Tulala at wala sa sarili si Vera ng sumunod na umaga pero muli nyang inayos ang sarili ng dumating ang hapon at gaya ng sinundang gabi ay parang sinaksak ng patalim ang puso nya nang makita sa hallway ng spria si Revin. Nakaharang muli ito sa kanyang daraanan kaya wala syang magawa kundi bumalik sa kanyang silid. Determinado si Caleb, hangga't hindi tumitigil ang ahas sa isip nya sa tuwing naiisip si Vera ay hindi nya kakayaning makita ito. Nawala ang saya sa loob ng bahay at napuno ito ng hikbi at iyak ni Vera gabi-gabi. Kahit sina Salud at Revin ay napipilitang lumayo dahil sa ingay ni Vera na mga bampira lang ang nakaririnig. Sa silid nya, matapos muling harangan ni Revin si Vera papasok sa spria, ay nag-iiyak na naman ang dalaga. Hindi nya ma-pinpoint ang nadarama, sobrang lungkot

