Chapter Twenty Three

1723 Words
*Alex Pov* Nasan na kaya yung loka-loka kong pinsan, gabi na di pa nauwi. baka nasa salon. bahala sya baka sasabay yun kay papang.  makatulog na nga lang. *beep.. *beep.. kinapa ko sa side table yung phone ko baka si stef yung nag text. From: Bespren koh Do you know how much time I should spend with you to feel happy? hhhm? ito na naman yung pintig ng puso ko,isang text lang mula kay lucas nagwawala na. wrong send ba to?  ako ba tinatanong nya? "Do you know how much time I should spend with you to feel happy? - huh?basa ko sa text nya ulit. * beep..beep.. From: Bespren koh Forever! anak ng! mas lalo pang lumakas yung kabog ng dibdib ko. baka wrong send lang to hindi ko naman sya tinext eh. mag tetext ulit to at sasabihin wrong send sya. *Beep..Beep.. sabi na eh! From: Bespren koh I miss you. I miss you. hindi wrong send? hindi alex mag tetext ulit to. anak ng tokwa naman oh triple na ata yung kabog ng dibdib ko sa text nya. kailangan ko yata ng tubig. nilagay ko sa bulsa yung phone ko at dali-daling bumaba. uminom agad ako ng tubig pagkadating sa kusina. *Beep..Beep.. From: Bespren koh Hindi mo ba ako namiss? kasi ako miss na miss na kita. "Ano ba trip mo ha? kelan mo sasabihin na nawrong send ka! may pamiss-miss kapang nalalaman! - sigaw ko sa phone ko. para nakong baliw dahil sinasigawan ko yung phone ko. napakamot ako sa ulo ko. "hindi kita rereplyan pag di mo pa tenext na wrong send ka lang. alam ko naman na di mo ako na mimiss. - sabi ko sa habang nakatingin sa phone ko. nababaliw na ata ako. "Ayyyyyy!!!! - napatili ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likod. "Ako lang to. hindi ako na wrong send at totoong na mimiss na kita. - doon ako natigilan. basi sa boses at amoy nya sya nga. para naman kung may anong kuryente dumaloy sakin sa yakap nya. halos di magkamayaw sa pag t***k ang puso ko. "I-ikaw pala lucas, ano kaba pa bigla-bigla kang sumusulpot! pimples kaba? papatayin mo ba ako sa gulat? - sabi ko ng makabawi sa gulat at para makawala na din sa yakap nya. ang awkward eh. "Sorry. bat ba hindi moko nerereplyan at kinakausap mo pa yung phone mo.? - tanung nya sakin nahiya tuloy ako. kailangan ko mag isip ng palusot. " Ahh ehhh.. trip ko lang! saka lahat naman tayo may kanya-kanyang trip diba? so walang basagan ng trip. at isa pa pano kaba nakapasok ha? - pag-iiba ko. nakakahiya ka alex! "Ah.. ayos yang trip mo ha. ano kasi, hindi naman naka lock yung gate nyo pati pinto kaya pumasok na ako. saka para dalhin to. - sabi nya sabay angat ng supot na may pagkain. kumuha naman sya ng plato para isalin yung dala-dala nya. wag nyang sabihin dito sya kakain? eh iniiwasan ko nga sya eh. "Sya nga pala pinapasabi ni tito na male-late sya ng uwi ngayon kasi may tatapusin pa sila ni mommy sa shop. ok na to! hali ka na kain na tayo. - yaya nya sakin. ngumiti lang ako ng tipid at umupo na. bibilisan ko nalang sa pagkain para makauwi na to!  ang sama ko yata? eh basta gusto ko nga syang iwasan. "bes dahan-dahan naman. alam ko naman favorite mo yan hindi naman kita aagawan eh dahan-dahan lang baka mapano ka pa. - eh bakit ba? sa gusto ko ng umalis kana eh.  iniiwasan kaya kita alam mo ba yun? "Alex?! - sita nya sakin kaya napatigil ako. "So-sorry ang sarap kasi. - palusot ko kaya wala na akong magawa kundi efeel ang moment na kasama ko sya ay este magdahan-dahan sa pagkain. nanonood ako ng tv dito sa sala habang inaantay syang matapos sa paghuhugas ng pinggan. ayuko sana syang gumawa non pero nagpumilit sya kaya hinayaan ko nalang. agad akong tumayo ng makita ko syang papalabas na ng kusina. "pauwi kana? ihatid na kita sa labas! - sabi ko sa kanya. natigilan naman sya sa sinabi ko. "pinapauwi mo na ako? - di makapaniwalang tanong nya. ako naman yung natigilan. "Ah h-hindi ah kala ko kasi uuwi kana gabi na kasi diba. upo ka muna. - sabi ko nalang at umupo. umupo din naman sya sa tabi ko. "may problema ka ba bes? o may problema ba tayo? - tanong nya sakin tinignan ko lang sya saglit at binalik agad sa pinapanood ko. "Problema? wala naman. "Bakit feeling ko meron? iniiwasan mo ba ako? Oo may problema, pero hindi sayo kundi sakin. ako yung may problema. "Feeling mo lang yan at bakit naman kita iiwasan? isa pa naging busy tayo pareho nung nakaraan diba? - totoo naman na naging busy kami pero totoo ding iniiwasan ko sya. sa ginagawa ko mukhang apektado sya masyado yata akong halata sa pag iwas sa kanya. "Sabagay. ang pangit ng pinapanood mo! mag laro nalang tayo ng xbox. - sabi nya. "eh wala ako sa mood maglaro! - tanggi ko,wala ba tong balak umuwi? asan na ba kasi yung pinsan ko. dahil isang dakilang makulit tong bespren ko napapayag nya akong maglaro. halos hampasin ko na sya dahil dinadaya nya ako kaya lage akong talo. napatingin nalang ako sa kalaro ko,tuwang-tuwa sya na natatalo na ako. nong nakaraan lang iniiwasan ko tong taong to ngayon kasakasama ko nanaman sya. "Yes! Talo ka..haha pano ba yan panalo na naman ako? - pinaikotan ko lang sya ng mata. "Manood nalang nga tayo ng palabas. - sabi ko sa kanya. "Sus.. sabagay natatalo lang din naman kita eh. - mayabang nyang sabi. "hoy! nakatyamba ka lang noh! - sabi ko sabay pingot sa tenga nya. lokong to yabang eh. kung alam nya lang na wala sa laro yung atensyon ko. 10pm na wala padin si stef. asan kaya yun? tinawagan ko di naman makontak. "Nga pala bes, si stef ba nakita ko dun sa shop? o kaya sa salon? - tanong ko kay lucas. "si stef? hindi eh! wala pa ba sya? - umiling lang ako sakanya bilang sagot. napatingin naman sya sa oras. "baka naman may pinuntahan lang o kaya na traffic? bayaan mo isang oras wala pa sya tutulungan na kitang hanapin sya. - tumango lang ako sa kanya. di ko maiwasan hindi mag-alala sa pinsan ko eh lage naman nauwi ng maaga yun at magsasabi yun kung may pupuntahan. "Bes? - napatingin naman ako sa katabi ko. "Hhmmmm bakit? "may nanliligaw ba sayo? - tanong nya na kinagulat ko. ano meron sa taong to at nagtanong ng ganyan. naka tingin lang naman sya ng seryoso sa tv. ako ba kausap nito? ako lang naman kasama nya dito. tanga ko talaga! "wala, bakit mo natanong? "Wa-wala. - sagot nya. weird! "may problema kaba? tsaka ang weirdo mo! kanina ang saya-saya mo, ngayon bigla kang natahimik parang lumilipad isip mo. - sabi ko sa kanya. napatingin naman sya sakin. hindi ko alam pero nakikita ko sa mga mata nya na parang may gusto syang sabihin. "Basta bes sabihin mo sakin pag may nanliligaw na sayo ha? bespren mo pa din ako diba? - syempre bestfriend ko sya,problema nito? "Oo naman. -sagot ko. wala namang nangliligaw sakin. si kenneth hindi ba? sabi ng mahadera kong utak. kaibigan ko lang naman yun. saka hindi naman yon nangliligaw. "Lasing ata ako! - biglang sabi ni lucas na kinataka ko naman. uminom ba sya? hindi naman sya amoy alak ng pumunta dito at lalo hindi kami uminom maliban sa juice at tubig. "bakit uminom kaba? - tanong ko sa kanya. nailang naman ako ng tumitig muna sya sakin bago sumagot. kaloka tong taong to! "Hindi nga eh. Lalo ka kasing gumaganda sa paningin ko. dug..dug..dug.. anak ng tokwa! napaiwas agad ako ng tingin sa kanya,parang uminit yung pisngi ko eh! pwede ba heart kumalma ka? kala mo may karera eh maka t***k wagas! - sabi ko sa puso ko. lahat nalang ng bagay kinakausap ko pati internal organ ko. "Anong trip yan? - kunwaring bagot kong tanong sa kanya. "wala! - tipid na sagot nya. "puro ka wala! "may sasabihin pala ako sayo. - sabi nya sabay yuko at nilalaro yung mga daliri nya. "Ano yon? tumingin muna sya sakin at huminga ng malalim. "Kami na ni trisha. - sabi nya na kinatigil ng mundo ko. parang may libo-libong kutsilyo tumusok sa puso ko sa sinabi nya. salita lang yan pero bakit parang pinipiga yung puso ko? unti-unting namumuo yung luha sa mga mata ko kaya nag iwas agad ako ng tingin sabay pahid sa luhang ayaw papigil. "Co-congrats! - tanging nasabi ko. napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "sinagot na nya ako kahapon lang, ilang buwan na nakalipas na sinabi ko sa kanya na gusto ko sya at liligawan ko sya. pero dahil sa sobrang busy sa school hindi ko sya nagawang ligawan. kaya nagulat ako ng sinabi nyang kami na. - sabi nya habang nakayuko. "edi maganda hindi mo na kailangan pang mag effort kung paano mo sya pasasagutin. ayan na sinagot ka na! bakit para namang pasan mo yung mundo dyan. nasayo na yung babaeng pinapangarap mo lang dati. parang hindi ka masaya dyan? - ang hirap panormalin yung boses lalo't gusto mo ng bumigay at umiyak nalang ng umiyak. tinignan ko sya saglit ganun padin laglag yung balikat habang nakayuko. bakit parang hindi sya masaya. "I...don't know! hindi ko alam.. - sabi nya sabay iling. hinilamos nya yung mukha nya sa palad nya at tumayo. "Buksan ko lang yung pinto. -sabi nya may kumakatok pala. bumungad samin si stef. seryoso din yung mukha.wala ata sa mood. "akyat na ko! - tanging sabi nya wala din ako sa mood magtanong kaya hinayaan ko nalang. "Gabi na, magpahinga kana. mauna na din ako. E-lock mo yung pinto nyo! - sabi nya sakin at bigla nya akong niyakap. ang higpit ng yakap nya kaya ako ito naguguluhan sa mga kinikilos nya. hinalikan pa nya ako sa noo bago umalis. napapikit ako saka ko binuhos yung mga luha na kanina pa gusto kumawala ng maisara ko yung pinto. Oh God! ang sakit pala talaga! ang sakit na meron ng nag mamay-ari sa taong pinakamamahal mo. "Crying is a way your eyes speak when your mouth can't explain how broken your heart is."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD