ONE SHOT STROY
Simula
"Naka upo ako sa kama at nakatitig lang sa dalawang pregnancy test na parehong positive ng bumukas ang pinto at iluwa ang nagulat na si Byron ng mapako ang Mata nito sa nakalatag na pregnancy test.
Anong kalokohan ito claire akala ko ba nag iingat ka galit kong bulyaw at hinablot ang mahaba nitong buhok di'ba ang sabi ko sayo ayaw ko ng obligation.
"Aray ko Byron nasasaktan ako I'm so sorry, nakalimotan kong uminom ng gamot na ibinibigay mo hindi ko naman sinasadya please huwag mo naman akong saktan.
"Ang sabihin mo tanga ka lang talaga Bahala ka sa buhay mo kong ayaw mong makinig sakin ikaw ang bumuhay sa batang iyan ng mag isa galit kong turan at pasalyang binitiwan ko ang mahaba nitong buhok.
Panay agos ng luha ko sa narinig na sinabi ni Byron habang nanatiling nakadapa sa kama dahil sa lakas ng pagkakatulak nito sakin kalabog ng pintong nagsara ang narinig ko pagkatapos.
Lumipas ang mga araw ay hindi na umuuwi sa inuupahan naming kwarto si Byron.
"Oh, claire kumakain kana dinamihan ko ang iniluto ko ngayon pasensya kana huh, kahit hindi naming mag asawa gustohin makinig sa pag aaway nyo ni Byron ay talagang maririnig namin dahil plywood lang ang pagitan sa kwarto natin.
Hindi man kita lubosang kakilala dahil bibihira lang tayong magkita pero bilang kapitbahay mo nalang bumangon ka at ipakita mong kaya mo buhayin ang batang ipinagbubuntis mo kahit wala si Byron.
Sige na kumain kana naawang utos ko kay claire.
Salamat ng marami Lucy nakakahiya naman naluluhang wika ko at inabot ang pagkain nitong ibinibigay.
Maski piso sa wallet ay wala ako kahit gustohin kong kumain baka pwedeng kahit maglabada nalang ako sayo para makabawi sa tulong mo?
Ano ka ba hindi mo kailangan gawin iyan hayaan mo bibigyan kita palagi ng pagkain tsaka kong trabaho naman ang pinoproblema mo naghahanap ang amo ng asawa ko.
Taga bantay lang ng bata malaki na at hatid sundo mo lang sa school hindi ka pagpawisan.
Talaga nako hindi na ako tatanggi lalo ngayon kailangan ko ng trabaho bago lumaki ang tyan ko.
"Oh, sige claire sasabihin ko mamaya pag uwi ni jonie paano ma-uuna nako huwag kana malungkot at umiyak hindi dapat iniiyakan ang ganyang mga tao.
Hindi deserve ni Byron ang pagmamahal mo dahil parausan lang pala ang hinahanap nya at ayaw ng responsibility sa isang relasyon dapat kong papasok ka sa relasyon ay handa ka din sa consequence tama ba oh mali ang sinabi ko?
"Tama nahihiyang sagot ko kay Lucy.
Nang makaalis na ito ay nagsimula nakong kumain dahil sa sobrang gutom ko ay halos naubos ko ang ibinigay nitong pagkain.
Kinabukasan ay maagang kong kinatok si claire para maisama ng asawa sa trabaho nito at maipakilala na din sa magiging amo nya.
Mabuti nalang at maaga din akong nakapagbihis Lucy muli ay maraming salamat ulit sa inyong mag asawa wika ko ng mapagbuksan ito.
"Oh, bihis kana pala claire halika na baka magkaiyakan pa kayo kailangan maaga tayo dahil maaga ding umaalis ang amo ko at magiging amo muna din kapag nagustohan ka pero siguradong papasa ka naman tara na sabay halik ko sa pisnge ng nasawa.
Sakay ng kotseng iminamaneho ni jonie ay nagtungo kami sa tinitirhan ng amo nito sa isang kilalang subdivision.
Nahihiya akong pumasok sa malaking bahay ng amo ni jonie.
