Isabel's POV
"Congratulations Ms. Smith. You've passed the scholarship exam. I know you can catch up with the lesson you've missed while you're abroad. Have a great day ahead."
"Thank you ma'am."
Okay na ang lahat..
May tinitirhan na ako..
May trabaho na ako..
At may university na rin ako..
Ang natitira na lang, si Dave.
Kailangan ko siyang hanapin.
Pero saan ako mag sisimula?
Hay.....
Sinubukan ko ng puntahan yung dati nilang bahay..
Pero iba na yung nakatira.
Lumipat nadaw sila..
Hindi naman alam nung bagong nakatira kung saan sila lumipat..
Pati si aling Martha wala na ring balita sakanya..
Pero di ako susuko..
Naniniwala akong mahahanap ko siya..
Uuwi na lang muna ako ngayon dahil kailangan ko mag pahinga.
Maya maya kasi aalis nanaman ako dahil ngayon ang first day ko sa pagiging waitress sa restaurant ni Carlo.
Maaga pa ang pasok ko bukas. Kailangan kong humabol sa mga lessons na namissed ko habang nasa states ako..
Nakapasok ako sa Licht University.. Eto yung university na pangarap kong pasukan noong bata pa ako.
Yun kasi yung pinakasikat na University noon. Kahit naman ngayon eh. Kaya thankful talaga ako dahil nakapasok ako sa Licht University.
Umaayon ang lahat sa plano ko. Sana mag tuloy tuloy lang to para maging maayos ang lahat.
Ngayon naman, kailangan ko ng pumasok sa trabaho. Good luck sakin.
"Oh Isay? Andyan ka na pala? Ready ka na ba para sa first day mo? Huwag ka mag-alala, madali lang naman ang gagawin mo eh." si Carlo
Kung siguro normal na customer lang ako, aakalain kong isa mga waiter si Carlo. Pano ba naman kasi, naka uniform din siya at nagliligpit ng pinagkainan ng mga customer.
"Ano bang gagawin ko?"
"Iwewelcome mo yung customer, kukunin mo yung order, kakausapin sila, tapos liligpitin yung pinagkainan nila. Ganon lang kadali."
Patay.. Mahina pa naman ako sa pakikipag-usap sa ibang tao. Paano to?
"Ah, ano. Hindi ba pwedeng taga hugas na lang ako ng pinggan? O kaya taga linis. Pwede bang wag na lang ako humarap sa mga customers? Sige naman na Carlo oh."
"Nah uh uh. May mga staffs na kong nakaassign doon. Waitress na lang ang natitira. You don't have any choice. Diba kailangan mo ng trabaho? Take it or leave it."
"Ikaw na nga ang nag sabi eh, i don't have any choice."
"Good Isay. Hahahahaha."
"Meanie Carlito."
"Eto na yung uniform mo. Mag palit ka na dahil dumadami na ang mga customers. Doon yung locker room. Number 8 yung locker mo. Doon mo narin ilagay yung mga gamit mo."
"Okay. Thanks."
Dali-dali naman akong nag punta sa locker room at nag bihis.
Ang ganda ng uniform na isusuot ko.
Yung itsura niya para talagang pang fine dining.
Pagkatapos na pagkatapos ko namang mag bihis, nag simula na kaagad ako.
Sa una, hirap pa ko kung pano ba gagawin ko. Pero nakaraos naman ako.
Masasabi kong maayos naman ang naging first day ng trabaho ko..
Nakakapagod nga lang..
Pero di parin talaga ako sanay makipag usap sa ibang tao.
Kailangan ko pa ng panahon para makasanayan ko to..
Bukas naman, first day ko sa University..
Sana naman maging okay ang lahat..
*kinabukasan*
This is it..
As a tradition here in the Philippines, i need to introduce myself in front of the class.
"Hi everyone. I'm Aliyah Isabel Smith." plain kong sabi
Hinihiling ko kagabi na sana maging maayos ang lahat, pero mukhang malabo..
"Ewww. May nerd tayong classmate. Ang jologs ng porma niya. Hindi niya ba nakikita yung sarili niya? Wala ba siyang pambili ng maayos na damit?"
"Tama ka diyan girl. Bakit kaya sa block natin napasama yan?"
"Di ko nga alam eh. Wag tayo lumapit diyan. Baka mahawa pa tayo sa pagkajologs niya. Ewww."
Narinig kong bulungan ng mga babae.
Mag bubulungan na nga lang, yung rinig na rinig ko pa.
Umupo na lang ako sa may likuran dahil alam ko namang 'di nanaman ako belong sa kanila.
Hahayaan ko na lang sila kasi 'di naman sila yung dahilan kung bakit ako andito..
Ang importante, magawa ko yung mga kailangan kong gawin..
Lunch break na.. As usual, mag-isa akong kakain. Wala namang bago don eh. Sanay na ko sa gantong set-up.
"Excuse me miss, pwede makishare ng table?"
Inangat ko yung ulo ko at nakakita ako ng isang magandang babae.
Luminga linga ako sa paligid at nakitang ang daming nakatingin samin. Sinisigurado ko kasi kung ako ba talaga yung kausap ng babae sa harap ko.
"Bakit makikishare ng table si Janine sakanya? Ang ewww kaya ng itsura niya.."
"Oo nga girl eh."
Lagi na lang silang may sinasabi. Psh.
At sino ba ang babaeng ito para maging big deal sa maraming tao ang pag share niya ng table sakin.
