Chapter 2

1321 Words
Isabel's POV Good afternoon. Please be seated. Fasten your seatbelt. It will be about 5 minutes before we land Ninoy Aquino International Airport. Hope you had a comfortable journey. I'm Jervie, your pilot. And welcome to the Philippines! . . . . Finally! I'm home.. It's good to be back. I got a lot of things to do. First, i need to find a place to stay. Then a job. Then a University. While finding those, i need to fulfill my promise to Dave. I missed this place so much. I should take a tour sometime. Many things had changed. Pero sana hindi yung pangako ko kay Dave. May naipon naman akong konti. Kailangan ko lang tong pagkasiyahin hangga't makahanap ako ng trabaho. Kapag may trabaho na ko, saka ako mag-aapply ng scholarship sa isang university. Nag-taxi ako papuntang dati naming bahay. Baka sakaling bakante na yon. Pwede na ako doon. Pagdating ko sa dati naming bahay, may nakita akong matandang babae na nag wawalis sa tapat. Siguro siya na yung nakatira dito. Magtatanong na lang ako kung saan may pinakamurang paupahan. "Magandang araw po. Pwede po ba mag tanong?" Lumingon siya sakin at laking gulat ko na si Aling Martha pala yon. Ang may-ari ng bahay na inuupahan namin dati. Isang napakabait na tao. Hindi siya yung katulad ng ibang nag paparenta na laging nagagalit kapag hindi agad nakakabayad ng upa. Naiintindihan niya ang sitwasyon namin kaya kahit kadalasan huli na kami mag-bayad, hindi siya nagagalit at hindi niya kami pinapalayas. "Aling Martha? Kamusta po?" niyakap ko siya. "Ineng, sino ka ba?" ayy. Di niya na siguro ako nakilala. "Aling Martha, ako po si Isay. Natatandaan niyo pa po ako?" nakangiti kong pahayag "Isay? Diyos ko! Ikaw pala yan! Ang laki laki mo na.. Hindi na halos kita makilala. Kamusta ka na?" "Gumanda na po ba ako? Hehehe. Okay lang po ako. Kayo po? Kamusta po?" "Oo naman hija. Okay lang ako. Halika at pumasok tayo sa loob. Doon na tayo mag-kwentuhan." Pumasok kami sa bahay niya na katabi lang ng dati naming tinitirhan. "Asaan ang mama at papa mo? Kasama mo ba sila?" "Nako. Hindi po. Ako lang po ang umuwi. Pero wag po kayo mag-alala, susunod din po yong mga yon. Hehehehe." "Ganon ba? Mabuti naman at uuwi na kayo dito. Saan ka naman nakatira ngayon? Bakit may dala-dala kang maleta?" "Yon nga po ang problema ko Aling Martha eh. Naghahanap po ako ng paupahan na mura. May alam po ba kayo na pwede kong upahan?" "Ay nako! Bakit ka pa mag-hahanap sa iba kung pwede ka naman diyan sa dati niyong bahay. Wala namang nakatira diyan. Ikaw na lang ang umupa kung gusto mo." "Talaga po? Nako. Salamat po. Salamat po talaga. Uhm, Aling Martha, may isa pa po sana akong itatanong." "Ano yon hija?" "May alam po ba kayo kung saan pwede mag-apply ng trabaho? Kailangan ko po kasi ng trabaho eh. Kahit anong trabaho po, okay lang.." "Saktong sakto hija. Nag hahanap ng waitress para sa restaurant niya si Carlo. Natatandaan mo pa ba siya? Yung panganay ko." "Oo naman po. Tandang tanda ko po siya." Kung alam niyo lang aling Martha. Ang anak niyo ang pinaka mapang asar na taong nakilala ko. Pero kailangan ko talaga ng trabaho. "Oh sige. Kakausapin ko mamaya si Carlo para ipasok ka sa restaurant niya." "Salamat po Aling Martha. Maraming salamat po talaga." "Ay nako! Wala iyon. Para namang iba ka pa sa akin. Halika na at tutulungan kitang mag-ayos ng gamit mo sa kabila." "Maraming salamat po talaga." Pumunta kami sa dati naming bahay. Ang dami ng pinag bago sa loob. Akala ko katulad sa labas na parang walang pinag bago, pero halos lahat sa loob ng bahay nabago na.. Inayos ko na ang gamit ko at iniwan na ako ni Aling Martha para makapag pahinga naman daw ako. Masaya ako dahil nakabalik na ko dito. Pero mas masaya sana, kung kasama ko sila mama at papa. Isang taon ko silang di makakasama.. isang taong sakripisyo, pero alam kong magiging sulit ang resulta kapag nagawa ko to. Kailangan kong kayanin, hindi lang para sakin, para narin sa pamilya ko. Para maibalik namin yung dati naming pamilya.. Sa sobrang pagod ko, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.. . . . . . "Promise Isay? Babalikan mo ko dito? Tapos di ka na ulit aalis?" "Promise Dave. Babalikan kita at di na ko aalis ulit." . . . . . "Isay. Okay ka lang ba?" Ginising ako ni Aling Martha "Ah, opo. Okay lang po ako." "Akala ko kung ano na nang-yari sayo. Kanina pa kita ginigising pero parang ang lalim ata ng tulog mo. Nag handa ako ng hapunan. Sabayan mo na ako kumain." "Nakakahiya naman po. Okay lang po ako. Ako na lang po ang mag-luluto ng pagkain ko." "Nako. Huwag ka nang mahiya. Tayo na at kumain." "Sige po. Salamat po talaga." Kumain ako kasabay ni Aling Martha. Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano habang kumakain. Nang matapos kami, ako na ang nag prisentang mag-hugas ng pinggan. Noong una, ayaw pa niya pumayag, pero dahil sa mapilit ako, wala narin siyang nagawa. Habang nag huhugas ako ng pinggan, may narinig akong kausap ni Aling Martha. Boses lalaki. "Oh? Nay. 'Di mo naman nabanggit sakin na kumuha ka na pala ng katulong. Buti naman at sinunod mo na yung payo ko." Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko yon. Pagkalaman daw ba kong katulong? "Ay nako! Hindi siya katulong Carlo! Bisita natin siya. Ano ka ba naman?" "Bisita? Eh bakit nag huhugas siya ng pinggan?" "Wala ka parin talagang pinag bago." 'di ko na napigilan yung sarili ko na mag-salita. Humarap ako sakanila at nakita ko ang pagkagulat sa mata ni Carlo. "Isay? Ikaw na ba yan? Anong nang-yari sayo?" "Bakit? Ano bang meron sakin?" "Ang laki na ng pinagbago mo.." "Talaga?" "Oo. Ang panget mo na." "You don't have to be harsh you know. Tsss. Wala ka parin talagang pinag bago." "Hahahahaha. Hindi ka talaga mabiro oh." "Kayong kabataan talaga. Oh siya, maiwan ko na muna kayo, may aasikasuhin lang ako. Ikaw munang bahala kay Isay ha?" sabi ni Aling Martha "Sige Nay. Ako ng bahala kay Isay." Sabi naman ni Carlo ng nakangiti Nang makaalis si Aling martha, saka lang ulit nag salita si Carlo. "Kamusta ka na Isay? Long time no see.." Totoo ba tong naririnig ko? Kinakamusta ako ni Carlo? May sakit ba siya. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang noo niya. "Wala ka namang lagnat." sabi ko "Wala nga. Bakit?" "Nakakapag taka lang na kinakamusta ako ng isang Carlito Gomez,Jr." "Hahahahaha. Bakit? Tingin mo ba gaya parin ako ng dati?" "Hmmmmm. Siguro? Hehehe." "Sus! Nagbago na ko no." "Hahahaha. If you say so." "Oo nga. Promise." Sabi niya sabay taas ng kamay na parang nag papanatang makabayan "Hahahahahahahahaha." "Bakit nanaman?" "Nag bago ka na ng lagay na yan ah? Hahahahahaha." "Same old Isay. Umuwi ka na nga at matutulog na ko. Shooo. Uwi.." "Grabe naman to. Oo na. Uuwi na ko. Hahahahaha. Good night Carlito. Byeeeee." Bumalik na ako sa dati naming bahay. Ang laki na ng pinag bago ni Carlo. Mas mature na siyang tignan ngayon. 'Di katulad dati na mukhang totoy. Hahahaha. Inaasar lang naman ako non dati. Hindi naman siya katulad ng mga classmates ko noon na sinasaktan ako. Inaasar niya lang talaga ako. Pero kapag inasar ko siya sa buong pangalan niya, siya naman mapipikon. Hahahaha. Pero infairness, gumwapo na siya. Di na rin siya payatot. Ang dami na talagang nag bago.. Si Dave kaya, nag bago na rin? Kamusta na kaya siya? Mas gwapo na kaya siya ngayon? Mas matangkad na kaya siya sakin ngayon? Marami na rin kayang nag bago sakanya? Pero sana hindi pa nag babago yung promise namin. Ngayon pang unti-unti ko ng tinutupad yon. Hahanapin kita Dave at tutuparin ko yung pangakong binitawan ko sayo noon. ~ Chapter Two: Home
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD