"Mommy bakit parang may tao sa labas?" Sumilip ako sa binta, tama si Zeus maraming tao sa labas. Bigla nalang akong kinutuban ng hindi maganda. "Did you lock the door outside?" Tanong ko kay Zeus. Tumango naman ito. "Zayne. Come here baby" kinuha ko ang mga anak ko at niyakap. Masama ang pakiramdam ko, parang may hindi magandang mangyayari. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Zeke. "Oh geez! I've been calling you." Kinakabang salubong nya na labis kong ikinabahala. Sa tono ng boses nya parang may mangyayari. "Zeke may mga tao sa labas" naiiyak na sumbong ko sakanya. Ayokong may mangyaring masama sa mga anak ko. "Relax okey? Pauwi na ako. Listen to me Ayen. Remember where's my room?" "Yes" naiiyak sa sagot ko. "Good. Go there. Isama mo ang kambal. Sa likod ng headboard ng