Bakit ganyan ka lumakad nakangiti kong biro kay claire wala kang ma aapakan na tae dito tingnan mo ang dadaanan kumikinang pa ang tiles.
Natatawang inihataw ko kay jonie ang dala kong bag at inayos kona ang paglalakad.
"Good morning ma'am sabay na bati namin ni jonie sa halos kaedad kong babae at bakas sa kutis nito ang pagiging mayaman dahil sa kinis kahit simple lang ang suot.
'Hi, Good morning din halika pasok kayo ikaw ba si claire ayon ang anak kong maldita nakailang kuha na ako ng mag aalaga sa kanya pero two days lang ang pinaka mabilis at one moth ang tumagal nakangiti kong wika.
Sana magtagal ka huh, sobrang mahabang pasensya ang kailangan mo please! at tutok ang Mata parati dahil baka lagi tayong nasa guidance office at may reklamo.
Nakailang bukol na kasi ang mga classmate nya sa kanya iwan ko ba sa anak kong iyan at bata palang bumubuo na yata ng fraternity kamot sa ulong wika ko.
Tiningnan ko ang batang naglalaro sa di kalayoan siguro ma'am kakayanin ko para sa magiging anak ko sabay himas ko pa sa impis na tyan, lalo ngayon kami lang dalawa kailangan ko ng trabaho talaga sa ngayon.
"Wow, buntis ka napamulagat kong wika sa bagong tagapag alaga ni kendra.
"Opo, ma'am single mother po ako sana tanggapin nyo pa din ako.
"Okay, hindi naman masyadong mahirap ang trabaho mo bilang tulong kona din sayo ako nga pala si keisha at kendra ang pangalan ng anak ko ang asawa ko naman ay si Adam palagi kaming wala dito sa bansa kaya kayo lang naiiwan sa anak ko.
Kaya sana bilang pagtrato namin sa inyo ng ma-ayos ay ganon din sa anak ko please.
Gagawin ko po ng ma ayos ang trabaho ko ma'am bilang kapalit sa pagtanggap nyo sakin kahit na buntis ako.
"Okay, na pasado kana kay ma'am claire Saba't ko sa dalawang nag uusap.
Pwede na po ba kaming umalis magalang kong wika sa amo, baka matrafic na kasi kami papunta sa school.
"Oo, jonie sagot ko sa driver namin.
Ito nga po pala ma'am ang resume ko sabay abot ko sa brown envelope.
Agad kong binistahan ang resume ni claire at kinamayan ito.
Kendra, son say goodbye to your Daddy, they will leave you, with sister Claire, I shouted to my daughter.
I gave the new Nanny a bad look.
then I approached Daddy's gym and kissed him on the cheek before running out.
Kabadong napatakbo agad ako para sundan ang magiging alaga ko habang nagkatawanan sina jonie at ma'am keisha.
Dahil sa teacher naman ang naging kurso ko ngunit hindi ko natapos dahil sa nagtanan kami ni Byron kaya hindi ako makabalik sa bahay namin dahil sa tindi ng galit sakin ng magulang ko at wala akong mukhang maihaharap dahil tama sila ng pagpapayo noon sakin na katawan ko lang ang gusto ni Byron at hindi kayang bumuhay ng pamilya.
Sana maging mahaba ang pasensya ko sa alagang si kendra.
Mukhang kulang lang ito sa atensyon ng mga magulang nya dahil parati palang wala at tanging taga pag alaga lang nya ang nakakasama nito.
Hi Kendra, I'm your sister Claire. I hope we can get along because I really need a job for my future son.
Nanlaki bigla ang Mata ko sa sinabi ng bago kong yaya, buntis pala ito pero kong makatakbo kanina ay parang runner para lang mahabol ako?
Do you know that when my son goes out, he will have someone to play with you and not be alone? Do you want that nakangiti kong wika.
Napangiti ako sa sinabi ng bagong yaya, at tumango.
Nakahinga ako ng maluwag sa nakitang reaction ni kendra.
Hinimas ko ang maamo nitong mukha at hinawakan sa kamay hanggang makarating kami sa school nito na pang mayaman nalula ako dahil halos daang libo ang tuition sa ganitong eskwelahan.
"Ngunit pagsapit ng uwian ay nagulat ako sa ginawa nito at hindi ko inaasahan dahil tahimik lang ito ng matanaw ko.
Sinabunotan nito ang classmate nya kaya dali-daling napatakbo kami ng Guard, para paghiwalayin ang dalawang batang nag aaway?
kendra why did you hurt your classmate that's bad do you want no one to come near you because they are afraid of you and they will avoid you malumanay kong wika.
Umiling ako sa sinabi ng bago kong yaya?"
do you know sister claire they always tell me I'm adopted dahil hindi daw nila nakikitang hinahatid ako nila Mommy at Daddy, dito sa school sila ang salbahe not me nakairap kong wika at lumabas na patungo sa sasakyang naghihintay sa amin.
maybe now they won't tell you that Kendra was adopted like your parents, they are also hardworking to give Kendra's a good life, hindi ibig sabihin ng hindi nila paghahatid sa school ay adopted na sya nandito ako bilang yaya, nya at binabayadan ng parents nya para magampanan pa din nila ang tungkolin na dapat sila ang gumagawa kaso hindi kaya ng oras nila sa trabaho.
not all children like you have parents who have time to take their children to the school malumanay kong wika sa classmate ni kendra tango lang ang sagot nito inayos ko ang nagulo nitong buhok bago iniwan.
"Ate claire bakit inayos mo pa ang buhok ni Maddy bad girl naman sya sita ko sa bago kong yaya.
Napangiti ako at kinuha ang suklay sa bag ni kendra.
You may not get along now but when you become friends you will also get to know her and say that she is not bad.
Napangiti ako sa narinig mukhang nakatapat na si kendra ng katapat nito at natutuwa din ako dahil mukhang magtatagal si claire sa ibinigay naming mag asawa na trabaho sa kanya bilang panimulang pagbangon nito dahil ni singkong duling ay walang iniwan si Byron.
Nakaabang ako sa labas ng pinto matapos akong tawagan ng teacher ni kendra na nakipag away nanaman daw ito naka cross arms kong sinalubong ito.
What kind of trouble have you spread in the school, today my son?
I'm sorry Mom, pero sabi mo kapag inaway ako huwag akong magpapatalo.
Hey! Yes, sinabi ko nga pero huwag namang every day huh, please" lang lagyan mo ng ones a moth.
Nine years old ka palang anak pero mas matapang ka pa sa amin ng Daddy mo.
Hinalikan ko sa pisnge ang ina at tinalikuran kona ito.
I'm sorry ma'am, hindi ko nabantayan si kendra ang bilis pala ng kamay nya kamot sa ulong hinge kong paumanhin sa napangiti na amo.
Sabi sayo kong itlog lang iyan ibinalik kona sa puson ng Daddy nya.
By the way mukhang magkasundo kayo huh, mag stay in kana para mas maging closed kayo.
"Oo, ma'am may konting pagsunod si kendra mukhang nakatapat na sya ng tatagal sa kanya Sabat ko sa usapan nila at ipinasok ang bag ng alaga.
Talaga jonie,kaya dapat natin silang pagsamahin kapag napatupi mo ang anak ko claire sagot ko ang lahat sa pangangak mo promised iyan.
Na challenged yata ako doon sa narinig ko ma'am sige nga at mag stay in ako dahil makakatulong sakin ang price ganting biro ko sa mabait ba amo.
"Makalipas ang ilang buwan kong pagtratrabaho ay nag wagi nga ako at napatino ko ang malditang alaga.
Ang kapalit naman ng katapatan ko sa trabaho ay kabutihan din sakin ng mag asawang amo halos ni piso ay walang nababawas sa sahod kong anim na libo sa isang buwan kaya nakaka ipon ako bukod pa sa itinitinda kong pagkain sa mga kasamahan kong yaya na nagbabantay din ng mga alaga nila hanggang matapos ang klase.
