“Okay, hijo…” Mahinahong sambit ni Delta Luki sa kaniya pagkatapos nitong malaman ang buong paliwanag niya. “She'll be fine. Ang mga nurse na rin ang bahala sa kaniya.”
Hindi agad iyon naintindihan ni Gila. Naguguluhan pa rin siya kung bakit gano'n na lamang ang nangyari kay Emrys. She was just fine with him a while ago then right after a second, that's what will going to happen.
“Kumalma ka lamang hijo,” aniya ng ina ni Emrys. Maging ito ay hindi man lamang kababakasan ng pag-aalala. “You bring her home safely. Wala kang dapat ipag-alala. Ang nararamdaman ni Emrys, normal na lamang iyon sa aming babae, Crown Alpha.”
Bahagya siyang natigilan. Normal? Ibig ba nitong sabihin ay iyong palaging rason kung bakit may mga pagkakataon noon na ayaw lumabas ni Evermore at makipaglaro sa kaniya?
Natahimik na lamang siya.
“Naintindihan mo na ba, Gila?” tanong sa kaniya ng alpha.
Namumula ang magkabilang pisngi ni Gila. “Saglit lamang po, may naiwan lamang ako na gamit ni Emrys sa loob ng kotse.”
“Sige,” anito. “Bilisan mo hijo at kakain na tayo.” Pahabol na bilin ng alpha.
Maang siyang napailing pagkarating niya sa loob ng sasakyan. So that's the reason. Naikiling niya nang bahagya ang kaniyang ulo sa kanan. “Nakakatawa ka, Gila.” Mahina niyang inumpong ang ulo sa manibela.
Ngayon pa lamang nangyari iyon sa kaniya. Takot na takot siya at sobrang lakas ng kabog ng kaba sa kaniyang dibdib.
It might sound ridiculous ngunit iyon ang totoo.
Humugot siya ng isang malalim na hininga. “Breath in, breath out. Just act normal, bro.” Pinilit niya ang sarili na mangiti pagkatapos.
Binitbit niya ang naiwang purse ni Emrys sa ibabaw ng bakanteng upuan ng kaniyang sasakyan saka bumaba.
Ang kapatid ni Emrys na si Graza agad ang kaniyang namataan sa gilid ng pader. Prente itong nakasandal doon na animu'y may hinihintay habang nakapamulsa.
“Are you waiting for me?” nanliliit ang mga matang tanong niya rito.
Mataray na tingin nito ang dumako sa kaniya. “Akin na ‘yan. Ipinapasabi Nga pala ni mama na hinihintay ka nila sa sala.” Iyon lamang at tumikod na ito bitbit ang purse ni Emrys.
“But wait,” mabilis niyang pigil dito. “Kumusta nga pala ang kalagayan ni Emrys?” hindi nakatiis na pahabol niyang tanong dito.
Maang na tingin ang iniukol sa kaniua ng babae. “Don't worry,” anito. “My sister Emrys, she's totally fine. Kailangan niya lamang makapagpahinga at bukas ay makakapasok pa rin naman agad siya sa school.” Naappreciate niya ang mahaba at specific nitong paliwanag sa kaniya.
Iyon lamang at naglakad na paalis ang kapatid nito. Seryoso niya na lamang itong inihatid ng tingin.
“Hijo, come here… Join us!” nakangiting tawag sa kaniya ng ama ni Emrys na si Delta Luki at ng asawa nitong Tita Calope niya.
Hiya. Iyon ang unang kumain sa kaniyang isipan pagkabungad niya sa sala.
Tinanggal niya ang kaniyang relo at ibinulsa iyon pagkatapos niyang maupo.
“How did you know na mayroon kaming isang nalalapit na contest para sa mga Luna? I wonder.” Prenteng tanong ni Delta Luki sa kaniya habang humihigop ng tsaa nito.
“Honestly, tito…” Nanliliit ang kaniyang mga mata dahil sa narinig. “That thing… Emrys told me about it.”
Napalunok ang ina ni Emrys at napainom sa sarili nitong hawak na baso. Bahagya itong hindi naging komportable sa narinig.
“She’s so close to you, Gila,” naiiling na sambit ng alpha. “I still remember that first time I brought her to your house. That's the first time she say yes to us without questioning everything. At masaya ako, hijo, na nagiging mas malapit pa kayo sa isa't-isa.” Tumango ito saka isinenyas ang mga pagkain.
Sumunod naman siya sa paanyaya nito. Nagsandok siya ng kanin sa sariling plato ngunit nanatili siyang walang imik. Ayaw niyang basta na lamang magsalita. Hindi niya alam ang lahat ng kuwento sa buhay ni Emrys kaya naman natatakot siyang maging madaldal sa harapan ng magulang nito.
“Emrys is such a good friend to everyone, tito… Hindi siya mahirap pakisamahan.”
Napatango naman ang matanda. “That's the mostly unlikely to hear from someone, hijo, ngunit coming from you? I'm so glad to hear that.” Napangiti na ang ama ni Emrys samantalang ang ina nito ay nanatiling seryoso ang tingin.
“Magugulat ka, tito, halos lahat ng kaibigan ni Emrys ay natutuwa sa kaniya. Puwera na lamang doon sa Galena na iyon at ilang beses na siyang pilit ipinapahiya o sinasaktan ng babaeng iyon,” naiiling na sambit niya. Pinatunog niya pa talaga ang kaniyang bibig upang mas maging kapani-paniwala.
“Anong sabi mo, hijo?” Inilapag nito ang hawak na baso sa ibabaw ng lamesa at hinarap siya.
Maang siyang natigilan sa naging reaksyon ng mga ito. Nagkunwari siyang nagulat sa huli. Mukhang ito na ang panibagong pagkakataon na matulungan niya si Emrys. “A-Ah,” nagkunwari siyang gulat din sa sarili niyang sinabi.
Kung ayaw ng mga ito paniwalaan si Emrys, siya mismo ang gagawa ngayon ng paraan upang mapaniwalaan ito ng lahat. Gagamitin niya ang kaniyang posisyon, kapangyarihan at tiwala ng lahat sa kaniya upang matulungan niya lamang ang babae.
“Tapos?” seryosong tanong ng ama nito kapagdako sa kaniya.
“Konti lamang po ang nalalaman ko. Isa pa po, nagkukuwento lamang naman si Emrys kapag nasasaktan siya… Maaaring mas maraming nalalaman ang kaniyang kapatid kaysa sa akin. Heto, delta, isa lamang po ang masisiguro ko. Both of your daughters had already experienced the effect of bullying,” ani niya rito sa seryosong tono.
“Lanie,” mahinahong tawag nito sa katulong. “Tawagin mo si Graza ngayon din. Sabihin mo na kailangan ko siyang makausap para sa isang napakaimportanteng bagay…”
Iyon ang kaniyang narinig nang tumayo ang delta at kinausap ang katulong.
“Hijo,” untag sa ng ginang sa kaniyang harapan na lihim niyang ikinagulat.
“Yes, Luna Calope?” nakangiting sagot niya rito.
Habang pinagmamasdan niya ang mukha ng ina ni Emrys, naiimagine niya na agad pagtanda ng dalaga. Pero sino nga ba ang mas kamukha nito? Si Emrys o si mare?