“Kumusta sa school niyo, Emrys?” kapagdako’y tanong ni Gila sa kaniya habang ang tingin ay nanatili sa daan.
Seryoso itong nagmamaneho nang sulyapan niya ito kanina.
“Mabuti naman at naitatanong mo… Alam mo ba, pumayag na si Graza na sumali ako sa contest. Iyon nga lamang, ibang usapin pa rin ang pagtutol ng aming magulang.”
“You mean, hindi mo pa rin napapapayag ang magulang mo?” tanong nito.
Kagat-labi siyang nagpakawala ng isang malalim na hininga. “Yes,” ani niya. “Tama ka riyan. Hindi pa nga rin sila pumapayag at parang ayaw ko na rin namang umasa sapagkat nasisiguro kong hindi ko na sila mapapapayag.”
“Their strictness might sound ridiculous to us but they are still our parents after all, and they knew the most what is the best for us,” mahabang paliwanag nito.
Nanliliit ang kaniyang mga mata. “Bakit ba napakatalinhaga mo? Kung magsalita ka, para bang naiintindihan mo ang lahat ng bagay. Infairness, hindi ka bias kausap.”
Tinawanan lamang siya nito. “Ayaw mo niyon? At least ako, nagsasabi ako nang totoo kausap. Pasensiya ka na pero ganito na talaga ako. Pretending isn’t my cup of tea.”
Lihim siyang napabilib sa sinabi ng lalaki. She make a mental notes about it.
“Naiintindihan kita, Gila,” pagsang-ayon niya rito. “Minsan nakakasakal lamang na magkaroon ng parents na over-protective. Hind ba gano’n ang parents mo?”
Nagkibit-balikat lamang ito. “My parents were far a little different from yours, Emrys. They let us enjoy the life we have but the key is to not forget our purpose. Sa kanila ko natutunan na hindi lahat ng bagay ay nakasalalay sa pera.”
Paano nito nagagawang mag-drive at magsalita nang gano’n kaseryoso? Tapos lahat pa ng sinasabi nito ay may sense.
Tama nga siya. Gila is so matured. Kaya marahil walang duda na madaming humahanga sa lalaki sa’n man ito magpunta. Tunay nga na matunog ang pangalan nito. Kahit naman siguro sino ay hahanga sa lalaki.
Nag-umpisa man sila nito sa nakakatawang hindi pagkakaunawaan, masaya siya at masasabi niyang nauwi sila nito sa tunay na pagkakaibigan.
“You're right,” nananamlay na pagsang-ayon niya rito. “Sigurado iyon dahil din ito sa kapwa kaming mga babae magkapatid. Iba ang paraan ng pagpapalaki nila sa amin dahil nakatakda kaming maging Luna.” Natulala na siya. Lumipad ang kaniyang isipan sa napalaking responsibilidad na nakaatang sa kaniyang balikat.
“Luna?” may naglarong ngiti sa gilid ng labi nito. “I can't imagine that yet. Isang nene ang magiging Luna balang-araw at ikaw ‘yon, Emrys.” Nagpakawala ito ng isang masayang tawa kapagdako. “Pamamahalaan mo ang aasawain ka ng isang alpha.”
Inirapan niya ito nang wala sa oras. “Magiging ninong ka ng mga royal kids ko,” pang-aasar niya rito.
“Paano mo nasasabi ‘yan?” nakatawang tanong nito sa kaniya.
Napamaang siya. “Bakit ayaw mo bang maging ninong mga anak ko?”
Sumeryoso ito bigla at inayos ang pagsandig sa headboard ng sasakyan. “Pag-iisipan ko muna,” anito.
Natatawang napailing siya. “Ang oa mo, Gila! May nalalaman ka pa na pag-iisipan ko kunwari. Dami mong alam. Pumayag ka na lamang at para naman sosyal din ang ninong ng mga anak ko.”
“Ang bata-bata mo pa, Emrys… Tungkol sa anak na agad ang pinaplano mo. Magplano ka kaya muna kung paano ka makakapikot ng isang lalaking magpapatali sa'yo,” nakangising pang-aasar nito sa kaniya.
Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. “Ewan ko nga sa'yo… ang dumi na bigla ng iniisip mo!” saway niya rito.
“I-I'm sorry,” bahagya itong nataranta.
“Ayos lang,” awat nito sa kaniya. “Basta sa sunod, huwag mo nang uulitin.” Itinuon niya na lamang ang tingin sa labas ng bintana.
Ilang minuto ang lumipas, nagulat siya nang mag-iba ito ng daan. Pagkataranta ang una niyang naging reaksyon. “Sa'n ba tayo pupunta? This isn't the way to our house, Gila,” kunot-noong angil niya sa lalaki.
Presko itong tumawa. “Easy, easy ka lang, Emrys… Nagpaalam na ako sa papa mo. Sabi niya, isama na lamang daw kita kung nais kong dumaan sa napakasikat na plaza niyo. Balita ko, marami raw masasarap na pagkain doon.”
“Seryoso ka ba?” paniniguro niya rito.
“Oo. Si Graza nga dapat ang isasama ko ngunit makulit ang papa mo. Ikaw na lamang daw ang dalhin ko at mas marami kang nalalaman tungkol doon,” paliwanag nito.
Iyon naman pala ang rason. Totoo naman kasi talaga ang sinabi ng papa niya. Siya ang madalas na tumambay doon nang patago.
Napatango siya rito. “Tama naman ang sinabi ni papa. Don't worry, sasamahan kita basta mangako ka na saglit lamang tayo at gusto ko nang magpahinga. I'm so tired,” ani niya.
“I see,” anito. “Saglit lamang talaga tayo.” Mas lumawak ang pagkakangiti nito.
Nawala pa nga sila at hindi niya alam ang daan patungo sa ihawan na iyon. Buong akala niya kanina'y alam na nito. Tuloy ay umasa lamang siya sa wala.
Pagkadating nila… Ilang segundo ang makalipas ay natulala siya sapagkat hindi niya inaasahan na alinlangan ang mababasa niya sa mukha nito.
“Are you sure you still want to do this, Gila?” nanliliit ang mga matang tanong niya rito.
Hilaw na tawa ang rumehistro sa labi nito. “This might be sound stupid but I trust you,” anito.
“Ano bang pinagsasabi mo riyan?” nanliliit ang mga matang tanong niya rito. “Halika na nga kasi rito!”
Agad naman itong tumalima. Bumaba na ito ng bukas na sasakyan at sinabayan siya palasol sa mga ihawan. Nais daw kasi nitong maranasan iyon ngunit sa gulat niyang medyo nag-alinlangan pagkakita sa plastar ng mga pagkain.
“Order ka na muna!” medyo lumakas ang kaniyang boses sa pag-utos dito sapagkat malakas ang patugtog.
“Ha?” itinuro nito ang sariling tainga kaya naman nakalabing lumapit siya rito at binulungan ito nang maayos.
“Mag-order muna tayo!” malakas ang boses na utos niya rito.
Nakakaintindi naman itong tumango at siya ulit ang binulungan. “Gusto ko ‘yong isaw. Masarap ba ‘yan? Pati ang hotdog…”
Nakangiti siyang napatango. Kinalabit niya ang nagbabantay. Kumuha siya ng sampong piraso na isaw, sampong taba at sampong laman. “Heto lamang lahat ang amin,” ani niya rito. Inilapag niyo iyon sa gilid ng bakanteng ihawan.
“Sige ho,” mariing sambit nito.
Tumango naman ito sa kaniya at sinenyasan siyang mag-ihaw na.
Binigyan pa siya nito ng upuan para sa pag-ulo niniya habang nag-iihaw siya ay makapagpahinga raw siya kapag nahito. Sinenyasan niya ang lalaki na humakbang palapit sa kaniya. Sumunod naman ito. “Maupo ka muna riyan at magluluto na ako,” utos niya rito sa mahinang boses.
“Anong maitutulong ko?” bagkus ay tanong niya rito.
Hindi naman agad siya nakaimik. “Madali na lamang ito, Gila. Maghintay ka lang muna talaga saglit…”
Napatango ito at inagaw sa kaniya ang pamaypay. “Ako naman,” giit nito sa kaniya.
Proud siyang ngumiti rito at tumango. “Have a try,” sang-ayon niya.
Tawang-tawa siya. Sino ba naman kasi ito para magsipag sa lugar na ito? He's an alpha for heaven's sake!
“You have to make it fast para naman makakakain na tayo agad!” paalala niya rito.
Walang duda na naiintindihan nito ang ipinapagawa niya sapagkat wala pang limang minuto ay luto na ang mga ipinapaihaw niya.
“Ate!” tawag niya sa nagbabantay na ngayon ay ngingiti-ngiti sa kachat ito.
“Tapos na?” Lumawak ang mga mata nito.
“Yes,” maagap niyang sagot sa babae. “Magkano nga pala lahat?”
“Three hundred lahat,’ mabilis nitong sagot.
“Thank you!” she mouthed sabay kuha sa kaniyang wallet ng saktong pera na iaabot niya sa babae na pambayad.
Ngunit isang kamay ang maagap na tumiklop ng kaniyang wallet. “Girlfriend ko lamang ang pinagbabayad ko ng dates namin .”
Kinuha nga ng babae ang perang inabot ni Gila. “Thank you!” Iyon lamang at naglakad na ito paalis.
“Ah, gano'n pala, Gila?” nanliliit ang mga matang tanong niya sa lalaki. “Hindi nga ba at karapatan niyo namang dalawa na ilibre ang isa't-isa?”
Hindi naman agad ito nakapagsalita. “Basta, being my girlfriend is different.”
Napatango naman siya. “Paano ba ‘yan, napakadami mo pa namang girlfriends, right?” nang-uurok na tingin niyang tanong dito.
Kumindat lamang ito sa kaniya at sinenyasan siyang huwag mag-ingay. “Shhh! Baka maidyaryo.” Sinundan nito iyon ng nakakalokang tawa.
“Sabi nila, lahat daw ng panganay na lalaki'y kasing guwapo ng tatay nila pero sa palagay mo… Saan mo namana ‘yang pagkababaero mo?” prangkang pakikipag-usyuso niya rito.
Nangingiti siya habang pinagmamasdan itong mag-isip. Kumagat lamang ito ng isang hiwa ng karne at agad iyong kinain pagkatapos isawsaw sa timpladong suka.
“Konting gifted lamang siguro at siyempre hindi mawawala ang katotohanan na may pamana si dad sa talent ko na ito,” mayabang na saad nito.
Napangiwi siya at napairap sa ere. “Alam mo ba? Ang yabang mo,” mariing sambit niya rito.
“Hindi ah,” mariing tanggi nito.
Nakaisang stick na rin siya ng isaw. Iyon talaga kasi ang paborito niya. “You should try this one,” aniya. Itinaas niya rito ang hawak na isaw.
Hindi naman ito agad nakaimik ngunit sinunod nga ang ipinag-uutos niya.
Natawa siya sa cute reaction nito pagkagat sa isaw. “Hoy, masarap ba?” pangangamusta niya rito.
Hindi naman agad ito nagsalita. Ninanamnam ang kinakain. Marahil nilalasahan nito iyon nang maigi.
Kapagdako ay nagsalita na muli ito. “This is tasty!” nasasarapang sambit nito. “You are really right. Masarap nga ang isang ito.” Nakatangong saad nito sa kaniya.
Napatakip siya sa kaniyang bibig bago pa siya mapabunghalit nang tuluyan ng tawa.
“Anong inginingiti-ngiti mo riyan?” saway sa kaniya ni Gila kapagdako.
Napangisi siya. “Sinong maniniwala na ang isang Crown Alpha na kagaya mo ay kumakain pala ng isaw diyan sa tabi-tabi?” tinawanan niya ito.
Taas-noo itong nagsalita. “Huwag kang maingay, mamaya may makarinig sa'yo at maging laman pa ako ng pahayagan bukas,” nakangising saad nito.
“Siraulo,” ingos niya rito saka nagpatuloy sa pagkain.
“Hindi ka na makatayo riyan,” puna sa kaniya ni Gila nang halos tamarin na siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan.
Iba ang pakiramdam niya. Awtomatikong nag-shift ang kaniyang mood at kakaiba ang sakit na dulot ng kaniyang tiyan.
“E-Ewan ko ba,” naikiling niya ang kaniyang ulo sa bandang kanan.
“Bakit pinagpapawisan ka nang marami, Emrys? May masakit ba sa'yo?” bigla itong nataranta.
Pinilit niyang ngumiti rito at umiling. “Hindi, ayos lang naman ako… Huwag ka po masyadong mag-aalala. Tara na nga pala?” yaya niya rito.
Sinubukan niyang tumayo ngunit muntikan na siyang mabuwal. Mabuti na lamang at maagap siyang nasalo ni Gila na nakaalalay lamang pala sa kaniya.
“Ops!” he panicked.
“Pasensiya ka na, Gila… Biglaan kasi akong nahilo,” sapo ang ulo na sambit nito.
Nawala ang kislap sa mga mata nito. Ang ngiti na kanina'y nakaukit sa mga labi nito ay nabura na rin bigla. “It seems like you are not okay, Emrys… Let me carry you.”
“No n-eed-"
Ngunit naudlot ang sinasabi niya nang muli siyang makaramdam ng panghihina. “A-Aray!” napaigik siya sa sobrang sakit na kaniyang nadama.
“Anong masakit sa'yo?!” Dali-dali siya nitong inilagay sa front seat at sinuotan ng seatbelt.
Mabilis ang mga kilos nito kahit na mababanaag sa mga mata nito ang panic ay ginawa nito ang lahat upang manatiling kalmado.
“Dalhin na ba kita sa hospital?” tanong nito sa kaniya kapagdako. Mabilis na nitong pinaandar ang sasakyan.
Napahawak siya sa kamay nito at napailing. “No, just sent me home… They knew what to do.”
Mabilis naman itong napatango. “I would…”
Binuhat muli siya ni Gila pagkarating nila sa mansion ngunit hindi na siya umangal pa.
“What happened, Gila?” seryosong tinig na tanong ng kaniyang ama ang agad na sumalubong sa kanila.
“Pauwi na po kami pagkatapos namin kumain sa isaw-isaw nang bigla na lamang siyang nahihirapan,” mahabang pahayag nito.