"Tulad ngayon punong-puno ang dala kong basket dahil ang iba ay order naman sa canteen ng eskwelahan.
Hoy, buntis ako na dyan tingnan mo nalang doon si Lucy, baka nasa gate na utos ko kay claire dahil tendera sa canteen ng eskwelahan ang asawa ko nagkakilala kami nito dahil sa paghatid sundo ko kay kendra.
Kaya napamahal na din sakin si kendra ng dahil sa kanya nakilala ko ang mabait kong asawa.
Ibinaba kona ang punong-puno na basket ni claire puto at kutsinta maging sushi na gawa nito kapag nakauwi na kami.
Swerteng pinagpala kami sa pagkakaroon ng mabait na amo.
Natanaw ko ang tatlong nagkwekwentohan agad akong sinalubong ni Lucy at kinuha nito ang bag ni kendra.
Bago ang lahat kukunin kona ang order namin sa canteen huh, dina baling sila ang maubosan huwag lang kami nakangiti kong wika sa nakapilang bibili ng paninda ni claire halika na kendra sabay na tayo yakag ko sa cute na alaga ni claire.
"Makalipas ang ilang buwan ay ipinanganak kona si Clint naluluhang niyakap ko ang anak.
don't cry claire because as you have been a good member of our staff, Adam and I will help you raise your son.
Alam mo ba matagal na naming pangarap magkaanak ng lalaki kaya sa pag dating ni Clint ay parang natupad na din.
Hindi nako pwedeng magka anak claire na diagnosed akong may cervical cancer at isa akong cancer survivor step son ko si kendra anak sya ni Adam sa una nyang asawa.
Pero nag hiwalay sila at naipanalo ni Adam ang custody ni kendra kaya naging brat girl si kendra at puro sakit ng ulo para sa amin ang ganti nito dahil mas gusto nyang mapunta sana sa custody ng Mommy, nya pinagbigyan namin ng minsang sumuko na si Adam pero bumalik ulit sa amin dahil hindi naman sya nabibigyan ng atensyong gusto nya?
Maliliit pa kasi ang kapatid nya kaya doon naka pukos ang Mommy nya.
Sobrang mahal ko naman si kendra kaso ang hirap pumasok sa puso nya naluluhang wika ko kay claire.
Ang kakulangan ko bilang babae na hindi kayang bigyan ng anak si Adam ay napunan ni kendra dahil larawan kami ng isang buong pamilya.
Pinisil ko ang kamay ng amo at itinaas ko naman ang isa para punasan ang luhang naglandas sa Mata nito ngayon ko ma'am na-uunawaan kong bakit maldita si kendra huwag kana umiyak ma'am sige ka baka awayin ako ni kendra Mahal ka din naman ni kendra.
"Talaga pero bakit hindi ko ramdam nakasimangot kong wika kay claire.
Lingid sa dalawang nag uusap, nakatayo kaming mag ama sa labas ng pinto bitbit ang bulaklak na pinabili ni kendra para kay claire kinindatan ko ang anak napangiti naman ito at patakbong yumakap kay keisha.
I love you too Mommy, narinig ko ang sinabi mo sabay yakap at halik ko sa pangalawang ina.
Lalong hindi natigil ang pag iyak ko dahil sa pag yakap at halik ni kendra lalo na ang paulit ulit nitong pagsasabi ng i love you?"
Inabot ko ang hawak na bulaklak kay claire at mahigpit ding yumakap sa asawa at anak ko.
Parang nabunotan ako ng tinik dahil sa nakikitang nagkaayos na din ang amo ko at anak nila.
Thank you sir Adam, sa pagtulong nyo sakin at dito sa bulaklak nakangiti kong wika sa amo.
"Welcome, claire pwede ko bang mabuhat ang future CEO natin nakangiti kong paalam kay claire at nilapitan ang anak nitong mahimbing na natutulog sa bisig nya.
"Oo, naman sir Adam.
Maingat kong binuhat si Clint at inilapit kay kendra.
Mula ngayon Daddy, hindi kona kakausapin ang sarili ko mag isa dahil may kalaro nako.
Nagkatawanan kaming apat dahil sa sinabi ni kendra.
Nang dumating sina jonie at Lucy naiwan kaming tatlo.
Claire gusto sana naming mag asawa na apilyedo ni Adam ang dalhin ni Clint para kapag pumalit na sila ni kendra sa amin ay hindi sya questionable sa mga tauhan namin sa kompanya nanantyang wika ko kay claire dahil baka hindi ito pumayag.
Bilang adopted, saba't kona din sa sinabi ng asawa hindi habang panahon ay malakas ako para humawak sa negosyong pinaghirapan ko.
Ikaw pa din ang magiging Nanay nya at mag aalaga claire apilyedo ko lang at pangangailangan nya ang sa aming mag asawa.
Napaluha ako sa narinig na sinabi ng mag asawang amo ko.
Parang kailan lang halos ni piso sa bulsa sir Adam, ay wala ako at hindi ko alam kong saan kukuha ng ipambubuhay sa anak ko pero ngayon sobrang blessed kaming mag ina.
Para sa ikabuboti ng kinabukasan ng anak ko sige sir Adam, pumapayag ako sa desisyon nyo ni ma'am keisha.
Dahil sa sinabi ni claire nayakap naming mag asawa ito at agad na tinawagan ang abogado para maihanda nito ang adoption papers ni Clint.
Tulad ng sinabi namin kay claire sya pa din ang mag aalaga kay Clint kahit na inampon na namin ito.
Makalipas ang mga taon.
Mars, wala nakong mahihiling pa sobrang blessed kana ngayon nong nagbato ang dyos ng kamalasan sa love life ikaw ang sumalo pero nong nagbato naman ng swerte aba sinalo muna ang lahat nakangiti kong wika habang inaayos ko ang mga pera sa kaha.
Dahil sa inyo kaya ako nandito ngayon Mars, kaya kasama ko din kayo sa pag angat ko.
Tingnan mo nga taga tanggap kana ngayon ng benta natin noon tindera ka sa canteen all around pa nakangiti kong biro kay Lucy.
Gaga,ka talaga Mars ang seryoso ng usapan natin iba ang isinasagot mo.
"Oh, puro kayo chismiss akina ang mga order na idedeliver ko.
Ito po papa jonie biro ko sa asawa at iniabot kona ang mga box ng puto at kakanin na idedeliver nito.
Sa tulong ng amo nila ni claire ay binigyan silang dalawa ng pang puhunan sa negosyo at pwesto bilang retirement nila dahil malalaki na sina kendra at Clint.
Kong saan nagtratrabaho na ang dalawa sa negosyong pag aari nila.
Clint!! Clint!! Hurry up, sigaw ko sa kapatid interview nito sa isang kilalang tv station at naka tokang mag tour sa negosyo namin.
Nagmamadaling hinablot ko ang celphone at bumaba na dahil sa panay na sigaw ni ate kendra mahaba pa ang oras ng interview ngunit ayaw nitong naghihintay ang mga kausap namin palagi.
Nakangiti kong hinalikan ang dalawa kong Mommy na nakaabang din sakin sa puno ng hagdan bitbit ang sapatos ko at ang isa naman ay damit.
Ano ba kayo Mommy, para naman akong prinsipe kong ituring nyo nakangiti kong wika.
Lalo na ng suklayan pa ako ni ate kendra.
Interview iyon maraming manunuod sayo pinandilatan ko ang kapatid ng mukhang aangal pa ito sa ginagawa namin.
Kibit balikat na hinayaan ko nalang ang tatlo habang nakangiti saking nakatanaw si Daddy at nagbabasa ng magazine.
Binitiwan kona ang magazine na binabasa at nilapitan ang apat huwag nyo masyadong pa pogihin si Clint sige kayo kapag maraming nagkagusto sa kanya at nagkaroon ng girlfriend, iyan ay wala na kayong baby nakangiti kong biro sa tatlong babaeng aligaga mag asikaso kay Clint.
"Matatapos na din ito Daddy, susulitin kona nakangiti kong kinindatan ang ama, na sya naman ang napagbuntonan ng dalawang suklayan at ayusin ang nagulo nitong tuxedo.
Ito naman ang na-aburido ng papalitan ni Mommy ang suot nitong neck tie, dahil hindi daw bagay.
Nang matapos ay nagtungo na kami sa kompanya kong saan nakaabang na ang mag iinterview sakin.
Pinag halong excitement at kaba ang nararamdaman ko dahil karamihan sa mga ininterview nito ay napaiyak nya.
Sinimulan kong ipakita sa kanya kong paano unang ginagawa ang kama mula umpisa hanggang sa matapos ito.
Ayon sa research information ko Mr Clint Natividad ay adopted ka daw.
Napaunat ako mula sa kinauupoan dahil sa personal na tanong sakin ng nag interview.
Napatingin ako kina Mommy at Daddy maging kay ate kendra ng tumango ang mga ito bilang pagsang-ayon huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Yes, I'm adopted inabandona ako ng totoo kong tatay iniwan nya ang Mommy claire ko ng malaman nyang ipinagbubuntis ako.
Hindi ko sya nakilala in person pero mula sa picture nyang naiwan sa Mommy ko ay nakilala ko din sya kaya kong magkikita kami accidentally kilala ko ang totoong tatay ko?
"Pero ako siguro hindi nya kilala dahil inabandona nya ako at ang Mommy ko nong panahong kailangan namin sya.
But even if that's what he did to us, when I see him, I'll call him Daddy because that's what my Mommy Claire taught me, I'll still recognize him and I won't do to him what he did to me and my Mommy?"
Noong panahong itinanggi nya ako bilang ayaw nya sa responsibility ay may mga taong bukas palad na tumulong sa Mommy, ko sila sabay turo ko kina Mommy, Daddy at ate kendra.
Maging sa ninong at ninang ko na unang naging daan kong paano kami ng Mommy claire ko napunta sa pamilya Natividad nagpapasalamat ako sa kanila dahil nandito ako ngayon at isang successful CEO at nagbibigay ng trabaho sa kababayan natin.
At dahilan din kong bakit sa bawat bahay ay may comfortable kayong hinihigaan pigil kong maiyak na wika.
Before you became successful Mr. Clint Natividad, you went through a lot.
Yes, we all have our own story and carry the problem on our shoulders, how can we answer it and get stand up again magalang kong sagot sa naiiyak na ding nag interview sakin.
Samantala, katatapos ko lang mag deliver ng mga mineral water sa mga bahay na customer ng amo kaya umuwi muna ako para mahatidan ko ng pagkain ang asawang nalumpo.
Dahil sa sakit nitong diabetes ay hindi gumagaling ang sugat nito sa paa, kaya parati nalang nakahiga wala akong sapat na pera sa pang papagamot nito.
Halos ang kita ko kulang ay pa sa pagkain namin at renta sa kwartong tinutuloyan bitbit ang almusal nito ay binuksan ko ang pinto.
Panay ang iyak nito dahil sa pinapanuod nya inabot ko ang remote para patayin sana ang television ngunit maagap nyang nakuha.
Nuod ka ng nuod sa mga ganyan tapos mag dradrama ka galit kong turan at ikinuha ko ng plato ngunit napatingin akong bigla sa ipinakitang pigura.
Napaluha ako ng matapos ang interview.
Sinisita mo ako tamo pati ikaw naiyak din ang ganda ng kwento nong binatang mayaman akalain mo ni piso daw noon sa bulsa para pangkain ng Nanay nya ay walang-wala nong iniwan sila ng hudas na nakabuntis sa kanya.
Napaubo ako sa narinig na sinabi ng galit na asawa.
Tumayo nako at nagpaalam.
Nagtatakang sinundan ko ng tingin ang asawa dahil mukhang nadala ito sa pagtatalambuhay ng napanuod naming binatang negosyante.
Panay lang patakbo ko sa motor ngunit hindi ko alam nakabalik na pala ako sa pinatratrabahohan ko.
"Hoy Byron mukhang nakahigop ka ng masamang hangin tinatawag ka ni boss may idedeliver daw.
Nagbalik ang diwa ko dahil sa sinabi ng kasamahan pasensya kana Eric huh, naawa na kasi ako sa asawa ko sana makuha sya sa ipinila natin pagsisinungaling ko nalang.
"Oo, tiwala lang pare yong pamangkin ko ipinatawag na baka ikaw na ang susunod mabigyan ng tulong halika mag delivery muna tayo para makarami at maagang makauwi.
Kinabukasan ay maaga akong bumili ng almusal ni Ashley at nagpaalam na meron akong lalakarin sa pag papaopera nito.
Ngunit ang totoo, ay nagtungo ako sa negosyo ng anak kong inabandona at patagong nakatunghay sa kanilang mag ina.
Mula ng ininterview ako ay naging mas naging marami ang nag oorder sa amin ng kama dahil sa mismong pabrika na namin sila nagtutungo at mga warehouse.
Dahil ang hawak naming mga dinidisplayhan ay limited lang ang design dahil sa dami din ng kakompetinsya naming nag lalagay.
Binitiwan ko ang ipinasang design ni ate kendra dahil nakapili nako ng panibagong ipagagawa ko sa mga tauhan.
Napako ang tingin ko sa labas at napatingin sa restaurant nila Mommy na abala din ang mga mamimili sa mga luto nilang pagkain at walang tulak kabigin dahil masarap ang luto nila.
Kaya hindi namin ni ate kendra problema ang pagkain dahil hinahatidan nalang nila kami.
Napako ang tingin ko sa pigura ng lalaking nakatanaw sa restaurant nila Mommy bigla akong kinabahan kaya napababa ako para lapitan ito.
Ngunit hindi ko inaasahang ang nag abandona sa amin ang lalaking nakatunghay sa Mommy ko dahil hindi nito namalayan ang paglapit ko marahil napanuod na nito ang interview.
Ang babaeng sinayang mo at anak na inabandona Daddy, hindi ka ngayon makalapit dahil nahihiya ka noh?"
Napalingon ako sa narinig na nagsasalita sa likodan ko.
Gwapong binatang nakapamulsa at reflection ni claire parang gusto kong magpakain nalang sa lupa dahil nahihiya ako lalo na sa sinabi nito.
"Tara Daddy, sa opisina ko dahil kong doon sa restaurant nila Mommy at ninong jonie kita isasama baka manakbo ka nakangiti kong wika sa ama at inakbayan ito.
Pwede ba kitang mayakap anak, naluluhang wika ko kay Clint.
"Sure, sagot ko sa ama at niyakap ko ito ng mahigpit halatang naghihirap ito dahil halos sirang-sira na ang suot nyang sapatos maski ang helmet nitong dala ay basag na din.
Iginala ko ang paningin sa opisina ng anak at naupo sa malambot nitong sopa.
Tikman mo Daddy, ang luto ni Mommy don't worry masarap iyan hindi mapait sabay halakhak ko ng makitang natigilan ito.
Magana kaming kumain ng tanghalian at panay hinge nito ng patawad sa kasalanang nagawa nya.
Binuksan ko ang kabinet na pinaglalagyan ko ng extrang damit at kinuha ko ang jocket at sapatos sa ngayon iyan na muna pero kapag nagkita tayo ulit ay ibibili kita ng bago.
"Nako anak, hindi na dahil hindi ko naman deserve ng tulong mo.
Nabuhay ako dito sa mundo ng dahil sayo kaya deserve mo pa din tulongan.
Naluluhang niyakap ko ang anak at nagpaalam ng uuwi bitbit ang bigay nitong pagtanggap bilang ama, nya na mas nagustohan ko kaysa sa sapatos at jocket nitong ibinigay salamat claire pinalaki mo ng maayos ang anak natin bulong ko habang papalayo sa lugar nila.
?End?