“Penge ng number niyong magkapatid!” excited na sambit ni Gorgie.
“No,”
mabilis pa sa alas-kuwatrong tanggi ni Graza rito. Nanlalaki ang mga mata
nitong napasulyap sa kaniya.
Parehas
sila ng laman ng isip ni Graza. Isiniwalat lamang nito ang kaniyang kaparehong
reaksyon ngunit nanatili iyon sa loob ng kaniyang isipan.
“But
why?” nagtatakang tanong ni Gorgie rito. Marahil hindi nito inaasahan ang
naging reaksyon ng kapatid niya.
Awtomatikong
nagsalubong ang kilay ni Graza. “Hindi rin naman ako pala-cellphone,” maikling
sagot nito.
“Halah!”
Namaywang si Gorgie sa harapan nito. “Just give me so that I can text and call
you wantusawa,” pamimilit nito.
Mabilis
na nakaiwas si Graza kay Gorgie at nagpunta na lamang sa unahan kung nasaan ang
puwesto ni Emanya. “Ayoko,” pinal na sambit nito bago nakisabay sa paglalakad
kay Ruan.
Napalabi
si Emanya sa kaniyang tabi. “Huwag mo nang pilitin pa, Gorgie. Understand that
all people care about their privacy. Please, respect that,” paliwanag nito sa
kaibigan.
Kagat-labing
napatango naman ang huli. Ngunit agad niyang nabasa ang kakaibang pananahimik
nito bigla.
Inilabas
niya ang phone sa loob ng kaniyang bulsa at hinanap ang kaniyang numero.
Ipinakita niya iyon kay Gorgie. “Hayan ang numero ko, Gorgie. Pangatlo ka nga
lang pala sa pinagbigyan ko niyan,” paliwanag niya rito.
“Ano?”
Nakangiti
siyang tumango rito.
“Wow,
naman!” ngingisi-ngisi nitong pagmamayabang ng tingin kina Ruan at Emanya.
“Narinig niyo ‘yon, guys?”
Inirapan
lamang ito ni Ruan at hindi na pinagtuunan pa ng pansin ni Emanya.
“Don't
brag about it, Gorgie. Merong numero si Graza kay Emrys. Also, me and Emanya
can have it too though,” ani Ruan rito.
Ngayon
ay nanlalantang tingin ang iniukol ni Gorgie sa kaniya. Tila naaping nanahimik
na lamang ito.
Naglalakad
sila ngayon papunta sa library. Kakatapos lamang nilang mag-lunch sa canteen.
Nagyaya si Gorgie na tumambay doon at ubusin ang kanilang lunch break sa
pagtulog.
“Hwah,”
napahikab si Emrys. Inaantok na din siya.
Napakamot
si Ruan at nakasimangot na ipinulupot ang kamay sa kaaniyang braso. “Inaantok
ka rin. Mukhang napagod ka rin sa pagtakbo kanina.” Sinundan nito iyon ng pagak
na tawa.
Naiiling
siyang napatango at saglit na sulyap ang itinapon kay Graza. “Sobra. ”
Napahawak siya sa kaniyang dibdib.
“Pati
ako, hindi na alam ang gagawin kanina pagkatapos malaman na may nag-aaway sa
gitna ng oval,” angil ni Gorgie.
“Gosh,
I'm really sorry,” nanghihina ang boses na paghingi ng tawad ni Graza sa
kanila.
Nagulat
sila bigla nang bumunghalit ng tawa si Emanya. Napalingon sila rito na
ikinabitin ng tawa nito. Gayunpama'y mabilis itong naka-recover at agad na
sumeryoso. “Alam niyo ba,” kagat-labing sabi nito bago nagpatuloy. “Ginisa kami
sa faculty, classroom president lang daw ang maaaring pumasok.”
“Bakit
ngayon mo lang sinabi. Anong nangyari?” kabadong tanong niya rito. Natatakot siya
na baka napagalitan ang mga ito dahil sa kapabayaan niya.
Natahimik si Ruan. Masama ang tingin na iniukol nito kay Emanya.
Hindi na tuluyang nakapagpigil si Emanya at tuluyang napahagalpak ng tawa. “Hahaha. Ganito kasi ‘yan, Ruan pretends to be you but get caught right away!” Pumapalakpak pa ito habang tumatawa.
Napalingon
sila kay Ruan. Pulang-pula ang mga pisngi nitong agad din nitong tinakpan gamit
ng mga palad. “Emanya!” nagtatampong saway nito sa kaibigan.
“Talaga?”
Ayaw maniwala ni Gorgie. Ngunit nagpipigil na ng tawa.
“Argh!”
angil ni Ruan. “Thanks to me at napasa pa rin ang mga activities natin kahit papaano.
It's just that agad nilang napansin dahil ang panyo ni Emanya ang ginamit kong
pantakip sa aking mukha,” nakasimangot na sambit nito.
“Pfft,” nagpipigil ng tawa si Gorgie dahil sa sinabi nito. “I can't imagine. Just, how. Ruan is very detailed when it comes to her fashion. May picture ka ba sa kaniya, Emanya? Gusto kong makita kung ano ang hitsura niya kanina.”
Nagsalubong ang mata ni Ruan dito. “You dare to laugh at me,” banta nito sa kaibigan.
“HAHAHAHA.” At tuluyan na ngang napabunghalit ng tawa si Gorgie. “It was because the mask of Emrys is very iconic. Hindi ako makapaniwalang ginawa mo ‘yon, Ruan!” Umiiling-iling itong napahawak sa tiyan.
Asar na nagsalubong lalo ang mga kilay ni Ruan.
“Shut up, Gorgie! I don't want to think about it anymore.” Tahimik itong nauna maglakad. “Naiisip ko pa lamang, gusto ko nang lumubog mula sa aking kinatatayuan. Argh! Happy?”
Pinandilatan ng mga mata ni Emanya si Gorgie. “Galit na si Ruan. You better shut up your mouth now,” sita nito kay Gorgie sa mababang boses.
Nakalabi naman iyong sinunod ni Gorgie.
Tahimik silang pumasok sa loob ng library. Agad nilang inilapag ang mga bag nila sa mismong counter. Wala namang nagbabantay doon kundi ang librarian ngunit dahil nag-iisa lamang ito, madalas self-disciplined na lamang talaga. Ang mangyayari, kapag may mag-iiwan ng gamit sila na rin ang bahalang kumuha ulit sa counter na accessible naman para sa lahat.
Tahimik na pinanood ni Emrys ang mga kaibigan na idantay ang ulo sa ibabaw ng mahabang lamesang sakop nila. Seryosong matutulog talaga ang mga ito kahit kadarating pa lamang nila.
“Oh, Emrys. Hindi ka ba matutulog?” maang na tanong ni Emanya na ngayon ay prenteng nakapangalumbaba habang nakatutok sa kaniya.
Sabi niya, inaantok na siya ngunit bigla yatang nag-back out ang antok niya at hindi niya na muling maapuhap ngayon.
“Kumusta na nga pala ang tungkol sa forever rose?” tanong ni Emanya sa kaniya. “May nakalap na ba kayong impormasyon tungkol doon?”
Napayuko siya at umiling rito. “Wala, eh.” Ikiniling niya ang kaniyang ulo sa kanan. “Sa pagkakaalam ko, sobrang rare ng bulaklak na ito at kahit sa mga libro'y imposibleng matagpuan.”
“Anong pinag-uusapan niyo?” kunot-noong nag-angat ng paningin si Ruan.
Nagkatinginan silang tatlo nila Emanya at Graza ngunit sa huli'y ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. “Uhmm, just a flower,” tipid niyang sagot rito.
“Did I really heard about forever rose? Anong meron?” si Gorgie na kyuryos na nag-angat ng ulo.
Nilingon ito ni Ruan. “Alam mo kung ano ang forever rose?” tanong nito kay Gorgie.
Napangiti ang huli at tumango. “Of course!” proud nitong sagot at handa nang magkuwento.
“How come na alam mo at hindi ko alam?” gulat na tanong ni Ruan rito.
Nginisihan lamang ni Gorgie ang kaibigan. “You do note, Ruan. Nakakita na rin ako ng forever rose na ‘yon, nuh,” pabirong pagyayabang nito sa kaibigan.
“What?!” laglag ang pangang sambit nilang apat dito.
“Talaga ba, Gorgie?” na-excite siya sa nalaman. “Where did you see it?” Nahigit niya pa ang kaniyang hininga sa nalaman.
“Sa art work ng aking pinsan,” mabilis nitong sagot. “Bakit mo naitatanong, Emrys?” Napakurap ito habang titig na titig sa kaniya.
Naikiling niya ang kaniyang ulo sa kanan. “Sobrang kailangan ko kasi makakalap ng impormasyon tungkol sa forever rose na ‘yon, Gorgie,” malungkot niyang pahayag rito.
Kumunot ang noo ni Gorgie. “Like what?” patuloy na pagkuwestiyon nito.
“I-I,” inilibot niya ang paningin sa mga ito bago nagpatuloy.
“You, what?” maang na tanong ni Ruan.
Huminga siya ng malalim bago inapuhap ang sasabihin. “Ganito kasi, mayroon akong inaalagaan na forever rose. Alam ito ni Graza,” isang makahulugang tingin ang iniukol niya sa kapatid. “Ang lagay kasi, hindi na lamang fifty-fifty ang buhay kundi trenta posyento na lamang ang pag-asang ma-revive sa tantiya namin. Ang kaso nga, I have no idea how to take care of any plants, ‘yong forever rose pa kaya…”
Napanganga si Gorgie. “W-Wow!” hindi makapaniwalang sambit nito.
“Te'ka lang, natulala ka na riyan, Gorgie,” hindi nakatiis na puna ni Ruan kay Gorgie. “Ano ba kasing meron sa forever rose na ‘yon? Honestly, wala alam sa pinag-uusapan niyo.” Tila naguguluhan na ito.
“Same,” ani Emanya.
“Ows?” bahagyang tumaas ang kilay ni Ruan. “Akala ko ba, alam mo na at iyan ang pinag-uusapan niyo kanina ni Emrys?” pakikipag-usyuso nito.
Ipinagkibit-balikat iyon ni Emanya. “No, mali ang iniisip mo, Ruan,” pagtutuwid nito sa kaibigan. “I just knew then that they were looking for the forever rose in books but I don't have any idea about the reason why they are looking for it,” paliwanag nito sa kaibigan.
Natatawang napatango si Ruan. “Nakakatuwa ka talaga, Emanya.”
“Tigilan mo nga ako, Ruan,” saway ni Emanya rito.
“Shhh!” biglang saway ni Gorgie sa kanila at inginuso nito si Graza. “Natutulog na ang ateng niyo,” nakangising sambit nito.
Maging siya man ay nagulat. Natutulog na nga si Graza habang nakadantay ang ulo sa ibabaw ng lamesa.
Napahikab si Gorgie. “Mamaya na lang ulit ‘yan at iidlip na rin muna ako,” anito saka muling idinantay ang ulo sa ibabaw ng lamesa.
“Me too,” tinatamad na sambit ni Emanya.
Natatawang nagkatinginan silang dalawa ni Ruan. Buong akala niya'y sunod itong magpapalam ngunit laking gulat niya nang bigla itong umahon ng tayo. “Nasiyasat niyo na ba ang lahat ng mga libro, rito?” tanong sa kaniya ni Ruan.
Agad siyang napailing. “Konti pa lamang ang nahalahughog namin. Sobrang dami kasi ng libro, eh,” aniya rito.
“Idi tara,” yaya nito sa kaniya nang walang pag-aalinlangan.
Napakurap siya at inilibot ang tingin sa paligid. “S-Sure ka?” nagtatakang tanong niya rito. Tila ba imposible kasi kung papayag ito na tulungan siya.
Aaminin niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya sanay na tinutulungan ng mga ito ng kusa. Maloloka yata siya sa isiping iyon.
Kumaway sina Emrys at Graza sa kanilang mga kaibigan bago tuluyang makapasok sa loob ng service nilang van.
“Ingat kayo!” pahabol na bilin ni Emrys sa mga ito pagkapuwesto niya na ng upo.
“Kayo rin!” ani Gorgie. “Emrys! Text kita mamaya, ha? Hahaha!”
Tumango siya kay Gorgie. “Sureness!” mabilis niyang sagot rito habang ipinagpapatuloy ang pagkaway.
Pagod niyang isinandig sa ibabaw ng head board ang ulo at ipinikit ang mga mata.
“Bakit kasi hindi ka naidlip kanina sa ibabaw ng lamesa?” tanong ni Graza sa kaniya.
“Niyaya nga kasi ako ni Ruan para kumalap ng impormasyon, Graza.”
“O?” kumunot ang noo nito. “May napala ba kayo?” muli nitong tanong.
“Wala talaga,” tipid niyang sagot rito. “Nakakadismaya talaga, Graza. Bakit ba kasi wala tayong libro tungkol doon? Hays!”
“Calm down, Emrys,” pigil nito sa kaniya. “Let's not make it a big deal. I think forever rose is still nourish just like any other plants. Hindi porket once in a lifetime ito tumubo'y mag-oover-think ka na lamang palagi,” seryosong payo nito sa kaniya.
Napayuko siya. “That forever rose grow once in a lifetime only, Graza. At ano na lamang ang mukhang ihaharap ko sa ating Pinuno kapag nakarating sa kaniya ang problemang ito?” nag-aalalang sambit niya sa kapatid.
Hindi agad ito nakaimik. “But you can always explain that you didn't mean it,” pamimilit nito sa kaniya.
Ibinaling niya na lamang ang tingin sa labas ng bintana. “There's nothing to explain,” sarkastiko niyang sagot sa kapatid. “Inaamin kong kasalanan ko iyon. And I'm very willing to accept the consequence. Remember when our parents that maturity hits when we should always shoulder our own mistakes, Graza. Always…”
“I understand, Emrys,” anito. “Ayaw lang kitang makita na masyadong pinoproblema ang mga bagay-bagay.”
“It's not just a thing, Graza.” Napangisi siya. “This was all meant for great things. I just have to bare a little bit longer.”
“Yeah,” anito sabay tapik sa kaniyang balikat nang marahan. “Never stop dreaming.”