Ganon ba sila kadiring diri sakin?
"Pwede ba miss?" nakangiti niya ulit na tanong
"Ah, oo naman. Sige lang."
Umupo siya sa harap ko saka ulit nag salita.
"Ako nga pala si Janina Davis. Ikaw? Anong pangalan mo?"
"Ah, ano. Aliyah Isabel Smith."
"Hahaha! Ang cute mo naman. Pwede ba kitang maging kaibigan?"
.
.
.
.
.
"H-ha?" mali ata ako ng rinig eh
Parang 'di kapanipaniwala na may gustong makipag kaibigan sakin na ganto kaganda.
"Ang cute mo talaga." she smiled
"Sabi ko pwede ba kitang maging kaibigan?" pagpapatuloy niya pa
"Sigurado ka miss? Baka naman malabo yung mata mo at 'di mo ko nakikita? Nerd ako oh."
"Hahahahaha! Hindi malabo ang mata ko at siguradong sigurado ako. Eh ano naman kung nerd ka? Bakit? Hindi ba kita pwedeng maging kaibigan?"
"Hindi naman. Baka kasi namamalik mata ka lang eh. Tignan mo yung mga tao sa paligid, lahat sila diring diri sakin. Baka kung ano pang masabi nila sayo."
"Hmmm, hayaan mo sila. Hindi naman mahalaga yung opinyon nila diba?"
"Oo. Pero hindi bagay sayo na maging kaibigan ang katulad ko. Tignan mo nga oh, ang ganda ganda mo."
"Bakit? Maganda ka rin naman ah. Every girl is beautiful in their own way. Hindi naman batayan ang itsura sa paghanap ng kaibigan eh. I just feel that you're a good person. Ang mahalaga naman kaya kang tanggapin ng kaibigan mo ng buong buo diba? Kahit na ano pang itsura o ugali nito, kaya ka niyang tanggapin."
That shut me up. She has a point. Yun din naman ang paniniwala ko eh.
Hindi naman talaga mahalaga ang itsura sa paghahanap ng kaibigan. Ang mahalaga, kahit ano ka pa o kahit anong ugali ang mayroon ka, kaya ka niyang tanggapin.
Hindi mo kasi kakailanganin ang kaibigan na oo maganda nga, maasahan mo naman ba? Mabait siya kapag magkasama kayo, kapag ba nakatalikod ka na alam mo pa kung mabait siya o hindi? Handa ka ba niyang damayan kahit na paulit-ulit ka na sa drama ng buhay mo?
Ang kailangan mong tipo ng kaibigan ay yung kahit maganda man o hindi, gwapo man o hindi, andyan lagi para sayo. Yung totoo sayo kahit nakatalikod ka. At kahit na paulit-ulit ka ng parang sirang plaka, 'di pa rin siya nag sasawang pakinggan yung sinasabi mo..
Yung kaibigan na kahit anong mang-yari, hinding hindi ka iiwan. Kahit gaano pa kahirap yung sitwasyon. hindi ka niya iiwan ng basta na lang para lang hindi siya madamay. Sabay niyong haharapin yung problema at sabay kayong aalis na sitwasyon na yon.
Parehas kami ng paniniwala. That made me happy. Kahit na maganda siya, hindi batayan sa kanya ang itsura ng magiging kaibigan niya. May mga tao parin talaga na hindi tumitingin sa panlabas na itsura.
"Thank you."
"Huh? Para saan? Ibig sabihin ba niyan magkaibigan na tayo?"
Tumango ako..
"Yehey! I think i should be the one thanking. Thank you Ali."
"Ali?"
"Yeah. Ali na ang itatawag ko sayo."
"Ah, ano. Pwede namang Isay na lang."
"Na uh uh. Gusto ko unique ang magiging tawag ko sayo. Kaya i will call you Ali. Tatawagin mo naman ako as Jane."
"Uhm, 'di kasi ako sanay eh."
"Masasanay ka rin. Okay? Tara na sa next class?"
"Bakit? Kablock ba kita?"
"Hahahahaha. Oo. Nginitian nga kita kanina eh, kaso hindi mo siguro ako napansin. Sumisenyas din ako na sa tabi kita maupo, pero nakayuko ka kaya siguro di mo nakita. Mag-isa ka tuloy naupo sa likod."
"Hehe. Sorry. Sanay na kasi ako ng mag-isa. Kaya 'di ko naman expected na may gustong tumabi sakin."
She suddenly hugged me.
"Don't worry. Simula ngayon hindi ka na mag-iisa. Simula ngayon, kasama mo na ako."
I almost cried. I hugged her too.
Nabigla ako sa sinabi niya, pero nakaramdam ako ng tuwa..
Iba pa rin talaga kapag may kaibigan ka.
"Tara na?"
Tumango ako.
Matagal ko ng hindi nararamdaman to..
Yung feeling na may kaibigan kang nag aalala para sayo. Yung may kaibigan kang andyan para sayo.
Sa sobrang tagal na, halos makalimutan ko na yung pakiramdam na to..
Pero dahil sa kanya, naranasan ko ulit yung saya na mararamdaman mo kapag may kaibigan ka. Naranasan ko ulit kung ano yung pakiramdam ng mayroong kaibigan.
Thank you Jane.
Thank you for making me feel this wonderful feeling again.
~
Chapter 3: Thank you for making me feel that wonderful feeling again.