Chapter Eight

1103 Words
*Lucas Pov* "he..hello barbie si tito ganda po? - tanung ko sa baklang nag gugupit ng buhok. dito ako dumiretso sa shop ni tito ganda pagkatapos ng klase ko. "ikaw pala baby lucas nasa loob kasama yung baklang pamangkin nya. - ngiting sagot ni barbie. "Hoy bartolome narinig kita ha! jumbagin ko yang feslak mo eh makita mo! - biglang singit ni stef na kakalabas lang galing sa opisina ni tito ninong. may opisina talaga to sa loob tong salon ni tito may kalakihan din kasi tong salon nya at madami dami din syang mga tauhan. "shete ka talaga babae ka barbie.. BARBIE ang pangalan ko che! my gosh! - maarteng sabi nung bakla nag flip hair pa napangiwi nalang ako sa kanya. "Barbie mo mukha mo! chucky mana pa! lucas lika na at nag hihintay na si tito ganda! - sabay hila sakin ni stef papasok. "My baby boy! ready for your major major transformation? - masayang tanong sakin ni tito. kinakabahan ako pero wala ng atrasan to. tamang tama magkikita kami bukas ni trisha sana magustohan nya bagong ako. "opo tito ganda.. ki..kinakabahan lang po! "Don't be my dear! pagkatapos nito tyak magbabago na ang iyong buhay. - sabi ng baklang katabi ni tito. "Oo nga naman baby boy. excited nako! oh sya juanita ayusin mo na yung buhok nya at dont forget yung facial ha? kami naman ni stef ay ereready na namin yung pinamili naming damit para sa kanya kanina. "Let the transformation begin! - masayang sigaw ni stef. *Stef Pov* My gosh my pov ako. ok ok ito na! nakakapagod mag shopping lalo na kung di naman sayo yung pinamili mo kakaloka! ayan habang abala sila juanitang bakla don kay lucas dito naman kami ni tito ganda hinahanda yung mga damit na pinamili namin kanina para kay lucas. syempre libre ni tito to sa kanya kasi di naman iba samin si lucas. matagal na talagang gustong ayusin ni tito yang si lucas eh. eh ako naman syempre ang gusto ko talagang ayusin syempre ang pinsan ko ng makita naman ni lucas na mas maganda pa ang pinsan ko kesa don sa trisha nya noh! indenial lang yang pinsan ko pero alam ko may pagtingin yan sa bespren nya. mabait naman kasi talaga yang si lucas eh kulang lang sa ayos. "tito ganda sayang wala si insan dito para sa oplan make over ni lucas. "hay naku alam mo naman yun di na nga natin naabotan kanina ang aga umalis. - sagot naman ni tito. "sabagay.. eh si alex tito kelan ba natin yun aayusan. gusto ko talagang e make over yun. isa pa yun eh! "Ewan ko ba sa batang yon! tigas ng ulo. baka pag na in love yan katulad ni lucas. baka saka pa lang yan mag aayos sa sarili nya. - sagot ni tito. "naku! kung alam nyo lang. - pahina kong sagot. "ano yon? - tanong ni tito. "ah wala po! "ay teka yung contact lense pala nalimutan ko ibigay kay juanita. jan ka muna. ................................................................ gabe na at nandito kami lahat ng mga baklang tauhan ni tito sa loob ng salon nag close na kami kaya wala na ding customer. inaantay namin lumabas si tito at lucas sa opisina ni tito. "Ladies and Half Ladies! ipinapakilala ko sainyo ang bagong Lucas! - masayang sabi ni tito pagkalabas nya. nag antay kami ng ilang segundo bago lumabas ang isang pinagpalang nilalang. "aayyyyyy OPPPPPAAA" - tili ng mga bakla. napa wow ako sa nakikita ko ang mga bakla walang humpay ng kakatili kay lucas. sobrang wow as in wow napaka gwapo pala talaga ng mokong na to eh. shet si insan tyak magugulat sya pag nakita si lucas. baka mapaamin ko na sya. eehhhh kinikilig ako! ay malaking s**t din baka magustuhan to ni trisha paano na pinsan ko? naku di pwede to! Hindi imposibleng magustuhan sya ni trisha. ano bayan! "a..ayos lang ba itsura ko? na..ninibago ako wala akong suot na salamin. - nahihiyang sabi ni lucas. "Baby ko ayos na ayos ano kaba. dapat masanay kana! - sagot ng isang bakla. "Baby ko?? sabi?! - sabay sigaw ng mga bakla. "ayan nag mukha ka ng tao este nagmukha kang ka ayaya.. mas pogi ka sa itsura mo ngayon kesa kaninang pagpasok mo dito sa shop. - muntikan pa ako dun ayoko naman sumama loob nitong mokong nato. "magu..gustohan na kaya ako ni t..trisha ni..nito? - nauutal na tanong nya. sabay sabay ngumiti ang mga bakla at tumango tango. "alam mo lucas naiintindihan kita kung bakit ka pumayag na ayusan namin. pero ito lang masasabi ko sayo magustohan kaman ni trisha o hindi nandito kami lahat nila tito,mommy mo, mga baklang to lalong lalo na si insan na bestfriend mo. di mo kailangan ng trisha para baguhin yang ayos mo dapat alam mo sa sarili mo ginawa mo yan para sa sarili mo. bunos nalang yang si trisha if ever man na magustohan ka nya. ganern! - mahabang sabi ko. "Tama! - sabay sagot ng mga bakla. nakangiti lang nakatingin sakin si tito ganda. "Sa..salamat sainyo! - nahihiyang sagot ni lucas. lumapit sa kanya si tito sabay akbay. "pero bago ang lahat nag bago na ayos mo lahat lahat, so dapat din yung pananalita mo deretsuhin mo na din. - nakangiting sabi ni tito kay lucas. .............. *Lucas POV* Hindi ako makapanewala sa kinalabasan ng pinagagawa nila tito sakin kanina. kung titignan ko yung sarili ko ngayon ibang iba na sa dati kong itsura. kahit si mommy ko di nagulat sa itsura ko ng umuwi ako. tyak si bespren din. di ko yon nakita ngayong araw. baka busy yaan na makikita ko naman sya bukas sa school.  Sana lang mapansin na talaga ako ni trisha yung di lang nya ako mapapansin dahil may kailangan sya sakin. "Anak halika na maghaponan na tayo. - sigaw ni mommy. "Anjan na po! - dali dali akong bumangon sa pagkakahiga ko at bumaba para sabayan si mommy kumain. uupo na sana ako ng may mapansin akong envelop sa samay ibabaw ng cabinet malapit lang sa dining table namin. kinuha ko ito at bubuksan na sana ng biglang hinablot ni mommy yung envelop. "teka.. ma.. ano po ba yan? "ikaw talaga anak kumain ka na nga lang tayo. bills lang naman to babayaran ko to bukas. - sabi nya sabay bulsa nung envelop. bills? kung makahablot eh. weird talaga ni mommy. "sege po! - sagot ko nalang at kumain. Bukas ibang lucas na ang makikita nila. lalakasan ko na loob ko di na ako paaapi ng kahit na sino at lalakasan ko na din loob ko pag dating kay trisha. sana magawa ko. ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD