Mapapasakanya si Caleb kahit sa paanong paraan! Hahamakin nya ang lahat at isasakripisyo ang kahit ano o sino masiguro lang na maabot nya ang pagmamahal na pinapangarap. Ngayon ay sigurado na sya sa nararamdaman, siguradong sigurado. Mahal nya si Caleb, mahal na mahal. Nang umungol sya ay biglang huminto si Caleb at mabilis na tumayo. Nasilaw si Salome sa liwanag ng ilaw nang buksan ito ni Caleb. "S..salome?!?" Tumingin lang si Salome, hindi ito natinag sa pagkakahiga. " A..anong?!? Paanong...?" Tarantang-taranta si Caleb, nawala ang kalasingan. Bumangon si Salome, naiinis dahil hindi nga sya nananaginip pero pinutol naman ni Caleb ang lahat. "Nandito ako para humingi ng tawad sa nangyari sa pagpupulong," sabi ni Salome saka lumapit sa shocked na lalaking dumistansya sa kanya

