PANGAKO NG PAGBABALIK

2692 Words

Halatang nagulat at natakot ang mga rafa sa pagdating nya. Isang babaing naglalagablab ang liwanag, maliit na liwanag pero napakalakas. Alam ni Salome na  may kakayahan pa syang palakihin ang liwanag na taglay nya, pero sa hindi nya maintidihang dahilan ay naging maliit ito kaysa dati bukod sa hirap na hirap syang pailawin ang sarili. Ilang rafa ang nagtangkang awatin at sugurin sya pero sunog ang inabot nito sa paglapit kay Salome. Napakalamig sa Cintru pero prinotektahan si Salome ng taglay na init ng kanyang liwanag. "Naparito ako upang makipag-usap kay Caiphaiz, meron akong dalang mensahe." Ito ang matapang na sinabi ni Salome sa mga bampirang hindi na nagtangkang saktan pa sya. Takot na takot ang mga ito sa unang atake pa lamang ng liwanag ni Salome, pero alam ni Salome na isang mal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD