“How's school mga anak?” seryoso ang tonong pangangamusta sa kanila ng amang si Luki. Uminom ito ng tubig pagkatapos nang hindi man lang sila tinatapunan ng tingin.
Luki is always like that. Serious on the surface but he's the most caring father for Emrys and Graza. He never failed to do what’s best for the family, especially for his child.
Nagkatinginan silang dalawa ni Graza. Binigyan niya ito ng makahulugang tingin ngunit nakipaglaban lamang ito ng titigan sa kaniya. Nararamdaman niya pa ang marahang pagkalabit ng tuhod nito sa kaniyang hita. Sa huli’y wala siyang nagawa kundi sagutin ang ama.
Hilaw siyang ngumiti sa ama. “Ayos lang naman po, papa,” kabado niyang sagot rito.
“See? I told you so, mahal.” Nakangiting sambit ng inang si Calope sa kanilang ama. Hinawakan nito ang palad ni Luki at masuyong kinausap ang kanilang ama. “May tiwala ako sa mga anak natin mahal dahil pinalaki natin sila nang tama,” pagpapalubag nito ng loob sa ama.
“M-Ma,” kagat-labing sambit niya. Napuno ng pagmamahal ang kaniyang dibdib dahil sa sinabi ng kaniyang inang si Calope. “Makakaasa po kayo ni papa na hindi po namin kayo bibiguin ni Graza.”
Tumikhim ang kanilang ama at ibinaba ang mga hawak na kubyertos sa kamay. Ipinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Graza. “Alam niyo namang malaki rin ang pagtitiwala ko sa inyo mga anak,” ani ng kanilang ama. “Umaasa akong hindi niyo kami bibiguin ng inyong mama.”
Napangiti na siya nang tuluyan dahil sa sinabi ng kaniyang ama. “Tatandaan po namin ‘yan, papa.”
“Makakaasa po kayo,” matipid na sambit ni Graza habang nakayuko sa kaniyang pagkain.
Tumangu-tango ang kanilang ama. “Good to hear that,” anito. Dinampot na muli ang mga kubyertos at nagsalita.
Lumawak ang mabining ngiti sa labi ng kanilang inang si Calope habang nakatitig sa kanilang dalawa ni Graza.
Samantala nanatili namang seryoso ang tingin ng ama sa kanilang dalawa.
“Kumusta naman ang naging pagsasama niyo ni Galena, Emrys?” kyuryos na tanong ng ama habang sumasandok muli ng kanin.
Saglit siyang natigilan. Natatakot siyang sagutin ito. Ngayon na alam niya na kung gaano kalapit sa pamilya ang pinagmulan ni Galena. Sa huli'y wala siyang nagawa kundi sagutin ang tanong nito.
Isang pilit na ngiti ang iginawad niya sa ama. “Ayos lang naman po, pa,” maikli at direkta niyang sagot rito.
Nagulat siya nang ibababa nito muli ang eating utensils na hawak sa ibabaw ng lamesa at pinagsiklop ang mga daliri sa kamay. “What do you mean by ayos lang?” ungkat nito sa kaniya. Nakakunot ang mga noo.
Luki isn't satisfied with her explanation. That's the fact.
But she's far ready with her response. “I already asked for her forgiveness, papa,” nakangiti ng tipid na sagot niya rito.
Sana naman ay hayaan na lamang sila ng kaniyang ama. Ngayong alam niya na ang tunay na katauhan ni Galena, handa na siyang iwasan ito upang wala ng iba pang problema na umusbong. She thinks iyon ang pinakamabisang paraan sa ngayon. Ang paghingi ng tawad sa babae'y isang malaking kalokohan lamang. Ilang beses na nitong ipinamukha sa kaniya na wala itong balak na magkamabutihan silang dalawa. Niloloko niya lamang at ipinapahiya ang sarili sa tuwing lumalapit siya rito.
“Ang tanong, anak, napatawad ka ba ni Galena?” nanantiyang tanong ng kaniyang ama.
Kagat-labi siyang napalunok. “H-Hindi po niya ako pinansin,” may hinanakit sa dibdib na amin niya rito.
Napahugot ito ng isang malalim na hininga at napatangu-tango. “What else can I do? Nangyari na ‘yan, Emrys. Just continue that kind of attitude, anak. Have patience. Mapapatawad ka rin ni Galena,” anito.
Isang alanganing ngiti at tango ang iniukol niya rito.
“Please don't misunderstand my intentions, anak. Huwag sana kayong magtatampo kung napagsasabihan ko man kayo. I just want you to get along with Galena. Matalik naming kaibigan ng mama mo ang mga magulang niya. Kaya naman nais din naming maging mabuti ang turing niyo sa isat-isa, anak.”
Hindi agad siya nakaimik sa sinabi nito.
Naisip niya lamang bakit kailangang siya pa rin ang magpakumbaba gayong biktima lamang naman siya ng pagmamaldita ni Galena? Bakit ba kasi kailangang maging big deal din lahat?
“Emrys?”
Nag-angat siya ng tingin sa kaniyang ina. Malamlam ang mga mata nito. Napakurap siya habang nakatitig dito. “T-Tatandaan ko po ‘yan, pa, ma.” Napatango siya nang hawakan ng kaniyang ina ang kaniyang palad.
Alam niyang ang pagkaistrikto ng ama'y nariyan lamang upang gabayan sila.
Naputol ang malalim na pagmumuni-muni ni Emrys nang may marinig siyang marahan na mga katok sa labas ng pinto ng kaniyang kuwarto.
Hinintay niya iyong magsalita sapagkat may hinala siyang si Graza iyon. Gayunpama'y inunahan niya na ito. Naglakad na siya sa patungo sa likod ng pinto.
“Emrys?”
Iyon ang signal na hinihintay niya. Agad niyang pinagbuksan ng pinto ang kapatid.
Nakapadyama na ito pantulog. Isang malawak na ngiti ang ibinungad nito sa kaniya at dalawang tasa ng mainit na gatas na nakapatong sa tray ang bitbit nito. Tuluyan na rin siyang napangiti.
“Wow naman, Graza!” maang niyang sambit sa kapatid. “Nag-abala ka pa talaga…”
Nangingiti siya.
Inirapan lamang siya nito. “Paano ba naman kasi,” masamang tingin ang iniukol nito sa kaniya bago nagpatuloy, “hindi ka na raw bumaba para inumin ang gatas mo kaya nga heto, ako na mismo ang nagdala ngayon.”
Natigilan siya saglit. Totoo iyon. Pagkatapos kumain kanina'y siya ang unang nagpaalam at nilisan ang hapag-kainan. Gaya ng balak niya'y hindi na siya muling bumaba pa. Nais niya sana munang mapag-isa. But now that Graza's here, she realized, it feels so good not to be alone.
Napasimangot siya. “Mukhang labag pa sa loob mo,” pangongonsensiya niya rito.
Ngumisi lamang ito. “Parang gano'n na nga,” may himig pang-aasar na sambit nito.
“Tsk.” Napairap na lamang siya sa ere at nagkunwaring nagtatampo. Binuhat ang tasa ng gatas sa kaniyang kamay at inihipan iyon.
“Where's Skiah?” tanong nito. Binitbit nito ang natitirang tasa na may lamang gatas at maingat na ibinaba ang tray sa ibabaw ng kaniyang study table.
Tinapunan niya ng sulyap ang kawawang halaman na nasa terrace. Inginuso niya iyon kay Graza. “It was right there, gazing the moonlight,” aniya rito.
Walang imik itong naglakad patungo sa terrace ng kaniyang kuwarto. Tahimik lamang siyang nakasunod dito.
“Anong balita sa amo mong may topak?” kunot-noong tanong nito sa kaniya sabay higop ng mainit na gatas sa baso nito.
Nagkibit siya ng kaniyang balita. “I don't want to talk about him, Graza.”
Nakanguso itong tumatangu-tango. “Aw. Ayaw mo talaga” mariing sambit nito sabay ngisi.
Kumunot ang kaniyang noo dahil sa tono ng pananalita ni Graza. “Ano pa nga ba, Graza? Walang nakakatuwa sa lalaking ‘yon!”
Nananantiyang tingin ang iniukol ng kapatid sa kaniya. “You know what?”
“Ano, Graza?” Kinabahan naman siya sa tono ng pagsasalita nito.
“Masyado yatang umiinit ang ulo mo pagdating kay Gila. Nakakapagtaka naman yata, ‘yan. Remember, you're the one indebted to him. Ikaw ang nakaatraso sa tao, Emrys,” makahulugang paalala ng kapatid sa kaniya. Kilala niya ang kapatid. Ayaw nitong magkaroon ng dipekto ang pakikipagkapwa niya kaninuman.
Napasimangot siya. “Hindi ko naman kinakalimutan ‘yon, Graza. Isa pa, he's not human-"
“Werewolves,” maagap nitong pagtutuwid sa sarili. “I knew.”
Nakonsensiya sa kaniyang inasal. Mabuti na lamang at naipaalala ni Graza sa kaniya ang ugali bago niya pa madagdagan ang iba pang mali sa tinuran.
“P-Pasensiya ka na, Graza. Honestly, nasabi ko lamang ‘yon hindi dahil sinisisi ko si Gila. Ang totoo niyan, pinagsisihan kong sumama papunta sa bahay nila ng gabing iyon. Hindi na sana nangyari ‘yon kay Skiah. Ayaw ko lamang isipin ngayon ang atraso ko sa kaniya. Nakita mo naman, hanggang ngayon. Hindi pa rin tumutubo ang forever rose. Makokonsensiya lamang ako katulad ngayon. I feel so hopeless.” Nanlulumo siyang napayuko.
Ibinaba nito ang hawak na tasa sa terrace.
Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kaniyang likod. “Hindi mo kailangang manghingi ng pasensiya sa'kin, Emrys. Nais ko lamang na harapin mo ang problema. Huwag mong isarado ang isipan mo sa maaaring mangyari. Nag-aalala lamang ako sa'yo. Paano kung bigla kayong magkita muli ni Gila? Anong gagawin mo? The problem will always be there, you have to prepare yourself.”
“T-Tatandaan ko ‘yan, Graza,” nakakaintinding tugon niya sa kapatid. Humigpit ang pagkakahawak niya sa baso ng gatas. “A-Aaminin ko sa kaniya ang buong katotohanan kapag nagkita kami. Skiah needs more health attention, kailangan niya ng isang expert just like Gila.”
Ngumiti sa kaniya si Graza. “That's it, Emrys! I'm proud of you.” Tinapik siya nito nang marahan sa balikat.
Naiiyak siyang tumingin sa kapatid. Sobrang suwerte niya talaga at nariyan si Graza. “H-Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka,” kagat-labing sambit niya rito. “Hulog ka talaga ng langit sa'kin.” Inilapag niya ang hawak na baso sa gilid at niyakap niya ito nang mahigpit.
“Grabe ka naman sa hulog ng langit,” anito.
Sumeryoso ito bigla at hinarap siya. May balak sabihin. “Gusto kitang kausapin para sa isang bagay,” nag-aalinlangang sambit nito.
“Ano ‘yon?”
Pinagsiklop nito ang mga daliri sa kamay. “Anong masasabi mo sa mga bago nating kaibigan?” kyuryos nitong tanong.
Lumawak ang kaniyang ngiti. Hindi pa nga pala sila nakakapag-usap tungkol sa bagay na iyon.
“I can't believe I have friends now, Graza,” nandidilat ang mga matang kuwento niya rito. “I love them so much! Ikaw ba?” tanong niya sa kapatid. Ipinalibot niya ang mga kamay sa baywang nito.
Alam niyang may nais itong sabihin.
Titig na titig ito sa kaniya. “What about, Galena?” ungkat nito na ikinalaki ng mga mata niya.
Hayon lang naman pala ang tinutukoy nito. Nahulog siya sa isang malalim na pag-iisip.
Marami siyang masasayang alaala mula sa kaniyang childhood memories kung saan buhat buhat siya ng kaniyang Ninang Winona. Natatandaan niyang medyo mahinhin ito at sadyang mabini magsalita. Gustong-gusto niya ito lalo na kapag titirintasin nito ang kaniyang buhok. Samantalang wala naman siyang masyadong alaala sa kaniyang Ninong Lukas. Marahil iyon ay sa kadahilanang gaya ng kaniyang ama ay abala ito palagi sa trabaho.
Pinagsiklop niya ang kaniyang mga daliri sa kamay. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. “Magkaibang-magkaiba kami ng lugar na ginagalawan ng babaeng iyon, Graza.” Napahalukipkip siya. “A popular girl like her, living her wonderful life in the limelight would never wish to associate a slightest thing with me.”
Kung may isang bagay man siyang natutunan sa maikling oras na pananalagi sa Luna College, iyon ay walang iba kundi ang maging maingat sa mga pakikisamahan. Hindi lahat ng nasa taas ay dapat tingalain. Kailangan mong maging matatag at makipagsabayan sa iba pang mga mag-aaral. Sa ngayon, iniisip niya na lamang na kung nakaya nga ng mga ito, sila pa kaya ni Graza. Alam niyang kakayanin din nila.
Nakakaintinding tumango si Graza at marahang hinaplos ang kaniyang balikat. “Everything can happen and change, Emrys. What if one day, biglang nagbago ang ihip ng hangin at pilit na makipaglapit sa’yo ang Galena na iyon? Hmnn… Pagbibigyan mo ba siya?” makahulugang tingin ang iniukol nito sa kaniya habang matamang pinag-aaralan ang kaniyang reaksyon sa mismong tanong nito.
Napalunok siya. It was a tricky question. Mabuti na lamang at kay Graza lamang iyon nagmula. Ang kaniyang ama agad ang kaniyang naisip. Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman ang malaking kagustuhan ng ama na magkasundo silang tatlo nila Galena.
Tumikhim siya at saglit na natulala sa kalangitan. “I guess, kung mararamdaman ko na sincere naman siya, I can atleast give her the benefit of the doubt, Graza. Hindi naman lahat ng pagkakaibigan ay nagsimula sa magandang ugnayan ng bawat-isa, ‘diba? Bago ko makapalagayan ng loob si Emanya, napagkamalan muna niya akong magna. Sina Ruan at Gorgie, buong akala ko spoiled brat at war freak sila na hindi ko rin marireach but look at us right now. I’m not closing the door, Graza… Sa huli nasa kanila kung sasamantalhin nila ang kabaitan ko. Well, we can always burn the bridge when we get there.”
Ilang minuto na ang nakalilipas nang magpaalam na si Graza upang magpahinga ngunit narito pa rin siya sa terrace ng kaniyang kuwarto at nagmumuni-muni.
“Paano ba ‘yan, Skiah?” kausap niya sa inosenteng forever rose. “Matutulog na ako. Magpahinga ka na rin at magpalakas. Kailangan mong lumago ulit upang hindi ako giyerahin ng amo mo kapag nagkita muli kami—”
“Hahihehohu, pakisabi sa isang misteryosong binibini, hahihehohu, mula sa bayan ng Aswun, hahihehohu, dinggin ang panawagan ko!”
“Huh?” Kumunot ang kaniyang noo pagkarinig niya sa kaniyang ringtone. Lubos niyang ipinagtaka kung sinuman ang tumatawag sa number niya sa dis-oras ng gabing ito.
Naglakad siya palapit sa lamesa na nasa gilid ng kaniyang kama ngunit bago niya pa man damputin ang tawag ay biglang mamatay. “Ay, lobat!” nakangiwing sambit niya. Naikiling niya ang kaniyang ulo sa kanan. Icha-charge niya sana iyon nang maalala niyang wala nga pala ang charger. Hiniram nga pala iyon ni Graza noong isang araw.