“Bakit ka naman kakabahan?” nalolokang tanong sa kaniya ni Ruan. Umiinom ito ng mainit na gatas. Bahagya niyang ikiniling ang kaniyang ulo sa bandang kanan. “Madaming manonood mamaya, guys… Paanong hindi ako kakabahan?” Napangiwi siya sa sariling sinabi kapagdako. Naramdaman niya ang paglipat ng puwesto ni Gorgie mula sa kaniyang likod. Inaayos nito ang kaniyng buhok. Hindi niya alam kung anong ayos ang pinag-usapan nito kanina ng kaniyang mga stylist. Basta, walang pagdadalawang-isip na pumayag siya na si Gorgie ang umayos ng buhok niya. “Jusko, Emrys!” saway sa kaniya ni Ruan. “Enhale. Exhale. Calm down… Just do your best. Proud kami sa’yo kahit na anong mangyari. Ang nasa itaas na ang bahala sa lahat…” Malaki ang pagkakangiti na sambit nito sa kaniya. Napahugot siya ng isang

