Hindi nagtagal ay nagkaroon si Salome ng mga bagong kaibigan sa Hur. May mga rafa, markado, at mga ordinaryong taong may tatak ang kakatwang nakasundo nya. Bukas sila sa mga bagong ideya, hindi kagaya sa Hebron na tradisyonal at iisa ang uri ng buhay ng mga tao. Hindi alam ng mga ito na taong liwanag si Salome dahil lumalabas lang ang liwanag kung tinatawag ito ng warrior mula sa kanilang katawan gamit ang dasal ni Jabez. Pero mahabang panahon na ring hindi nakakapagsanay si Salome, hindi naman kasi nya kailangang gamitin ito dahil walang panganib sa kanya sa piling ng mga bampirang tinuturing nilang kalaban simula't-simula pa. Sa Hur ay malayang nakakasalamuha ni Salome ang mga bampira nang hindi namamalayang taong liwanag sya. Particular na naging malapit sa kanya si Choi-yen, tao pa

