*Alex Pov*
Havana, ooh na-na (ay, ay)
Half of my heart is in Havana, ooh-na-na (ay, ay)
He took me back to East Atlanta, na-na-na (uh huh)
Oh, but my heart is in Havana (ay)
My heart is in Havana (ay)
Havana, ooh na-na
"Anak ng!!! Ugh! - sigaw ko sabay tapon sa unan. napakamot nalang ako sa ulo ko sa sobrang inis.
"Stefanie!!!!!!!! - kahit kailan talaga tong pinsan ko! di ba nya alam na may matutulog pa dito?
padabog akong bumangon at lumabas ng kwarto para patayin yung music sa baba. di ba sya nabibingi sa lakas ng togtog? kahit sa kabilang kanto aabot yung music sa lakas eh!
bumaba ako ng sabog sabog yung buhok,nakabusangot akong nakatingin sa pinsan ko na sumasayaw pa habang sumasabay sa kanta.
Ooh na-na, oh na-na-na (oo-ooh)
Take me back, back, back like
Ooh na-na, oh na-na-na (yeah, babe)
Take me back, back, back like
Ooh na-na, oh na-na-na (yea, yeah)
Take me back, back, back like
Ooh na-na, oh na-na-na (yea, babe)
left-right-left-right
napangiwi akong nakatingin sa bawat kembot nya habang may hawak na feather duster. nakatalikod sya sakin kaya di nya ako napapansin.
Agad kong nilapitan ang oulet at hinablot yung wire ng cd player.
"Take me back to my Hava........na.
Pinsan naman eh! - inis na sigaw nya sakin. pinaikotan ko lang sya ng mata.
"Alam mo bang may natutulog? Isturbo ka eh! ke aga-aga nangbubulabog ka! - inis na sabi ko. ugh pano ako makakabalik sa pagtulog nito!
"Ay sorry naman po mahal na princesa kung na isturbo ko man po kayo. TANGHALING tapat napo kasi oh! - sabay nguso nya sa orasan. ako naman itong napanganga 11:40. ang haba naman ng tulog ko.
"Bat di nyo ko ginising?! di tuloy ako nakapag simba! si papang nasaan? - ginulo ko lalo yung buhok ko sa sobrang inis. late na din kasi ako nakatulog kagabi sa kakaisip ng mga walang kwentang bagay. (rolled eyes)
"duh! ginising ka kaya namin po! kaso po di po ikaw magising po! kaya iniwanan ka nalang namin nakabalik nalang nga ako di ka parin gising! si tito ganda naman nasa shop sinamahan si tita patty (lucas mother). ay.. sya nga pala pinsan isama daw kita sa salon ngayon pagkatapos mo kumain. - sabi nya habang nakatingin sa mga kuku nyang bagong nail polish.
kunot noo akong nakatingin sa kanya. "Anong gagawin ko dun?
"diba may date ka mamaya? - nakangiting tanong nya. date? wala naman akong date. ang alam ko lalabas kami ni lucas mamaya.
"Wala akong date! - dumeretso ako sa kusina para maghanap ng makakain. nagutom ako bigla eh.
"Meron kaya! diba nga niyaya ka ni lucas? - nakasunod pala sakin tong madaldal na to! salubong yung kilay ko'ng humarap sa kanya. papano nya nalaman yun? at isa pa hindi date yun!
"Oo niyaya nya ako pero hindi date yun! kakain lang kami pambawi nya, di kasi kami natuloy kumain kahapon kaya yun siguro ma guilty kaya niyaya ako. - sabi ko sabay subo ng suman. binili to panigurado ni papang. pag araw ng linggo kasi madami nag titinda ng kakanin doon sa labasan ng simbahan.
"Ganun pa din yun parang date narin yun! - kulit din nito eh!
"Paano mo nga pala nalaman yun? wala naman akong sinabihan kagabi ah! - tinignan ko sya ng maypagtataka.
"pinsan kasi nagpaalam si lucas sa mommy nya magdidiner nga daw kayo sa labas. ito naman si tita na excite sinabi kay tito ganda. ayon agad pumunta si tito sa shop para hanapan ka ng masusuot para mamaya. kaya nga pinapunta ka sa salon mamaya eh! - naeexcite na sabi nya. nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
jusko ano ba pamilya meron ako! di nga kasi date yun at hindi ako mag aayos noh! no way!
"Ano bayan hindi nga kasi date yun. bestfriend date lang yun! babawi nga lang sya at hindi ako pupunta sa salon! bahala kayo! - sabay inum ko ng tubig at naglakad palabas ng kusina.
pero sasyang makulit tong pinsan ko nakasunod padin tatadyakan ko na talaga toh!
"Ah basta! bestfriend date or whatever! may date parin yun kaya date nyo yun! sege wag kang pumunta sa salon. - nakasmirk na sabi nya. tinaasan ko lang sya ng kilay at umakyat na papuntang kwarto ko. bahala sila! sabi ng hindi date yun eh!
