Isabel's POV "Bakit ka ba kasi andito?! You don't belong here! Nasisira ang reputation ng University dahil sayo. Hindi mo ba nakikita? Ikaw lang ang naiiba saming lahat! And you have the guts to talk to Janine huh? Who do you think you are?!" "Wala akong ginagawang masama sa inyo, kaya sana padaain niyo na ako, please lang.." pagmamakaawa ko. "Wala?! Eh makita pa lang namin yung mukha mo nasusuka na kami! Bakit ba hindi ka na lang umalis dito habang hindi pa huli ang lahat?!" Aish! Eto ako ngayon. Hinaharang ng tatlong babaeng mukha namang hipon.. Dinala nila ako sa isang eskinita malapit sa school.. Pinipilit nila akong mag drop-out sa University.. Tuwing pipilitin kong makadaan, hinihila nila yung buhok ko pabalik sa dati kong pwesto. Ang sakit na ng anit ko kasi kanina ko pa pini

