Pag gising ko nagbihis lang ako pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto ng mga anak ko. Ngunit wala akong nadatnan sa loob ng kwarto nila. Ah baka kumain na sila. Bumaba ako at tumuloy sa kusina ngunit wala din sila doon. Bigla nalang akong binundol ng kaba. What if tinakbo ni Zeke ang mga anak ko palayo saakin? Napatakbo ako sa labas ng bahay. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong masayang nag kukulitan ang mga anak ko kasama ang daddy nila sa garden. Pasan pasan ni Zeke si Zayne sa likuran nya. Habang si Zeus ay hinahabol niya ang dalawa. Pigil pa ing ngiti ni Zayne kahit halata naman na masaya sya. Mukhang nakuha na ni Zeke ang kiliti ni Zayne. Napangiti ako ng malawak dahil sa masayang pamilya na meron ako ngayon. Di naman mahirap makuha ang loob ng mga anak ko. Sana lang ay tu

