bc

The Billionaire's Hidden Temptation

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
arrogant
heir/heiress
drama
bxg
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Hindi inakala ni Alliana Sarmiento na isang simpleng pagtulong sa isang matandang babae ang magbabago ng takbo ng buhay niya.

Akala niya, tapos na ang lahat nang alalayan niya ang ginang sa isang café—hanggang sa makaharap niya ang apo nitong si Sebastian Velasco, isang cold at mysterious billionaire. Ilang araw lang ang lumipas, isang job offer ang dumating sa kanya: maging personal assistant ng mismong CEO ng Velasco Enterprises.

Desperado siyang makahanap ng trabaho, kaya agad niyang tinanggap ang alok—hindi niya alam na may mas malalim na dahilan kung bakit siya mismo ang pinili ni Sebastian.At first, he’s cold and distant, his sharp gaze hiding secrets she can’t quite understand. But as she gets closer to him, she begins to see a different side—one that tempts her in ways she never imagined.

Yet beneath the growing attraction lies a dangerous truth—isang lihim na matagal nang nakakubli sa madilim na nakaraan ni Sebastian. Ano ang gagawin ni Alliana kapag natuklasan niyang hindi lang trabaho ang dahilan kung bakit siya pinili nito?

A story of passion, betrayal, and a love that was never meant to be.

chap-preview
Free preview
Simula
Masakit ang ulo ni Alliana Sarmiento habang pilit niyang iniisip kung saan pa siya maaaring mag-apply ng trabaho. Tatlong kumpanya na ang kanyang inaplayan ngayong araw, at tatlo na rin ang nag-reject sa kanya. Laging kulang ang experience niya, laging hindi sapat ang kanyang credentials. Highschool nga lang ang natapos niya at hindi nakapag-senior highschool. Simula kasi ng mamatay ang kanyang ama nitong tatlong buwan lang nakakaraan ay hindi na niya natuloy pa ang balak na mag-senior high sana, dahil wala ng ibang tutustos sa kanila. Ang ina niya na ume-extra lang sa pagtitinda sa palengke ay hindi sapat ang kinikita para sa gastusin at pampagamot sa may kapatid niyang may hika. Wala rin pwedeng maiwan sa kinse anyos niyang kapatid, matindi kasi ang asthma nito at madalas na inaatake kaya hindi pwedeng maiwanan ng walang kasama sa bahay. Huminto na rin kasi muna ang bunso na mag-aral. Kaya heto napilitan na rin siyang maghanap ng trabaho. Kahit ano inaplayan na niya, crew, janitress, or waitress, pero ni isa sa inaplayan niya ay wala pang tumatawag. Malas ata niya dahil sa ilang kompanya or commercial establishment na inaplayan niya, kung hindi alangan sa edad niyang bente anyos, atleast senior high graduate ang kinukuha. Napabuntong-hininga na lang si Alliana habang nakikiupo sa labas ng isang café, hawak ang cellphone niyang basag na ang screen pero gumagana pa naman. Halos malowbatt na nga ito sa kakahanap niya ng job postings. Ilang beses na ba siyang na-reject nitong buwan na ‘to? Hindi na niya mabilang. Pero kahit pagod at nadidismaya na siya, hindi siya puwedeng sumuko. Kailangan niyang kumayod para sa pamilya niya. Napatingin siya sa three hundred pesos niyang pera, kailangan pa niyang tipirin ito pangpamasahe niya. Hindi alam kung paano pa ito pagkakasiyahin hanggang sa makahanap ng trabaho. Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig ang isang mahina at humihingal na tinig malapit sa kanya. Lumingon siya at nakita ang isang matandang babae na mukhang biglang nanlumo, hawak ang dibdib nito habang nanginginig ang mga kamay. "Manang, okay lang po kayo?" Agad siyang lumapit, inalalayan ang matanda bago pa ito tuluyang bumagsak. "Ang—ang puso ko…" Mahinang sagot nito, hirap huminga. Dali-dali niyang kinuha ang baso ng tubig sa lamesa ng matanda at inalalayan itong uminom. Hinagod niya ang likod nito, pilit na pinapanatili ang kanyang kalmado kahit nagsisimula na siyang kabahan. "Manang, kaya niyo pa po ba?" tanong niya, habang mahigpit na hawak ang malamig na kamay nito. Mahina itong tumango, ngunit halata sa ekspresyon nito ang hirap. Hindi na nagdalawang-isip si Alliana. Agad niyang tinawag ang isang taxi at sumama sa ospital upang masigurong ligtas ang matanda. Sa emergency room, matamang nakaupo si Alliana sa isang gilid habang pinagmamasdan ang mga doktor na inasikaso ang matanda. Hindi niya alam kung sino ito o kung mayroon ba siyang pamilya, pero hindi niya kayang basta na lang siyang iwan sa café na walang tumutulong. Napailing na lang siya ng makitang ang three hundred niya ay halos isang daan na lang ang natira. Pinambayad niya 'yon sa taxing sinakyan. Ngayon magkano na lang matitira kung gamitin pa niya ito pamasahe pauwi. Napabuntong-hinanga na lang siya, atleast nakatulong siya sa matanda. Maya-maya pa, lumapit ang isang nurse sa kanya. "Miss, stable na po ang pasyente. Buti na lang at nadala niyo agad siya rito, kaano-ano ho ba kayo ng pasyente?" Napabuntong-hininga si Alliana sa ginhawang naramdaman. "Salamat naman… Hindi ko ho siya kilala e, nagmagandang loob lang ho akong tulungan siya," sagot niya. "Ganun ho ba, hindi niyo po ba tiningnan ang pagkakakianlan niya?" Umiling siya. "Sa sobrang kamamadali ko hindi ko na natingnan." Tumango naman ang nurse. "Sige po, kami na lang ang bahalang kumontak sa kamag-anak ng pasyente. Salamat po." "Pero maaari ko na ho bang puntahan ang pasyente?" tanong niya. "Yes naman po, ma'am. Punta na lang po kayo sa room 103." Pero bago pa siya makatayo para silipin ang matanda, biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Tumatawag ang kanyang ina. "Ma, bakit?" "Anak, si Angelo kasi inatake nanaman ng hika!" Halata ang pag-aalala sa boses ng ina niya. "Nasa clinic kami, pero hindi na kasi kaya ng gamot niya kaya kinailangan ko pang dalhin sa ospital, nandito kami ngayon at naghihintay ng resulta" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Alliana. Agad siyang napabaling sa nurse. "Pasyensa na miss pero ayos lang po ba kung maiwanan na pasyente? May emergency po kasi akong kailangan puntahan." Nang tumango ang nurse ay hindi na siya nagdalawang-isip. Agad siyang tumayo at mabilis na naglakad palabas ng ospital. "Pauwi na ako, Ma! Hintayin niyo ako diyan, papunta na ko. Saang hospital po ba sa dati pa rin ba?" "Oo, dito pa din." Lumabas siya ng ospital at sumakay sa isang jeep na nakita niya, mabuti na lang at patungo ito sa kanila. As she hurried away, she had no idea that a man had just arrived—a man who was already too late for everything that had happened. Inside the hospital, the doors of the emergency room swung open, and in walked a tall, commanding figure whose mere presence sent a chill through the air. Sebastian Velasco. "Is Cecilia Velasco admitted here?" His secretary asked the reception. Agad naman tumalima ang lalaking nurse at hinanap ang pangalang nabanggit. "Yes, she's in room 103, sir." Mabilis niyang tinungo ang kama ng kanyang lola, na ngayo’y gising na at mukhang mas maayos na. Lumapit siya at mahigpit na hinawakan ang kamay nito. "Lola, anong nangyari? Sino’ng nagdala sa’yo dito?" Ngumiti ang matanda, may halong pagod ang kanyang mga mata. "Isang mabuting dalaga, Sebastian. Kung hindi dahil sa kanya, baka… hindi na ako umabot dito." Bahagyang napakunot ang noo ni Sebastian. Isang estrangherang babae ang tumulong sa kanyang lola? "Sino siya?" The old woman shook her head and gently held her grandson’s hand. “When I woke up, the nurse told me that the young woman who helped me had already left. I didn’t even get the chance to ask for her name.” Sebastian sighed. “Didn’t I tell you not to wander outside? The doctor already said you need plenty of rest—your heart can’t handle the stress anymore.” “I was just bored, apo. I just wanted to unwind,” his grandmother explained. “I’m always stuck inside our mansion.” He exhaled sharply, but before he could argue further, his grandmother spoke again. “But that young woman… I want to thank her personally. Please, find her for me,” she pleaded. Sebastian never felt the need to repay debts of gratitude, but since it was his grandmother’s request, he had no choice. He turned to his secretary. “Find her. Now.” The secretary nodded and immediately followed his order. His grandmother smiled warmly. “Thank you, my dear. I know you’re not fond of things like this, but you still granted my request. I just really want to meet the woman who helped me.” Hindi na siya sumagot pa. He just hoped that woman wasn’t someone who would take advantage of the situation.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook