*Alex Pov*
"Ano ba meron sa inyong dalawa at nagpapalakihan kayo ng eyebags nyo? - basag ni papang sa katahimikan namin. kasalukoyan kaming kumakain ng almusal. ewan ko dito sa pinsan ko nakikisabay pa hindi ko alam kung ano problema nya.
"Wala ba kayong mga bibig? ano ba problema nyo? ke aga-aga parang byernes santo yang mga facelak nyo! -muling sabi nya. hindi ko naman pwedeng dedmahin nalang si papang dahil sa wala ako sa mood magsalita.
"Wala po papang. napuyat lang po ako kagabe sa kakapanood ng movie sa laptop ko. -pagsisinungaling ko. alam ko masama ang magsinungaling lalo kay papang pa. hindi pa kasi ako handa magsabi sa kanya lalo na sa totoong nararamdaman ko sa bestfriend ko na ngayon ay may girlfriend na.
"Oh ikaw? ano naman ang dahilan mo? - tanong nya kay stef.
"wala po tito ganda. napuyat lang din po ako dahil tinatapos ko yung story na binabasa ko sa w*****d. hindi po kasi ako makakatulog pag hindi ko tinapos. - nakayuko nyang sabi.
"O sya! malalaki na kayo. nasasainyo na yan kung ayaw nyo sabihin sakin mga problema nyo. pero pag handa na kayo at kailangan nyo ako andito lang naman ako. mauna na ako at magbubukas pa ako sa salon. - sabi nya sabay tayo. hindi talaga kami makakapag sinungaling sa kanya.
tumayo nalang ako para mag ligpit ng kinainan namin.
"Ako na maghuhugas. - sabi ni stef. tinignan ko sya pero umiwas lang sya ng tingin. isasantabi ko muna siguro yung sakit na nararamdaman ko mas kailangan kong pagtuunan ng pansin itong pinsan ko. ngayon ko lang sya nakitang nagkaganito.
sinundan ko sya sa kusina. yog-yog yung balikat nya habang naghuhugas.
umiiyak ba sya?
"Hoy! ano nangyari sayo? - tanong ko habang nakasandal sa lababo.
"wala. - tipid na sagot nya sabay punas sa luha nya.
"gusto mo itarak ko sayo to? - pagbabanta ko sa kanya sabay angat sa hawak kong tinidor.
"Pinsan naman ang brutal mo talaga sakin. - nakapout pa nyang sabi. pinaikotan ko lang sya ng mata.
"mag-antay ka don sa sala, may bibilhin lang ako. pagbalik ko magsasalita kana kung ayaw mong itarak ko sayo itong tinidor. - sabi ko sabay bigay sa tinidor sa kanya para mahugasan nya.
Alam ko hindi solusyon sa problema ang alak lalo na ang problema sa puso. kahit lunurin ko yung sarili ko sa alak eh hindi naman ito magagamot ang sakit na nararamdaman ko at hindi ito nakakahilom ng sugat. bumili lang ako ngayon pampalakas ng loob kasi gusto ko din ilabas yung nasa loob ko. si stef lang naman kasama ko. at alam ko kailangan nya din ito. apat na can beer lang binili ko. hindi naman kami sanay uminom.
Pagbalik ko sa bahay andun nga sya sa sala humihikbi parin.
"tigilan mo na nga yan! iinum nalang natin yan. - agad naman syang napatingin sakin sabay pahid sa mga luha nya.
"ikaw ba yan pinsan? kelan kapa nahilig uminom ha? - usisa nya sakin.
"wag ka ng maraming tanong! uminom nalang tayo. - hindi na sya sumagot bagkus kumuha sya agad ng isang beer at ininum agad ito. napailing nalang ako sa kanya, may problema nga.
"Bakit ganun? akala ko mahal nya ako pero hindi pala! ang bilis nya akong ipagpalit! - sabi nya sabay iyak. napatingin ako sa kanya kita ko ngang nasaktan sya.
"Ano ba kasing nangyari at ang tagal mong umuwi kagabi?!
"Kasalanan kasi ito ni kenneth eh! - kunot noo akong napatingin sa kanya. pano nasali si kenneth sa problema nya?
"Ano naman kinalaman ni kenneth sa pagngunguwa mo dyan? - nagtataka kong tanong.
"Eh kasi pinsan. itong si kenneth nagpasama sakin kasi hindi nya alam kung anong favorite mo na bulaklak. eh hindi ka naman kasi mahilig sa bulaklak. sinama nya padin ako. ayun pumunta kami ng dangwa.. - sabi nya sabay hikbi.
"pwede tapusin mo muna bago ka humikbi dyaan! - irita kong sabi sa kanya. tumahimik naman sya.
"ayun nga pumunta kami doon nong nakapili na sya inabot nya sakin para tignan ko kung magugustuhan mo ba daw. kinuha ko naman at sabi ko sa kanya ok na simple lang pero maganda at inamoy ko pa ito. hindi ko naman akalain na andun pala si marco my loves eh! akala nya sakin yung bulaklak, akala nya kabit ko si kenneth. huhuhuhu.. - napangiwi akong nakatingin sa humihikbi kong pinsan. sarap dagukan nitong taong to.
"teka nga! bakit ba kasi kayo pumunta don at bakit ako bibigyan ni kenneth ng bulaklak? - napatingin naman sya sakin at huminto sa kakaiyak.
"ngayon ko lang napatunayan na meron pala talagang matalino na slow. - sabi nya sakin.
"dagukan kaya kita dyan gusto mo? - pagbabanta ko.
"joke lang! syempre kasi po may gusto sayo yung tao! duh! - maarteng sabi nya sabay paikot sa mata nya. tusukin ko kaya mata nito?
si kenneth may gusto sakin?
ano naman nagustuhan nya sakin?
imposible naman yun!
"ano ba pinagsasabi mo! bakit di mo kausapin yung tanga mong boyfriend!? kung maka kabit kala mo asawa eh jowa lang naman!
"Ginawa ko na! kaya nga di na nabigay yung flowers sayo eh, kasi hindi ko pinakawalan si kenneth hanggat di nya sinasabi kay marco na hindi ko sya kabit. pinuntahan pa namin sa apartment nya tapos.. - ayan na naman sya nag ngunguwa na naman sya kaloka!
"tapos.. pumasok kami sa apartment nya kasi nakabukas naman. tapos nakita ko sya kasama yung ex nya. kinakabayo nya yung ex nya. waaaaahh! - sabi nya saby iyak ng malakas parang batang inagawan ng lollipop. inagawan nga este ano ba!
"eh yun naman pala eh! iniiyakan mo yung ganung klaseng lalaki? magtigil ka nga ang daming matitino dyan. - sabi ko sabay inom ng beer.
"Eh ikaw ano iniiyak iyak mo kagabi?wag kang mag deny kasi nadinig kitang humihikbi kagabi! - tanong nya habang binubuksan yung isang can ng beer nakakadalawa na sya. ako nga isa pa lang parang umiikot na yung sala eh.
"Sila na. - tipid na sagot ko sabay inom.
"Alam mo na pala kahapon ko lang din nalaman sa school. pinakilala ni trisha si lucas bilang boyfriend kay kenneth. pero denedma lang sya ni kenneth. ewan ko parang may mali sa trishang yon eh! ito naman si lucas walang imik ni hindi ko nga sya nakitaan ng kunting ngiti o ano. dati halos sambahin na nya yung babaeng yun. ngayon nasa kanya na para syang ewan. g**o! - sabi nya sabay iling. "Okay ka lang ba? - nag-alala nyang tanong.
tinignan ko lang sya sabay tango at ngumiti ng tipid.
"Ano pa ba magagawa ko? kundi ang maging okay! maging okay para sa bestfriend ko. - napa half smile ako sa tinuran ko.
"Hindi ko alam kong ano ang dapat kong gawin eh. kung tama ba tong ilihim nalang yung totoo o sasabihin ko sa kanya tutal parehas lang naman eh kahit saan ako sa dalawa parehas lang akong masasaktan. ang pinag kaiba lang kung ililihim ko, hindi masisira yung pagkakaibigan namin. pero ang sakit kasi eh! at di ko alam kong kelan ko to kakayanin. ang hirap magmahal sa taong di ka magawang mahalin pabalik. - napapikit ako ng mariin dahil ito nanaman yung sakit na nararamdaman ko.
"Ang hirap nga! lalo't na ikaw lang nakaalam na nasasaktan ka. sya walang ka alam-alam na nasasaktan kana dahil sa kanya. sa tingin mo kaya insan matatawag kang isang tunay na kaibigan kung hindi mo sasabihin sa kanya ang totoo? kailangan mo sabihin yan kahit ano mang kinalabasan atleast nagpakatotoo ka at makaka move on ka. kasi pag patuloy mong ililihim yan mas lalo kang mahihirapan, mas lalo kang masasaktan. makakalaya ka lang dyan sa nararamdaman mo kung ilalabas mo yan at e-let go sya. sa ganung paraan wala ka ng iisipin pa, at isa pa kung tunay kayo na magkaibigan kahit anong mangyari mananatili parin kayong magkaibigan. kung darating man ang panahon, wala kang what ifs sa sarili mo kasi nagpakatotoo ka sa nararamdaman mo lalo sa pagkakaibigan nyo. - mahabang sabi nya. ewan ko natatakot ako magsabi sa kanya. ayuko syang mawala lalo na ang pagkakaibigan namin.
"Ewan stef! mahirap ba akong mahalin? - naiiyak kong sabi.
"Alex, hindi! hindi ka mahirap mahalin. sadyang hindi pa nakikita ni lucas kung ano ang halaga mo sa buhay nya. - mapakla akong napangiti. kalokohan!
"alam kong alam nya ang halaga ko! at yon ay bilang isang matalik na kaibigan lamang! - yeah! isang hamak na bespren nya lang ako na kahit kailan hindi nya magawang mahalin gaya nang pagmamahal na meron ako para sa kanya.
kung alam ko lang sana dati na mangyayari to, hindi ko na sana hinayaan mahulog sa kanya ng ganito.
ngayon tuloy nahulog akong walang sumalo kaya naiwang wasak at durog ang puso ko!