawang anak upang sa america narin manirahan ngunit ayaw nyang Iwan Ang sarili nyang bayan at Ang mga pundar nila Dito ng kanyang namayapang asawa..
Matiim namang napangiti si Zxander sa Nakita nya na Ang dating masunget nyang tiyahin na kinatatakutan ng mga boarders ay mukhang magaan Ang loob Kay Sheena.. Nakita nya din na napanganga sa kanila Ang mga ka boardmate doon ni Sheena.. Marahil ay nanibago din Sila sa nagiging ugali ng tiya Cora nya..
"Ako hija ay ano na nga ulit Ang pangalan mo hija.?" wika ng matanda Kay Sheena habang papunta Sila sa kusina..
"Sheena po.." sagot nya Dito..
"ahh oo Sheena, pasensya kana at naedad na aq malilimutin na.." wika nitong muli na nakangiti pa ng matamis Kay Sheena halatang giliw na giliw ito sa kanya..
"ay okey lang po ganyang din po Ang aking mga Lola at Lolo Sila nga po ay apo na ako nalimutan pa Ang pangalan ko Minsan.."
"ahh ganun ba.? ay maige at may Lola at Lolo Kapa pala.. sya maupo kayo.." turo nito sa magkatabing upuan na pinauupo Sila Saka ito tumawag ng kasambahay nito at nagpahain ng mga Plato dahil Ang nka gayak lang na Plato ay para sa kanya lang sana..
"Ako Sheena ay mahigpit Dito sa pagpapasuk ng mga lalaki dahil exclusive na pang babae lang talaga Ang boarding house ko.. Pero dahil pamangkin ko Naman itong si Zxander ay okey lang.." muling wika ng matanda sa kanya ng nag umpisa na silang kumain..
"ahh ok po.." mailing sagot nya Dito..
"Heto Sheena, tikman mo itong kapeng mais Namin masarap ito pag natikman mo magugustuhan mo.." wika muli ng matanda at nilagyan sya ng Kapeng Mais sa isang tasa sa harapan nya..
Naamoy nya Ang aroma ng kape at mukhang masarap nga ito sa Amoy pa lamang.. "hmmm, mukhang masarap nga po.. " wika nya at Saka sumimsim ng Isang higop sa kape.. "wow.! Ang sarap nga po.! Ngayon ko lamang po ito natikman.! Hindi po ako mahilig magkape pero pag ito po Ang kakapehin ko ay mawiwili po ako.. Ang sarap nga po.!" masayang wika naman nya na namilog pa Ang mga mata nya sa pagka mangha..
"oh Diba Sabi ko Sayo magugustuhan mo iyan.. Sus ka gwapa ng imo kinamomoot Zxander.!" masayang wika ng matanda na nakatingin Kay Zxander na ikina said Naman ng binata..
"ano po Sabi nyo tita Cora.?" maang na tanong nya sa matanda sa Hindi nya naintindihang sinabi nito..
"ahh Wala hija Sige kumain kayo at baka malate ka sa trabaho mo ay unang Araw mo pa naman.." naka ngiting wika nito sa kanya..
"okey po.." nagkibit balikat nalang si Sheena kahit alam nya na may kakaiba sa sinabi ng matanda nya na Hindi nya lang naiintindihan dahil sa iba Ang wika noon..
Matapus kumain ay muling bumalik sa kwarto so Sheena upang mag toothbrush at mag retouch ng kaunti..
"tita Cora aalis na po kami salamat po ulit sa pa almusal nyo.!" wika nya sa tenant nya..
"naku walang anuman Hija.. mamayang Gabi Dito ka nalang ulit mag hapunan ha.?" may halong paglambing na wika nito sa kanya..
"Sige po Tita Cora Ali's na po kami.."
"Sige mag iingat kayo.! Zxander mag ingat sa pagmamaneho ha.?" baling nito Kay Zxander..
"opo tiyang.."
Nakarating na Sila sa resort at muling inihatid ni Zxander si Sheena sa Gallery ng restaurant kung saan alam nyang doon madalas tumambay Ang kaibigan nyang magiging amo ni Sheena..