*Alex POV*
"Ano ba nangyari sayo at nagpaulan ka pa talaga ha?
"Kasi bespren ang saya ko lang na nagkita kami ni trisha at nagkausap ng kaming dalawa lang.hehe! - sagot ng mokong nato sakin habang pinupunasan nya ng towalya ang basang buhok nya.
"yun lang? yan lang pinunta mo dito para sabihin sakin yan?? - di ako makapaniwala sa sinabi nya my godness!! hibang na talaga sya sa babaeng yun!
napatingin naman sya sakin na may malaking ngiti sabay tango tango..
"Sino ba yang trisha na yan at mukhang kilig na kilig kapa hanggang ngayon ha lucas!- singit ni Papang na nakaupo lang sa tapat namin na katabi ni stef. nandito kami ngayon sa sala ng bahay namin at ito nga nanonood sila kung pano ko sermonan yung bespren ko.
"Yung crush nya tito ganda! - si stef ang sumagot. sa pagkakataong to ako na ang nagpatuloy sa pagpunas ng buhok nya .
"Tigas ng Bonbonan mo lucas sarap mong piktusan! gigil si ako! - sabay diin ng towalya sa ulo nya kaasar kasi!
"Crush mo? aba'y nililigawan mo naba yan? - tanong ulit ni papang sa kanya. bigla naman syang napayuko.
"Hi...Hindi po.
"Bakit hindi mo pa ligawan eh binata ka naman. may boyfriend ba yun? - napaikot tuloy ako ng mata sa sinabi ni papang. seriously? liligawan nya yung bruhang yun?
"Nahihiya ako sa kanya tito ganda eh. saka malabo akong magustohan non. Maganda sya ay mali dyosa sya simpleng gwapo lang ako. -sagot ng mokong na nagpagulat samin.
"Bakit? - tanong nya samin ng makita ang reaksyon namin sa sinabi nya.
"Ah wala naman! gwapo ka naman talaga baby boy eh kaso may mas gagwapo pa jan sa itsura mo kung aayosin mo yung sarili mo. - sagot ni papang. tama nga naman sya mommy nga nya ang ganda eh.
"ma..maayos naman po ako ah! - pagtatakang sagot ni lucas.
"Ah eh lucas maayos ka naman ang ibig sabihin ni tito ganda eh kung mas aayusin mo yang porma mo yung alam mo na yung naayon sa porma ngayon sa generasyon natin ngayon. you know? - maypag alinlangang sabi ni stef.
"Pano bang porma? - sagot ni lucas at nagkatinginan pa si papang at si stef.
"Kami bahala! - sabay sagot ni papang at pinsan ko.
"oh sya! ipagpapabukas nyo na yan at gabi na! ikaw bespren umuwi kana sainyo baka nag aalala na mommy mo sayo. Goodnight! - sabi ko sabay walkout! kainis talaga ngayon tutulongan pa talaga nila yung mokong nayon para ma gustuhan ng bruha nayon!
eh magugustohan kaya sya ng trisha na yon pag iba na itsura ni bespren?
gwapo naman talaga si lucas eh baka nga magustohan sya.
hay!
teka paki ko sa kanila kung magkakagustohan sila!
edi magsama sila!
...........................
martes ngayon at kailangan kong pumasok sa school. late nako nakauwi kagabe gawa nag madaming tao sa resto pinag oojt-han ko.
"Innnnsan!!! Goodmorning! - masayang bati sakin ni stef pagkalabas ko ng kwarto.
"morning! - bagot na sagot ko sabay kagat ng pandesal.. hmm mainit init pa sarap.
"Ano bayan ang ganda ganda ng araw dapat nakangiti ka. Good vibes ganun. - hinayaan ko lang sya magdaldal gutom ako di nako nakapag dinner kagabi dahil sa pagod.
"sya nga pala couz na miss kita! - napatingin naman ako sa kanya na may pagtataka, magkasama lang kami sa bahay ano pinagsasabi ng babaeng to.
"wag mo nga akong tignan ng ganyan di kaya kita nakita kahapon aga mo kasing umalis tapos late kana umuwi. sayang di mo nakita bespren mo. ayyy my god couz yang bespren mo ha infearness ang gwapo nya pag nakaayos! kinikilig ako.. eehhhh.. nakita mo naba sya ha.. ha ano galing namin ni tito ganda noh? kahit nga si tita (mommy ni lucas) di nakilala anak nya eh.. ayyyy. - hhmm si lucas? so pumayag na pala sya ibahin ayos nya. talagang gagawin nya lahat para kay trisha.
"mabuti para sa kanya kung ganun. - balewalang sagot ko sabay tayo.
"oyy teka aalis kana? - tanong ni stef.
"Oo may pasok pako! pakisabi nalang kay papang. -sagot ko nalang sabay alis. di ko inantay sagot nya magtataka lang yun sa kinikilos ko.
bakit ba ako nag kakaganito?
masaya ako para sa bespren ko atleast ngayon di na sya maapi lage.
hindi na sya mapagtritripan sa ayos nya.
pero sa tuwing iniisip ko na nagbago sya dahil sa bruhang yun diko mapigilan malungkot? ewan! diko maintindihan sarili ko.
mahal nya nga talaga!
nagseselos ba ako dahil hindi ako ang rason sa pagbabago nya?
teka selos? di ba pwedeng naasar lang?
hay ewan buhay nya yan bahala sya.
Ano kaya itsura nya?
eehh ano bayan bahala sya sa buhay nya!