Chapter Nine

1314 Words
*Alex Pov* "Okay Class malapit na ang graduation nyo kaya husayan nyo ng maigi ang pag aaral nyo. ayukong may makikita ako isa sainyong mga graduating student sa susunod na pasukan. mostly sainyo ay gagraduate na and to my suprise ang baba ng mga kuha nyo sa exam nyo! so please graduating student study harder mas mataas pa ang kuha ng hindi mga graduating dito, and only Ms. guevarra got the perfect score. - nagulat pako ng bigla akong menention ni Mrs. perez. kinakabahan pa naman ako sa sinabi nya kanina akala ko kasama ako don sa mababang score sa exam. "Great job Ms. Guevarra. - bati sakin ng prof. ko sabay abot ng test paper ko. nag thank you lang ako sa kanya sabay tingin sa test paper. kahit papano gumaan pakiramdam ko nakita ko perfect score ko. kunting kembot nalang at gagraduate na ako. Ilang minuto pa'y biglang tumunog ang bell ng school hudyat na tapos na ang klase. "Tara girl sa cafeteria tayo nagugutom nako. - yaya sakin ng kaklase kong si joanna. mamaya pa naman yung isa ko pang subject may 3 hours vacant ako bago yung sunod na klase ko. balak ko sana sa library tumambay pero dahil gutom din ako agad naman ako tumango kay joanna at sumabay sa kanya palabas ng classroom. kunti lang ang mga studyante dito sa cafeteria, mostly kasi may klase pag ganitong oras. hindi kami mahihirapan mag hanap ng bakanteng upoan. "ate isang sandwich at orange juice sakin. ikaw girl ano sayo? - tanong sakin ni joanna pag kadating namin dito sa counter. "ganun lang din sakin pero iced tea yung drinks ko. - agaran kong sagot. "Oy girl alam mo bang nagkakagulo kanina sa building ng mga bussiness Ad.? - biglang sambit  sakin ni joanna pagkaupo namin. kinagat ko muna ang sandwich ko bago sumagot. "hindi bakit naman nagkakagulo dun? - kakagat na sana ako ulit ng maalala kong building nila lucas yun. agad naman akong kinabahan baka napagtripan na naman yung bespren ko. "ay naku kasi may gwapo daw doong pumasok kanina. - napakunot noo ako yun lang? "Kaloka! marami naman talagang gwapo doon dito sa school may bago paba dun? - akala ko pa naman trouble ulit! "shunga syempre bago ata yun baka transferre ewan. - kibit balikat na sagot nya. "transferre? tumatanggap pa sila non anong petsa na. - nag kibit balikat ulit sya at patuloy na kumakain. "Hi girls mind if i join you? - sabi ng lalaki sa may gilid ko kaharap ko kasi si joanna napahinto naman ako sa pagkain at tinignan kong sino tong lalaking epal nato! Si kenneth lang pala. tinignan ko naman yung paligid at madami namang bakante. sasagot na sana ako ng unahan ako ni joanna. "No, not at all! kenneth upo ka. - yaya agad ni joanna na umusog ng kunti para pagbigyan ng space si kenneth. "thanks? - sabay lahad ng kamay kay joanna. "joanna nalang. - tinanggap naman agad ni joanna ito at nakipagkamay. "marami namang bakante ah at may table naman kayo na exclusive lang talaga sa grupo mo diba? bakit dito kapa talaga nakikiupo? - masungit na sabi ko sa lalaking kaharap ko. pinalakihan naman ako ng mata ni joanna na parang nag sasabing hayaan nalang sya makiupo sa table namin. Duh! ayoko nga at isa pa napaka bully nitong lalaking to. ito kaya nagpapahirap kay lucas. tinignan ko ulit ang kaharap ko dahil wala akong sagot na narinig sa kanya. bigla naman ako nakaramdam ng pagkailang dahil nakatitig pala ito sakin. seryosong nakatitig. "Problema mo? Hoy! bat ganyan ka makatingin? - binigyan ko sya ng masamang tingin di ko pinapahalata na naiilang ako. "hhhmm wala.. I just can't stop staring at you. - walang ka gatolgatol na sabi nya. napakunot noo naman ako. "I didn't know that you had a very beautiful eyes Ms. Guevarra. - dagdag nya. aba't pinagtritripan nga ako. akala nya madadala nya ako sa mga paandar nya. sigurado ako may pinaplano tong mokong nato. "Hoy Mr. Kenneth Gabriel Salvador kung akala mo madadaan mo ko jan sa mga ka ek-ekan mo pwes hindi! kung ibang babae kinikilig sa mga hirit mo ako hindi! alam mo kung bakit? kasi nakakasuka yang mga sinasabi mo kaya wag mokong paandaran ng mga ganyan mo. (sabay tayo) At isa pa kung ano man yang pinaplano mo itigil mo na dahil di ka mag tatagumpay. che! joanna mauna na ako at nawalan na ako ng gana! - may sasabihin pa sana si kenneth ng diko na pinatapos. umalis nako agad sa lugar na yon. mukhang ako ang target ni kenneth ngayon ah! malamang dahil sa pagsusumbong ko sa tatay nya sa mga kalokohan nya dito sa school lalo na sa ginagawa nila kay lucas. s**t nagsisimula na ata nila akong gantihan. hay naku bahala na nga si batman! sa library nalang ako. abala ako sa pagbabasa ng maramdaman kong parang may nakatingin sakin o dapat bang sabihin na nakatitig sakin. itinigil ko ang pagbabasa at nag angat ng tingin halos lumuwa ang mata ko ng makita ko kung sino ang kaharap ko ngayon na seryosong nakatitig sakin. "Sinusundan mo ba ako? - diko napigilan magtaas ng boses dahil sa inis sa lalaing kaharap ko ngayon. "Ssshhhh Silence! - sita ng librarian. napatakip naman ako ng bibig saka sinamaan ko ng tingin ang kaharap ko. "Ano ba kailangan mo? gumaganti kaba sakin? tama lang yung ginawa ko noh! pwede ba tantanan mo na ako kung di susumbong na naman kita kay president. - banta ko sa kanya. mahina lang pagkakasabi ko dahil baka ma sita na naman ako. "I'm not here for revenge. and yes nainis ako sa ginawa mo sobrang inis ko sayo binabagabag mo buong sestema ng utak at pagkatao ko. you have a very strong personality Ms. Guevarra and you made me admired you for that. - seryosong sabi nya saakin. Ano bang pinagsasabi nito. "Ano bang trip mo? pwede ba kenneth wag ako! umalis ka nalang sa harap ko dahil kita mo diba nag aaral ako! - galit na sabi ko sa kanya. ako nalang yung umiwas ng tingin at mukhang nag eenjoy sya sa pagtitig sakin.  and I saw him smirked at me. shit! nakakailang talaga promise! "wag din ako Alexandria dahil romance book yang binabasa mo. - shete anong karapatan nyang banggitin ang buo kong pangalan. Ughh! nakakainis wala ata syang balak na umalis. "Paki mo! bahala ka nga jan! - aakmang tatayo na sana ako ng agad nya ako nahawakan sa pulsuhan at hinatak pabalik sa upoan. "Just one question Ms. Guevarra. - sabi nya na hindi nya parin ako binibitiwan. "Oh Ano? - iritang sabi ko. "Are you into.. ahm i mean are you a lesbian? - ewan ko kung magagalit ba ako o matatawa sa tanong nya. napatirik tuloy ako ng mata. "Ano namang paki mo kung lesbian ako o hindi!? -balik kong tanong sa kanya. "Damn! just answer me lady! - opps mukhang napikon na. "bitiwan mo nga ako! hindi ako lesbian okay? ok na? pwede na akong umalis? - asar na sagot ko. agad naman ako tumayo. napatingin pa ako sa kanya pero di ko alam kung bakit parang nagliwanag ang aura nya sa sagot ko. nagkibit balikat nalang ako at umalis na. "Alexandria wait! - pigil sakin ni kenneth dito na kami sa hallway. sinusundan parin pala nya ako. "Ano na naman? at pwede ba kenneth alex! alex itawag mo sakin dahil naalibadbaran ako sa tuwing tinatawag mo buong pangalan ko! "Fine, sorry. ahm here. - sabi nya sabay abot sakin ng cellphone nyang mamahalin. kunot noo ko syang tinignan. "just type your number here. - di ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Hanep! hanep tsong ah! che! manigas ka! - sigaw ko sa kanya sabay takbo paalis. tinatawag pa nya ako pero di ko na pinansin. hanep ano akala nya sakin basta basta ibibigay number ko?! neknek nya! ..........................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD