Nang magising si Vera ay sobrang sigla nya. Agad syang tumakbo sa silid ni Caleb at pinagmasdan ang lalaking natutulog. Paglabas ay nakasalubong nya si Bianca para dalhan syang muli ng pagkain. "Aba, ang ganda na ng ngiti mo ah." Puna nito. Nang makababa at doon na kumain ay agad syang napansin ng mga kapwa nya markado. "Himala, wala kang sumpong..." si Clarisse. Ngumiti lang si Vera. "Mas gusto kita kapag ganyang nakangiti ka." Sabi ni Mhalen. "Panong hindi gaganda ang ngiti nyan eh mukhang nadiligan ng amo nya kagabi." Kantyaw ni Bianca. Namula naman ang pisngi ni Vera. Alam nya ang ibig sabihin ni Bianca. Madalas silang magkwento ng mga ginagawa sa kanila ni Revin sa tuwing sila ang napipiling inumin nito. Pero hindi ganun ang amo ni Vera sa kanya. "Si Princess?" Pagbabago ng t

