“She's already here!”
Hindi iyon nakaligtas mula sa matalas na pandinig ni Emrys.
Napasulyap siya mula sa kinaroroonan nila Vim habang naglalakad siya papasok sa loob ng klasrum. Nahuli niyang nakatingin ang mga ito sa kaniya ngunit kasunod niyon ay ang guilty na pag-iwas ng mga ito ng tingin. Kung pinag-uusapan siya ng mga ito'y hindi siya sigurado.
Tahimik na inilibot ni Emrys ang tingin sa paligid. Hinanap sila Ruan, Gorgie at Emanya subalit wala pa ring marka ng presensya kahit isa lamang sa tatlo. Mukhang sanay yata talaga ang mga ito na mahuli sa klase.
Muli niyang narinig ang nang-aasar na paghalakhak ni Vim. “Panoorin niyo ang gagawin ko,” mayabang nitong sambit sabay kaway sa mga kaibigan.
Ikinurap niya ang kaniyang mata at nagkunwaring hindi nakita o narinig ang usapan ng mga ito.
Bago pa siya tuluyang makalapit sa kaniyang puwesto ay hinarang na siya ni Vim. “Good morning, President!” malawak ang ngiting bati nito sa kaniya.
Pinagmasdan niya si Vim. Marami siyang naririnig tungkol dito. Ito raw ang President ng lahat noong nasa highschool pa lamang daw ang mga ito. Puro papuri ang naririnig niya tungkol dito. Kaso huminto raw ito sa kalagitnaan ng school year sa isang importanteng rason kaya't magkaklase sila ngayon nito.
Ngumiti siya pabalik rito. Kahit na masama ang kutob niya sa biglaang pagpansin nito sa kaniya ngayon. “Good morning, Vim.” Wala naman siyang nakikitang mali sa pagbati nito sa kaniya.
Tumango ito. “Kumusta ang feeling na maging Presidente?” Bahagya siyang natigilan. She didn't expect for that kind of question.
“Heto,” nanatili ang ngiti na sambit niya at nagkibit-balikat bago nagpatuloy sa pagsasalita, “medyo naninibago.” Kalyuyado ang kaniyang sagot. Nagpatuloy siya sa paglalakad palapit sa kaniyang puwesto.
Tatlong hakbang na lamang din naman at nasa sariling upuan na nga siya.
Ngumisi ito at nakapamulsang tumango sa kaniya. “That seat is really special,” anito pagkalipad ng tingin nito sa upuan niya. “Look what you've become now, Emrys.” Nakangiti ito sa kabila ng sarkasmo na nakapaloob sa naging pahayag.
Pagak siyang tumawa. Hindi niya inaasahan ang biglaan nitong tinutumpok ngayon. “A classroom officer?”
Naging malikot ang mga mata nito. “Sort of,” anito. Nahuli niya ang pagsulyap nito sa kinaroroonan ng mga kaibigan nito at isang makahulugang ngiti ang iginawad sa mga iyon.
Bahagyang nabura ang ngiti niya rito. Wala siyang balak na patulan ito pero hindi niya hahayaang pag-isipan siya nito ng masama. “Malayang botohan naman ang nangyari. And I was chosen. Hindi ko talaga iyon in-expect. I mean, hindi laman lingid sa lahat na baguhan lamang ako. I even heard some of the students calling me the ‘bagong salta'. I'm new to these things. I'm no perfect yet I'm very much willing to learn. And one thing is for sure, I'm grateful to take this responsibility.”
“I knew,” anito. “ I can actually understand because-" nabitin sa ere ang sinasabi nito pagkasulpot ng boses ni Gorgie mula sa pinto.
“Emrys!” malakas ang boses na pagtawag sa kaniyang pangalan ni Gorgie.
Awtomatiko siyang napalingon sa bandang pinto para lamang makita ang mahigpit na pagkakaakbay nito sa nakangiwing si Graza. Salubong ang kilay at hindi na talaga maipinta ang mukha ng kaniyang kapatid.
Mabilis na inilapag niya ang bag sa kaniyang upuan at ipinagpaalam ang sarili kay Vim. “Excuse me, Vim.”
Hindi niya na hinintay ang sagot nito at agad na siyang naglakad palapit sa kinaroroonan nina Gorgie at Graza. Lumawak ang kaniyang pagkakangiti nang tuluyan siyang makalapit sa mga ito.
Tinapik nang marahan ni Graza ang kamay ni Gorgie. “Te'ka lang…”
Agad naman iyong na-gets ng huli at mabilis na binawi ang kamay sa balikat ng kaniyang kapatid. “Ang aga niyo naman,” nakangiting sambit nito habang ipinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Graza.
Umiling siya. “Hindi ah. Kadarating lang din naman namin. Nauna lang siguro kami ng isang minuto sa’yo,” pagtutuwid niya sa hinala nito.
Mas lalo itong sumigla dahil sa nalaman. “I see!” sinundan nito iyon ng tawa.
“Kasabay ko na rin naman si-"
“Anong ginagawa niyo rito sa pintuan?”
Parang may iisang leeg na napalingon sila kay Ruan na kadarating lamang. May bitbit itong isang maliit na box na nakapaloob sa plastic na hawak nito.
“Good morning!” bati nito sa kanila saka dire-diretsong naglakad patungo sa upuan nila. Sumunod sila rito at naupo na rin sa kani-kanilang upuan.
“Here.” Nagulat siya nang iabot sa kaniya ni Ruan ang bitbit nitong plastic. Nagkatinginan lamang sila nito.
Napakurap siya rito. “P-para sa'kin?” nauutal na turo niya sa sarili. Hindi siya makapaniwala.
Nakangiti nitong inayos ang maikling buhok at tumango. “Para sa inyong dalawa ni Graza.”
Nagkatinginan silang dalawa ni Graza at natutuwang ngumiti sa isat-isa. “T-Thank you!” Masaya niyang inabot iyon mula rito.
“Maraming salamat, Ruan!” si Graza.
“Walang anuman,” ani Ruan. “Nag-bake kasi ako ng cookies kagabi at maraming sobra kaya naman ipinagbalot ko na kayong dalawa ni Graza para naman matikman niyo rin ang cookies ko.”
Hindi niya maiwasang matuwa nang bonggang-bongga. Ngayon pa lamang siya nakatanggap ng regalo kahit hindi niya birthday mula sa ibang tao.
“Uhmm,” angil ni Gorgie. Hinampas nito si Ruan sa balikat. “Huwag kayong maniniwala sa babaeng ito. Ganiyan palagi ang sinasabi niyan kapag nagbibigay siya ng cookies kahit na ang totoo niyan ay kayo naman talaga ang ipinagluto niya ng cookies,” pambubuko ni Gorgie rito.
Nanliliit ang mga mata na nagsalubong ang mga kilay ni Ruan kay Gorgie. “Anak ng tokwa. Ang ingay mo naman, Gorgina!” nanggigigil na bulyaw nito sa kaibigan.
Natawa siya pagkarinig sa pambubuko ni Gorgie kay Ruan. Samantalang pulang-pula naman ngayon ang mukha ni Ruan.
“Alam mo palang mag-bake ng cookies,” nangingiting sambit niya kay Ruan. “For sure… masasarap itong lahat so thank you so much!”
Isang tipid na tango lamang ang sinagot nito saka inirapan si Gorgie. “Punta muna ako sa upuan ko,” blangkong sambit nito. “Sige na.”
“Saglit lang,” paalam sa kanila ni Gorgie at nang-aasar na sinundan si Ruan.
Pinagmasdan nila ang mga estudyante na kasalukuyang naglalaro saa gitna ng malawak na oval. Nasa terrace sila. Nakahilera silang apat doon at nagpapalipas ng oras.
“Papasok kaya si Emanya ngayong araw?” kyuryos niyang tanong sa dalawa.
Si Gorgie ang sumagot. “Oo naman,” nakatangong sambit nito.
“Oh?” sambit ni Graza sabay tingin sa suot nitong relo. “Lagpas seven thirty na kaya,” hindi makapaniwalang sabi nito.
Marahan itong tinapik ni Ruan. “Walang kinatatakutan ang mga estudyanteng gaya natin, Graza. Lalo na sa simpleng late na iyan,” paliwanag nito. “Madami pang mas malala riyan. Ang iba, nagagawa pa nga mag-skip ng class.”
Sabay silang napalingon ni Graza rito. “Naranasan mo na rin ba?” tanong ni Graza rito. Magkatugma pala sila ng katanungan sa kasalukuyan.
Hindi agad ito nakasagot at humagalpak naman ng tawa si Gorgie. “Nadali niyo!” tatangu-tangong sambit nito.
Napalunok nang malapot si Ruan dahil sa pambubuko ng kaibigan. “S-Sino bang hindi,” nauutal itong napakurap.
“Kami,” mabilis pa sa alas-kuwatro na sagot nilang dalawa ni Graza.
Napairap na lamang ang dalawa sa ere pagkarinig sa sinabi nila magkapatid.
“It's because home-schooling kayong magkapatid,” napakamot sa ulo si Graza.
Napatango si Graza. “Exactly,” anito.
“Imagine, kahit hindi pa nakakapaghilamos, puwede na kayong mag-aral dahil nasa loob lang naman kayo ng bahay,” giit pa rin ni Gorgie.
“You’ve got the whole point stated,” ani Ruan.
Ngayon niya lamang naisip ang sinabi ng mga ito. Kahit papaano, marami ring advantage ang home-schooling.
“Siya nga pala, Emrys… Bakit ka nilapitan ni Vim?” Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon mula kay Gorgie.
Napakamot siya sa gilid ng kaniyang tainga. “M-May itinanong lamang siya sa'kin,” maikling sagot niya rito.
Kunot-noo siyang nilingon ni Ruan. “Kinausap ka ni Vim?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya. Nanlalaki pa ang mga mata.
“Y-Yes,” naguguluhang sagot niya sa mga ito.
Umikot ang mga mata nito sa ere. “Pleaseee,” mariing sambit nito, “don't let your guard down when she's around,” seryosong sambit nito.
“Okay,” tanging naisagot niya sa huli.
Pagdating ng kanilang guro sa first period ay agad din silang bumalik sa kaniya-kaniya nilang puwesto ang lahat.
“Good afternoon, miss!” pabirong bati ng kanilang guro kay Emanya pagkasilip nito sa pinto.
Saktong limang minuto pagkarating ng kanilang guro ay dumating naman ito.
Ramdam niya ang pagkapahiya nito sa simpleng tirada ng kanilang guro.
“G-Good afternoon, ma'am!” nauutal na bati nito pabalik sa kanilang guro. Humigpit ang pagkakahawak nito sa string ng back pack.
Nagtawanan ang buong klase dahil sa sagot nito. Nag-init ang mga pisngi nito at napahalakhak nang mapagtanto ang kamalian. “Ay, good morning po, ma'am. I'm sorry po!” hiyang-hiya na paghingi nito ng tawad.
Napatakip ito sa sariling mukha dala ng kahihiyan.
“You're twenty-minutes late,” puna ng kanilang guro rito. “Kung nagpa-activity lamang ako, idi nandilat na ang mata mo. Tsk! You should learn from your other classmates, Emanya. Huwag puro si Hesa ang inaatupag mo, okay?” mahabang pangaral ng kanilang guro kay Emanya na ikinakaantok na nila.
“I understand, miss,” nahihiyang sambit nito.
Nakayuko itong bumalik sa sariling upuan pagkatapos. Inihatid ito ng tingin ni Emrys.
“Ang sarap!” masayang sambit ni Gorgie habang nginunguya sa bibig ang dalang cake ni Ruan. Ito ang unang tumikhim niyon.
Nagulat sila nang isang malakas na hampas ang iginawad ni Ruan sa bandang puwet ni Gorgie.
“Aray ko naman, Ruan!” iring nito habang nakatakip ng bibig.
Nanliliit ang mga mata ni Ruan na iniukol rito. “Ano ka ba, Gorgina?” hindi makapaniwalang sambit nito sa kaibigan. “Hindi para sa'yo ‘yan!” sermon nito sa kaibigan.
Napalabi si Gorgie. “Isang slice lang naman na sakto,” paliwanag nito kay Ruan.
“Oo nga. ‘Yong slice na tinutukoy mo, pagkalaki-laki, eksaktong puno na riyan mismo sa loob ng bibig mo!” angil nito kay Gorgie.
Hindi naman na nakapagsalita ang isa sa huli.
Hinila silang dalawa patayo ni Ruan at ginuyod papunta sa harapan ng cake na dala nito. “Both of you, sisters, are now my friends… so both of you have to taste this one,” anito. “Madalas akong magbaon ng mga cakes na gawa ko kaya naman magustuhan niyo sana para madagdagan na ang uubos kung sakali. Nag-bake talaga ako kagabi para sa inyong dalawa.”
“You're so sweet!” hindi niya napigilang sambitin kay Ruan. “And talented,” dagdag puri niya rito.
“Thank you!” malaki ang pagkakangiting pasasalamat nito.
“Thank you sa cake, Ruan!” pasasalamat din ni Graza rito.
“Walang anuman,” ani Ruan sa kanila.
Nag-umpisa na nilang lantakan ang cake kapagdako.
Pagkatapos kumain ay nilapitan niya si Emanya kahit na sobrang layo ng iniisip nito. Lumapit siya rito at nilaro si Hesa sa gilid nito.
“Emrys!” madiing saway sa kaniya si Graza habang hawak niya ang ahas na alaga ni Emanya.
Napahagikhik silang dalawa ni Emanya. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ito kay Hesa. Halatang hindi pa sanay.
“Huwag kang mag-alala, Graza,” ani Emanya. “Mabait si Hesa at choosy siya ng kakagatin.”
Tumawa siya nang malakas at inilapit si Hesa sa kapatid. “Common, Graza. Buhatin mo nga si Hesa. She won't bite you! I promise!” seryoso ngunit nakatawang pakiusap niya rito.
Inirapan lamang siya ni Graza at maang na nag-iwas ito ng tingin mula kay Hesa na ngayon ay nasa balikat na lamang niya. “No, Emrys. Kahit ano na lang basta huwag ‘yang ahas.” Nagbabadya ang ngiti sa gilid ng labi nito.
Naiiling na ibinalik niya si Hesa kay Emanya. “Mission failed,” sambit niya kay Emanya.
Nagpigil ng ngiti si Emanya at napasulyap muli kay Graza. “Makakapaghintay naman si Hesa, Graza. Balang araw, bubuhatin mo rin siya nang hindi nag-aalala na baka makagat ka,” walang katapusang pang-aasar nito sa kaniyang older sister.
Maang na tingin ang iniukol sa kanila ni Graza. “I can't believe you guys!” nakasimangot na sambit nito.