>>>>
inis na inis akong nagpapadyak dito sa loob ng banyo sa kwarto ko! Ugh! pesteng buhay to oh!
naiiyak akong nakatingin sa mga damit na hawak ko! kasi naman dumating sila tita pat at papang dito kasama pa si juanita para ayusan ako. dalawang beses nako nagpalit ng damit tinakpan pa nila yung salamin dito pati na yung nasa kwarto ko para daw surprise muna tapos na kasi nila akong ayusan bali damit nalang kulang.
jusko mapapahiya ako nito! di ako sanay nangangati yung mukha ko sa kung ano ano nilalagay nila. light make up lang daw yun eh bat ganito di ako comportable! kaasar naman oh!
"Iha anak tapos kana ba? papunta na si lucas ko dito! - sigaw ni tita pat. nagpapadyak na naman ako sa sobrang inis.
"Sandali lang po! - tinignan ko ulit yung mga damit napangiwi nalang ako, ang iikli naman ng mga to. may nahagip ako na isang dress na bukod tanging sya lang ang mahaba sa lahat. inangat ko ito at tinignan. simple lang naman sya. agad ko itong sinuot at tamang tama lang ang taas nito at hindi masyadong hapit sa katawan ko.
lumabas na ako ng banyo at humarap sa kanila. kunot noo lang akong nakatingin sa kanila. wala silang reaksyon kundi nakatanga lang at nakaawang ang mga bibig.
"Ang baby ko! - naiiyak na sambit ni papang habang papalapit sakin. agad naman nya akong niyakap. nagtataka naman akong nakatingin sa kanya.
"Ang ganda ganda mo anak. - naluluhang sabi ni papang. napaikot tuloy ako ng mata. kala ko naman kung ano.
"Wow! - sabi ni juanita bakas sa kanyang mga mata ang galak at paghanga. gayon din ang pinsan ko at si tita.
"Napaka ganda mo iha! kamukhang kamukha mo ang iyong mamang. - nakangiting sabi sakin ni tita patty at yumakap sya sakin saglit.
"Pinsan dapat ganyan ayos mo lage! ang ganda-ganda mo. - sabi ni stef.
"Ngayon lang to noh! pinilit nyo lang ako kaya ganito itsura ko ngayon! teka pwede ko na bang tignan yung sarili ko? - tanong ko sa kanila. tumango naman si papang at sininyasan si juanita na alisin yung tila na tinakip nila sa salamin ng kwarto ko.
lumapit ako sa salamin at tinignan ang sarili.
speechless
wala akong masabi sa itsura ko ngayon.
Ako ba talaga to?

Kung titignan ko yung sarili ko sa harap ng salamin parang di ako. ang layo sa alex na kinalakihan ko. hindi ko alam na may igaganda pa pala ako.
Kasi sa totoo lang di naman ako nagagandahan sa sarili ko. kung saan ako comportable doon ako wala akong pakialam sa kung anong sasabihin ng ibang tao.
Pero ngayon ibang-iba. ibang alex ang kaharap ko. nahihiya tuloy ako sa itsura ko. ano kaya sasabihin ni lucas pag nakita akong ganito? jusko!
"Ano couz? baka naman na inlove ka na sa kaharap mo ha! ipapaalala ko lang sarili mo yang kaharap mo. natulala kana dyan eh! - untag sakin ni stef. napabalik naman ako sa realidad ng pag-iisip.
"di kaya napa sobra naman yung ayos ko? - kinakabahang tanong ko. ewan pero nung naisip ko yung magiging reaksyon ni lucas bigla akong kinabahan.
sabay sabay naman silang umiling.
*ding-dong...
"Si lucas! -sabay sigaw nila. agad lumabas si stef. para pagbuksan yung nag doorbell.
"Si lucas nga! - sigaw ni stef mula sa baba. napapikit naman ako sa sobrang kabang nararamdaman ko. parang ang daming tambol sa loob ng dibdib ko sa sobrang kabog nito.
Shit!
una silang bumaba ako naman para akong natatae na di matae. kaasar naman oh! kinuha ko yung high heels na inihanda ni juanita. di ako sanay mag suot ng ganito pero alam ko naman kung paano suotin ito. bahala na si batman!
huminga ako ng malalim bago lumabas ng tuluyan sa kwarto ko. sumilip muna ako sa baba at kita ko mula rito si lucas.
ang gwapo nya. mukhang napagtripan din ata sya ng nanay nya.
nakasuot sya ng puting long sleeve polo na tinupi nya hanggang siko.

humakbang nako pababa ng hagdan namin ng makaramdam na naman ako ng sobrang kaba kaya natigilan ako. ano bayan!
"Hoy pinsan ang tagal mo bumaba! may nag-aantay sayo dito oy! - sigaw ni stef. eh! naiinis ako.
"Natatae ako kaya mag antay sya! - balik namang sigaw ko sabay takbo patungong kwarto.
shit! natatae talaga ako!