“Paano kung matalo ako bukas?” wala sa sariling tanong ni Emrys habang nakatingala sa bilog na bilog na buwan. “Matalo?” kunot-noong tanong sa kaniya ni Ruan. “Idi matalo na kung talo na talaga… Wala naman na tayong magagawa, ‘diba? Still we will be so proud of you, Emrys!” mahabang dugtong nito. Hindi pa ito nakuntento, naupo pa talaga ito sa kaniyang tabi. Nagpapahinga pa lamang siya. Magpapatuloy na lamang ulit siya sa pag-practice mamaya. “Kaya nga.” Boses iyon ni Graza. Natilihan naman si Gorgie sa tabi nito pagkatapos nitong magsalita gayong alam nila na kanina pa lamang ito nakaidlip. “Woah!” sambit nito. “Is she sleep talking?” Nakatingin si Gorgie sa kaniya at para talaga sa kaniya ang tanong nito. Nakangisi niyang sinalubong ang nanlalaki nitong mga

