Chapter Sixteen

1646 Words
*Alex Pov* "Busog pa pala ako. Sege na puntahan mo na! -  Alam ko naman na gustong gusto nyang puntahan yung bruhang yun. kahit naman din papano naawa ako kay trisha. Kilala sya sa school bilang Campus queen may pagka b***h and look sophisticated. pero sa nakikita ko ngayon she looks miserable. "Ahm mag order kana bes, puntahan ko lang sya saglit babalik ako agad. - sabi nya at nagmamadaling lumabas para puntahan si trisha. nasa tapat na restaurant lang si trisha nakaupo at nag-iiyak.  Ano kaya problema ng babaeng yan? lumapit na si lucas nagulat pa si trisha pero agad naman naka bawi ito. nag uusap silang dalawa ako naman naka tingin lang sa kanila. maya-maya may lumapit saking waiter at tinatanong anong order ko. tinignan ko lang yung waiter sabay tingin ulit kina lucas. nakita  kung nakatabi na si lucas kay trisha. magkayakap sila habang hinahagod nya yung likod ni trisha. "Maam? - untag sakin ng waiter. "I think you need this. - nakangiting abot nya sakin ng malinis na tissue. diko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. agad ko naman itong pinunasan at nagpasalamat ako sa kanya. tumayo nalang ako at umalis na doon. Nasasaktan ako sa nakikita ko Nagseselos ako Oo inaamin ko na! na inlove ako sa bestfriend ko alam kong mali kasi bestfriend ko sya at maaring makasira tong nararamdaman ko sa pagkakaibigan namin. Ano bang magagawa ko? di ko naman kasi mapigilan! lintek na puso oh! kung titibok dun pa sa taong matalik kong kaibigan and worst pa, may mahal ng iba. dali-dali akong naglakad paalis sa mall. Gusto ko ng makaalis sa lugar na to parang di ko na kaya sumisikip yung dibdib ko baka di ko na makayanan pag nagtagal pako dito. *bogssh.. Dahil sa pagmamadali ko di ko namalayan may nabangga na pala ako. Aray! tumama yung kaliwang balikat ko sa matigas na dibdib ng lalaki. umangat ako ng tingin para tignan yung lalaking naka bangga ko para humingi ng tawad kasalan ko naman,di ako tumitingin sa dinadaanan ko. nagulat pa ako ng makita ko  kung sino ito. "Kenneth! "Alexandria! sabay naming tawag. nakakunot noo syang nakatingin sakin. "Are you okay? - tanong nya sakin. "Oo naman! - agaran kong sagot. "What are you doing her? - tanong nya ulit. "Nandito ka nga din eh! syempre mall to ikaw lang ba pede pumasok dito? - pilosopo at mataray kong sagot. napaikot tuloy ako ng mata. "Can you stop being a mataray? - aba't. "And Can you stop being slang? -balik ko naman sa kanya. magaling sya magtagalog pero di lahat ng tagalog nya nabibigkas nya ng maayos tulad ng sabi nyang mataray, masyadong slang arte lang! (rolled eyes) Bigla naman nya akong hinila. Saan ba ako dadalhin ng lalaking to! "Hoy san mo ba ako dadalhin? uuwi nako eh! - sigaw ko sa kanya habang hila hila ako. "I'm hungry! - tipid nyang sabi sakin. nanlaki yung mata ko na sa japanese resto nya ako dadalhin kung saan ako nanggaling kanina. humugot ako ng lakas para mapahinto sya at napahinto ko naman ito. "Just join me alex, I have not eaten yet! - pakiusap nya. ito nanaman yung mga tingin nya. kaloka! "Fine! pero hindi dito doon tayo sa malapit sa park mura na masarap pa! - sabi ko sa kanya. "It's my treat alex, di na natin kailangan pang lumayo. - no way! di na ako babalik pa jan baka ano na naman makita ko. "Eh di ikaw kumain jan! basta ako doon ako sa park! bye! - sabi ko sabay talikod sa kanya. "Fine you win! - sabi nya habang nakasunod sakin. ngiting tagumpay naman ako. "A-are you sure na dito tayo kakain? - tanong nya sakin habang nakangiwing nakatingin sa mga naghahalerang mga nag-iihaw. "Yes! tinatawag ang lugar na itong barbeque station. completo dito may barbeque,isaw,adidas, betamax ,inihaw na atay, helmet kung ano ano pang klaseng inihaw at barbeque. may inihaw ding isda, inihaw na tilapia,bangus at iba pa. -pagbibida ko sa kanya. "how can you so sure that the foods here are safe? - tanong nya ulit ng makaupo na kami. napaikot tuloy ako ng mata. bakit ko ba nakatimutan na mayaman pala tong unggoy na to! napatapik tuloy ako ng noo ko. "Malinis naman dito pero kung masilan ka iwanan mo nalang ako dito at bumalik ka don sa restaurant kung saan gusto mong kumain. Ako dito lang ako dahil nagugutom na ako. - sabi ko. "Fine ano bang masarap dito ikaw na mag order w-wag lang seafoods kasi may allergy ako. -nahihiyang sabi nya. "sayang masarap pa naman yung inihaw na pusit nila. iba talaga pag laking mayaman eh noh? - pailing-iling kong sabi sabay tayo at kumuha ng ipapa ihaw ko. "Oh Alex ito na pina ihaw mo oh. Pogi ng kasama mo ah! Boyfriend mo? -tanong sakin ni kaloy pinsan sya ni barbie yung baklang nagtatrabaho sa salon namin. dito kasi sya namamasukan. "Anong boyfriend? pag may poging kasama boyfriend agad di ba pwedeng kaibigan mo na? - asik ko kay kaloy lokong to! napaka chismoso mana sa pinsan nya. "buti naman  kung ganon! may pag asa pa pala ako. kailan mo kaya ako sasagutin? - nakangiting sabi ni kaloy with matching beautiful eyes pa. kung makangiti kala mo di bungal eh! "Suntok gusto mo? - sabay taas ko ng aking kamao. bwesit na toh! lage talaga akong pinag tritripan. "Alex naman! - nakapout nyang sabi. yuck sagwa nyang tignan. buti naman tinawag na sya ng amo nya kaya lumubay na sakin. napabaling tingin ko kay kenneth na nakangiting nakatingin sakin. "Oh anong nginingiti-ngiti mo? - tinaasan ko sya ng kilay. " 'cause I'm POGI! - ngiting sagot nya. pinagdidiinan pa talagang salitang 'POGI'. "At sino nagsabi sayong pogi ka? - mataray kong tanong. "You! - sinabi ko ba yon? eh ano naman kung nasabi ko. "Naka drugs ka ba? bangag ka ata eh! - tanging nasabi ko sa kanya. "Nope! but i guess I am already. I'm addicted to you. - kunot noo akong nakatingin sa kanya. banat ba yon? "kumain ka nga! gutom lang yan tsong! kaloka to! kung ano-ano lumalabas dyan sa bibig mo! - paraparaan din tong mokong nato bahala sya at ako'y nagugutom na.  "Alex this is a chicken feet! how can I eat this? -reklamo nya. tinignan ko naman sya at kunot noo syang naka titig sa paa nag manok pinaikot ikot pa nya ito. jusko ang mga mayayaman nga naman ano! "ngatngatin mo ay! adidas tawag dyan.- sagot ko sa kanya. mukhang di nya trip kainin kaya binigyan ko sya ng pork at chicken barbeque. "Oh yan siguro naman kumakain ka nyan. - sabi ko sabay lagay sa plato nya. kinain nya naman at gumaya pa sya sakin na nagkakamay. "Wow masarap pala barbeque nila dito! except for that! - sabay turo sa adidas. napaikot lang ako ng mata. patuloy lang akong kumakain at di na sya sinagot. "Is this a chicken heads? - napangiwing tanong nya. huli kasi itong senerve kaya huli nya itong napansin. "Obiously! alangan naman ulo ng pato edi sana mahaba ang nguso nyan! - masungit kong sabi. "Try mo kaya masarap yan! -dagdag ko. "Really? - alanganing tanong nya tumango lang ako sa kanya. kunot noo itong kumagat sa ulo ng manok at ninanamnam pa ito. "masarap diba? yung utak nyan sobrang masarap! -deretsong sabi ko bigla nya itong binuga at aakmang susuka kaya bago pa sya sumuka dito tinuro ko na agad sa kanya saan yung banyo. Dalidali naman itong tumakbo. Kaloka! anong masama sa sinabi ko at nag kakaganun sya? napakamot tuloy ako ng ulo! syempre yung kabilang kamay ko yung pinangkamot ko. Pauwi nako samin syempre kasama tong unggoy nato! kahit anong tanggi ko sa lalaking to na wag na akong ihatid ayaw patinag. napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko kung pano mag-alala si lucas kay trisha, kung pano nya tignan ito. *beep..beep..* Agad kong kinuha ang phone ko ng may nag text. From: Bespren koh >bespren, pasensya kana kanina ha naiwan tuloy kita don sa restaurant. bumalik ako don pero sabi ng waiter lumabas kana daw. >Kumain kana ba? >pasensya na talaga bes di na kita nahabol kasi nagpahatid sakin si trisha pauwi. pero promise ko sayo babawi ako. >How about dinner tomorrow? around 7pm susunduin kita bukas. >It's a bestfriend date! see you tomorrow night my bespren. ang dami na pala nyang message sakin ngaun ko lang napansin. kahit papano gumaan yung loob ko sa sinabi nyang babawi sya. reply ko sa kanya. "We're here! - untag sakin ni kenneth. nandito na pala kami sa tapat ng bahay. "Salamat sa paghatid at sa pag libre kanina. - pasalamat ko sa kanya at nginitian sya. "Your welcome ale! well, it's getting late you should get inside. -tumango lang ako sa kanya. lumabas sya para pagbuksan ako hinayaan ko lang sya kesa magdebate pa kami dito. "Goodnight Ale! - ale? kunot noo akong tumingin sa kanya. "they all call you alex so i want to call you Ale, that will be your new nickname given by me. And I should be the only one calls you in that name. - maowtoridad nyang sabi. "Then Goodnight Gab-Gab! -ngiting paalam ko. syang napangiti naman sa kanya. "Opps! no more explanation! umuwi kana at ako'y papasok na. - awat ko sa kanya ng akma syang magsasalita. tumango lang sya at tumalikod. somehow kenneth is a good guy! kahit papano napawi yung sakit na nararamdaman ko kanina nung nasa restaurant pa ako.  I don't know what kenneth's up to! bigla nalang syang lumapit sakin at parang kaboteng bigla bigla nalang susulpot sa kung saan. But base on my observation! wala naman akong nakikitang kaduda-duda. at Sabi ni papang masama ang mag judge ng tao. Well, I just go with the flow nalang. ❤️ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD