Chapter 20

2360 Words
“Sino sa inyo ang mga achiever?” seryoso ang mukha na tanong sa kanila ng math teacher sa gitna ng klase. Wala sa kanilang lahat ang may ideya kung ano ang ipapagawa nito. Ngunit matamang nakikinig ang lahat ng naroroon. Maraming nagsitaasan ng mga kamay. Isa sa mga ito ay si Vim. Proud itong nakangiti habang nakataas ang kanang kamay. “Ikaw.” Sinundan niya ng tingin ang itinutukoy ng mga ito. “What is your name?” nakangiting tanong ng kanilang professor rito. “Vim Neldano, po, ma’am!” masiglang sagot nito habang nakangiti. Pinasadahan ng tingin ng kanilang professor ang class record nito at nagtawag ng mga ibang estudyante. “Marahil ipinagtataka niyo kung bakit ko pinipili ang mga achievers sa inyong lahat ngayon,” makahulugan ang ngiti na sambit nito. “May contests po ba, Ma'am Roxanne?” interesanteng tanong ni Shannon. Kilala ito ni Emrys sapagkat palagi niyang naririnig na nagpapakaloka ito. Umiling ito. Iyon lamang at ibinalik na muli sa ginagawa ang tuon ng pansin. Tila walang balak na bigyan sila ng sapat na paliwanag. “All of you, achievers, tumayo kayo at maglakad sa harapan,” sa huli'y utos nito sa mga kaklase nilang achiever. Nagulat sila ni Graza nang isa si Ruan sa mga tumayo na estudyante. Blangko lamang ang tingin nito pagkatapos maglakad sa harapan at sundin ang instruction ng kanilang guro. “Woah!” gulat niyang sambit saka napalingon kay Graza. “She's an achiever…” Hindi niya napigilang humanga kay Ruan. Pumalakpak siya at ipinakita iyon mismo rito nang tumama ang tingin nito sa dako nila. Mga pito ang lahat ng bilang ng mga ito na ngayon ay nasa harapan. “Wala na ba?” nakangiting tanong ng kanilang guro. “Wala na po,” sabay na sagot ng lahat. Ibinaba ng kanilang guro ang suot nitong eye-glasses pagkatapos nitong ilapag ang hawak nitong classcards sa ibabaw ng lamesa. “So in total, we have seven achievers in the class,” nakangiting sambit nito habang tatangu-tango. “Then I’ll group the rest of you into seven groups. There are thirty-five of you in the class so you will be five members in each group.” “Miss Mildred,” tawag nito sa kanilang secretary. “Who's absent today?” Tumayo si Mildred at umiling ito. “There is no absent for today, ma'am.” Tipid na ngiti ang sumilay sa labi nito. “That's great!” pumalakpak ito. “Then let's start the counting now. Please count from one to seven.” Siya ang una nitong itinuro. “One,” umpisa niya. Nagpatuloy iyon hanggang sa dulo. One siya, two si Graza hanggang sa natapos lahat. Itinuro nito ang kanilang pupuwestuhan pagkatapos ng counting. Doon sila pupunta upang makilala nila ang iba pa nilang members. “Group two si Ruan,” nakangiting pang-iinggit ni Graza sa kaniya. Napalabi siya sa kapatid. “Kaya nga, eh! Sayang!” “Class, remember that your group will be your permanent group for the rest of the school year,” anito. “Okay!” Pinagsiklop ng kanilang guro ang mga palad nito. “Work on the activity as a team, class. Si Miss President na ang bahala sa inyo. Okay?” Tila may iisang leeg na napalingon sa kaniya ang lahat. “N-Noted po, ma'am.” Nautal siya sapagkat hindi niya naman inaasahan ang bilin na iyon ng kanilang guro. Tumayo siya at naglakad na patungo sa kanang bahagi ng klasrum na malapit lamang sa white board. “Group one ka rin ba?” tanong sa kaniya ng kanilang lider pagkalapit niya rito. Isang mabilis na tango ang isinagot niya rito. “Really?” nanlalaki ang mga mata nito. Kung sa tuwa ay wala siyang ideya. “Oo eh,” alanganin niyang sagot. Tumango ito. “That's great!” anito. “Noon pa kita gustong makausap, Emrys. Anyway, I'm Isla Pablo,” hindi niya inaasahang pagpapakilala nito sa sarili. Nanlalaki ang kaniyang mga mata. Hindi niya inaasahan na kilala siya nito. “K-Kilala mo ako,” ani niya rito. Napangisi ito. “Of course!” mabilis nitong sagot. “Kung may hindi man nakakakilala sa cool na babaeng nakasuot ng maskara sa school natin, hindi ako ‘yon! Kilala yata kita!” anito. Ramdam niya ang bahagyang pag-init ng magkabila niyang pisngi dahil sa sinabi nito. Cool? Cool daw siya? Hindi niya alam kung paano magre-react sa sinabi ng babae. Kagat-labi siyang nagpakawala ng isang pagak na tawa. “Hindi ‘yan totoo,” nakangiwing sambit niya. “I don't think I'm cool.” Napamaang ito. Halos malaglag ang panga. “Really?” kunot-noong tanong nito sa kaniya. “Ang humble mo, gurl! I like to make friends with girls like you!” nangingiti ito. Hindi man lang kumurap. “Ah, hehe,” pagak niyang tawa. Ramdam niya ang pagka-awkward niya sa babae dahil sa pinagsasabi nito. “Isla!” Sabay silang napalingon nito sa nagsalita. A girl with an innocent smile and a piggy pony tails in the hair stop at their team. “Number din ako!” nagtatalon ito sa tuwa. “Nice, Jovena!” tuwang sambit nito. Nagpapalakpak. Napalingon ang babae sa kaniya at napangiti. “Hi, Emrys!” “Hello!” bati niya pabalik rito. Ngunit agad ding nawala ang atensyon nila sa isat-isa nang muling magsalita si Isla. “Ang hirap ng mga problem sa whiteboard,” malungkot na angil nung Jovena. “Mahirap ba?” maang na tanong ni Isla sabay tapon ng sulyap sa whiteboard. Kyuryos niyang nilingon muli ang mga mathematics problem na nakaplastar sa cartolina. Calculus. Integration. Mahirap nga. “Sus!” ani Isla. “Basic calculus lang ‘yan! Naalala ko, madali na lamang ‘yan.” Napapahiyang natameme si Jovena. “S-Sabagay, nariyan ka naman. Kering-keri mo na ‘yan.” Natatawang napailing si Isla. “Na'ko, naman. I’ll try my best.” Tinapik nito sa balikat si Jovena. “Don't worry, ipapakita ko sa inyo kung paano. Asan na ba ang iba? Para maumpisahan na natin kaagad, ‘diba, Emrys?” malaki ang pagkakangiti na tanong nito sa kaniya. “A-Ah, yes,” agad niyang sagot rito. “Speaking of,” ani Isla nang huminto sa kanilang harapan ang dalawang babae. “Group one rin kayo?” tanong ni Jovena sa mga ito. “Yes,” halos magkapanabay na sagot ng dalawa. “Welcome!” ani Isla sa mga ito. “Oh, thanks! Ako nga pala si Krina. Ikaw ba?” tanong ng babaeng may tatto sa gilid ng tainga. “Just call me Isla!” “I'm Jovena.” Ngumiti siya nang lingunin siya ng babae. “My name is Emrys, Krina.” “Tooshie here!” sambit ng babaeng kasunod lamang ni Krina. Natutuwang nagpapalakpak ng mga kamay si Isla. “Now, we are complete!” Halatang excited at masaya ito. Gumulong ang ballpen ni Tooshie sa sahig. Madrama nitong iniahon ang ulo mula sa ibabaw ng lamesa. “Ano namang magagawa ng mga problem solving na ‘yan sa buhay natin?” nakangiwing sambit nito. Maang silang napatingin rito. “Shhh!” naiiritang saway rito ni Isla. Napansin niya na kanina pa nagbago ang mood nito. Ayaw nito ng maingay habang nagso-solve. “May nasagutan ka na ba, Isla?” makahulugang tanong rito ni Jovena. Nanliliit ang mga mata na napairap ito. “Malapit na,” anito. “Kaya puwede bang mag-solve na lamang din kayo riyan. Huwag kayong maingay, please! Group work ito. Dapat tayong magtulungan, hindi ‘yong sa'kin lamang kayo umaasa ng sagot.” Natameme sila sa sinabi nito. “Nasagutan na ni Emrys ang sampung problems, Isla. Ikaw ba?” nakangising tanong muli ni Jovena rito. Napalunok si Isla at gulat ang tingin na iniukol sa kaniya. “Basta!” mariing sambit nito. “Iche-check ko na lamang mamaya kung tama ang sagot mo, Emrys.” Nagkatinginan silang dalawa ni Jovena pagkatapos marinig ang sinabi ni Isla. Napakamot ito sa ulo pagkatapos. “Pagpasensiyahan mo nalang,” mahinang bulong nito sa kaniya. “Hoy, anong pinag-uusapan niyo riyan?” singit ni Krina. “Wala,” ani Tooshie. Na kanina pa rin pala nakikinig sa usapan nilang dalawa ni Jovena. “Thank you very much, Emrys!” pasasalamat ni Krina sa kaniya. “You are welcome!” nakangiting sagot niya sa mga ito. Alam niya kung bakit sa kaniya nagpapasalamat ang mga ito. Sila lamang ang mayroong sagot sa lahat ng problem na grupo at binuhat niya ang buong team niya sa task na iyon. “Here, Isla.” Inabot niya rito ang mga sagot nila na isinalin niya muli sa malinis na papel upang maging maipasa na. Nakasimangot nito iyong hinablot mula sa kaniyang kamay. “Pabibo,” parinig nito bago siya tinalikuran. Kunot-noo niyang inihatid ito ng tingin habang nagpapasa ito ng papel sa harap. Natapos ang kanilang period ngunit hindi na rin naman bumalik ang kanilang guro sa subject na iyon. Sa huli'y kinailangan niya pang ihatid ang lahat ng papers sa mismong faculty. “Ang sama naman pala ng ugali ng Isla na iyon,” hindi nakatiis na komento ni Emanya habang naglalakad sila magkakaibigan patungo sa faculty room. Naikiling niya ang kaniyang ulo sa bandang kanan. “Baka napahiya lamang siya,” awkward niyang paliwanag sa mga ito. “Duh?” si Ruan. “Narinig at nakita ko mismo lahat, Emrys. Ipinahiya ka niya kanina sa gitna ng mga kaklase natin.” Nanlilisik ang mga matang pagku-kuwento nito. “Ha?” maang na sambit ni Gorgie. “Huli na ba ako sa balita. Ano bang nangyari? Bakit hindi ko man lang alam?” sunod-sunod nitong tanong. Inirapan ito ni Emanya. “Shhh! Nasa comfort room ka kanina nang mangyari ang sakuna,” anito. “Anong sakuna?” si Gorgie. “Inaway ni Isla si Emrys at sinabihan ng pangit sa gitna ng buong klase,” ani Ruan. Nakasimangot habang heto siya ngayon at nakahalukipkip. “What?!” padabog itong napatayo mula sa upuan at nagitla. “Is she insane? Maganda ba siya?” hindi maipinta ang mukha na sambit ni Gorgie. “She's the girl with an innocent piggy pony tail hairstyle yet has a petty attitude,” puno ng sarkasmo na paliwanag ni Emanya rito. “Really? Baka naman immature and brat lang,” nakangiwing tanong ni Gorgie sa kanilang lahat. “Graza!” Awtomatiko siyang napalingon kay Ruan nang bigla itong isigaw ang pangalan ng kaniyang kapatid. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Graza na naglakad pabalik sa kanilang pinanggalingan. Masama ang kutob niya, tila ba may susugurin ito na kung sinuman. Kinabahan siya nang bongga pagkakita rito. “Graza!” Tumakbo siya ng ilang hakbang upang habulin ito nang may maalala siya. “Sa’n pupunta ‘yon?” Maging si Gorgie ay nagtataka. Sabay silang napalingon kay Ruan. “Anong nangyari, Ruan?” tanong ni Emanya rito. Tensyonado itong napakurap. “She said something like, she’s going to teach that brat a lesson,” kagat-labing sambit nito. Nalaglag yata ang panga niya sa narinig. That’s exactly the reason kung bakit hindi niya kinuwento agad rito ang ginagawang pamamahiya ni Galena sa kaniya noon. “No!” Mabilis siyang napatakbo at hinabol si Graza. “Oh, my goodness!” “Sa’n ka naman pupunta ngayon, Emrys?!” pahabol na tanong sa kaniya ni Ruan. Nataranta ang mga ito. “Kailangan ko siyang habulin!” kabadong sagot niya sa mga ito. “Bago niya pa mapuruhan ang babaeng ‘yon!” “Wait for us!” habol ni Gorgie sa kaniya. Agad din siyang napahinto nang maalala na bitbit niya ang papel na hawak niya. Kailangan iyong maipasa sa takdang oras kung hindi ay mapapagalitan siya. “Te’ka lang,” habol ang hiningang ani niya sa mga ito. “Bakit ka huminto?” tanong ni Ruan na unang nakalapit sa kaniya. Umiling siya rito at mabilis na iniabot rito ang hawak niyang mga activity papers. “Kailangan ‘tong maiapasa ngayon, Ruan. Puwede bang kayo na lamang magpasa sa faculty room? Kailangan na kailangan ko talagang awatin si Graza!” mahabang sambit niya rito. “S-Sure!” mabilis nitong sagot. “Samahan mo ako, Emanya!” Hinila nito si Ruan at pinagsabihan naman si Gorgie. “Gorgie, ikaw na lamang ang sumama kay Emrys. Kayo na ang bahala kay Graza at kami na ang bahala sa mga papel na ito!” anito na ikinatango nila pareho ni Gorgie. Wala sina Graza o Isla sa kanilang klasrum pagkabalik nila ni Gorgie roon. Bigo siyang hinahabol ang kaniyang paghinga nang marinig niya ang usap-usapan ng kanilang mga kaklase. “Guys! Dali, manood tayo sa oval ng sampalan! Haha!” Awtomatiko silang napalingon ni Gorgie sa isat-isa. “Sa oval!” halos magkapanabay na sambit nilang dalawa ni Graza. Matulin silang tumakbo pababa ng first floor. Wala silang sinayang na segundo. Sumugod sila sa mismong oval. Malayo pa lamang ay kita na nila ang tumpukan ng mga tao sa gitna ng malawak na oval na iyon. Sinubukan nilang makisingit sa tumpukan ng mga tao. “Padaan!” nahihirapang pakiusap niya sa lahat ng mga taong nakaharang sa daraanan niya. Nagtiis silang makipagsiksikan hanggang sa marating nila ang pinakagitna. “Gosh! Sino ba kasing nagsabing seseryosohin ka ni Lemondro, Rushia? You are nothing, but an obsessed!” “Oh, you shut up! Paano mo nasasabi ‘yan? Isa ka pang malandi. For you information, totoo ang namamagitan sa’min ni Lemondro. Ikaw ang obsessed sa’ting dalawa!” Nalaglag ang panga nilang dalawa ni Gorgie. Kunot-noo siyang napasulyap kay Gorgie. “Where’s Graza?” Taliwas sa kanilang inaasahan ay ibang estudyante pala ang nag-aaway sa gitna ng oval. Napakamot si Gorgie sa kaniyang tainga. “Hindi ko alam,” nakangiwing sambit nito. Siya naman ngayon ang napahilamos ng mukha sa kaniyang kamay. “May ideya ka ba kung saan nagtatambay si Isla?” Kibit-balikat itong napailing. “Mas lalong hindi ko rin alam, Graza. Hmnn, ano ba, canteen o library?” nakangiwing tanong nito sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo nang may maalala. “Kung sa library sila pumunta, nakasalubong na dapat natin sila kanina.” Napamaang ito. “That’s right,” anito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD