“What is it, papa?” mumukat-mukat na tanong ni Graza pagkababa nito sa hapagkainan.
Seryosong napalunok si Gila nang lumipad ang matalim na tingin ng kapatid ni Emrys sa kaniya.
Awtomatiko siyang nag-iwas ng tingin at nagmaang-maangan.
Ang tingin naman ni Luki ay nagpapalit-palit sa dalawa. Agad nitong nahinuha ang tensyon sa bawat isa kaya naman agad itong nakaisip nang magandang paraan.
Nagpunas ng labi ang ama ni Emrys at agad na tumayo. “Maiwan ka na muna rito Gila, nariyan naman ang iyong Tita Calope… At ikaw naman, Graza. You'll follow me to my office right now. We have much of something important to tali about.”
“Mahal, ikaw na muna ang bahala sa ating panauhin, ha?” bilin nito sa asawa.
Masuyong ngumiti si Calope sa asawa. “Huwag kang mag-alala, mahal. Marami pa kaming puwedeng pagkuwentuhan nitong si Gila,” ani ng ginang sabay tapon ng magaang ngiti sa kaniya.
Isang maikling ngiti naman ang isinagot niya rito. Ang awkward naman. Ano ba namaan kasi ang ginagawa niya rito?
Awkward. Iyon ang pinaka nakakakababang salita niya ngayon. Hindi siya sanay sa ganito. Daig niya pa ang aakyat ng ligaw at kailangan niya pang makausap ang magulang ng babaeng pupuntahan. Muntikan na siyang matawa sa sarili niyang joke.
“Ang suwerte ng magulang mo, nuh, Gila?” nakangiting tanong ng ina ni Emrys. “Napakasipag mo sa magtrabaho. I heard, ten years old ka raw nang mag-umpisa kang pumasok sa inyong kompanya, hijo?” nanliliit ang mga matang tanong nito sa kaniya.
Ang kaniyang malawak na ngiti kanina ay bahagyang kumapos pagkarinig sa ipinahayag ng ginang ngunit hindi niya iyon ipinahalata rito.
“That's right po, tita…” Tumabang ang kaniyang ekspresyon dahil sa sinabi ng ginang.
“Alam mo ba, hijo, marahil kung nabuhay ang unang anak namin noon ng tito mo… Marahil kasing edad mo na rin siya ngayon.”
Napukaw ang buong atensyon niya dahil sa kaniyang narinig.
“H-Hindi ko po alam, pasensiya na po…” Bigla siyang nalungkot para sa ginang.
Ngunit matapang na ngiti lamang ang ipinakita nito sa kaniya. “It's okay, hijo… You don't have to feel sorry. Matagal na ang nakalilipas. We already moved on from it ngunit kahit kailan ay ramdam kong nariyan lamang siya at hindi ako iniwan maging sa aking panaginip.” Nakangiti ito nang malawak.
“Alam po ba ito ni Emrys?” lakas-loob niyang tanong sa babae.
Agad naman itong napatango. “Wala kaming inilihim sa kanilang magkakapatid, hijo. Gano'n namin sila pinalaki para naman hindi dumating ang araw na sa'min naman sila maglilihim.”
Napatango siya dahil sa sinabi nito. “I see, napalaki niyo po nang maayos ang mga anak niyo,” anito.
Napangiti ito sa kaniya. Maging ang mga mata nito. “Salamat hijo. Kahit ang mga magulang mo rin. Bilib ako sa paraan ng pagpapalaki niya sa inyo ng iyong kapatid.”
Tipid siyang ngumiti rito. “Salamat po.” Kung alam niyo lamang po sana kung paano kami pinalaki ng aming magulang.
“May girlfriend ka na ba, hijo?” kapagdako'y tanong ng ginang sa kaniya.
Seryoso siyang umiling dito. “Wala po,” nakatawang tanggi niya rito. Marahil kung nandito lamang si Emrys ay tinawanan na siya nito nang big time at nasabihan na siya ng sinungaling.
Nakangiti itong napailing. “Huwag kang mahiyang aminin sa akin ang totoo, hijo. Alam kong meron.”
Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa mukha ng ginang. “P-Po?” maang niyang sambit. “Wala po talaga… Kung meron man, fling lang.”
“See?” nakangiting sambit nito sa kaniya. “Inamin mo rin. Lalaki ka nga talaga. Alam mo bang kahit ang ama mo noong kabataan ay napapabalitang babaero rin gaya mo ngayon, hijo. Nag-aaral pa lamang kami noon pero tanyag ang iyong ama sa kabuuang Hanyas.” Mahabang kuwento nito.
Nabigla siya sa kaniyang nalaman. “Is that true, tita?”
“Totoo ang sinasabi ko sa'yo, hijo, ngunit dumating ang iyong mama at nakahanap ng katapat ang iyong ama,” dugtong nito at pagak na natawa sa bandang huli.
Maging siya man ay natawa na sa kuwento nito. “Is it always like that, tita? May isang tao na bigla na lamang darating at makakapagpabago ng buhay mo?” seryosong tanong niya sa ginang.
Ngunit umiling lamang ito. “Not exactly, may darating hijo at kusa kang magbabago para maibigay lamang sa kaniya ang best because when the right love steps in, nothing will deserves both of the best world rather than she.”
Matagal bago siya nakaimik. Pinagnilay-nilayan niya ang sinabi nito.
Pagak na tawa ang pinakawalan ng ginang. “Huwag kang masyado mag-overthink, hijo… You said currently, you have many flings… Right to say na attracted ka pa rin to many so don't stress yourself over what I have said kasi hindi mo pa naman siya nakikilala. And if you come to know her, you'll just have to know that she's the one.”
Napatango siya sa ginang. “Gano'n din daw po ba noong mainlove si Delta Luki sa inyo?” nanliliit ang mga mata na ungkat niya sa ginang.
Nakampante na yata siya sa pagtanong sa ginang at nawalan na ng preno ang kaniyang bibig.
Gayunpama'y kinapalan niya na talaga ang kaniyang mukha at hinintay ang sagot nito.
“Our case is different,” anito. Itinuon nito ang tingin niya sa hawak na kutsarang pinapaikot na ngayon sa kamay nito. “Hindi talaga ako ang nagpabago sa Tito Luki mo kundi ang bestfriend ko.”
Hindi niya inaasahan ang kaniyang narinig. Tuloy ay awtomatikong pumasok sa kaniyang isipan si Evermore.
Naikiling niya ang kaniyang ulo sa kanan. “I think tita, magkakaiba po talaga… I just wish na kung darating man ang babaeng iyon ay hindi na siya mawawala pa,” puno ng damdamin na pahayag niya sa ginang.
Ngumiti naman ito sa kaniya. “That's right, hijo!” komento nito sa kaniya.
“Siya nga pala, hijo… May importante sana akong nais malaman. Nakita mo na ba ang aking anak na si Emrys na binubully ng actual na grupo ni Galena?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya.
Tumango siya sa ginang. “Isang beses po sa party… May lalaking nambastos kay Emrys at hinarass ang anak ninyo sa publiko. Pilit niyang niyayaya si Emrys na sumayaw ngunit mariing tumanggi ang anak niyo.”
Kumunot ang noo ng ginang. “Anong kinalaman ni Galena roon, Gila?” nanliliit ang mga matang nito sa kaniya.
Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga bago sinagot ito. “Pinaimbestihan ko ang lalaki sa pagbabakasalaking may makukuha po ako na impormasyon at maiwasan na iyon sa hinaharap ngunit laking gulat ko po nang lumalabas sa statatement ng lalaki na si Gallena ang nag-utos dito.”
Napatakip sa bibig ang ina ni Emrys. “Why did she have to do that?” Nagpanic ito bigla nang hindi inaasahan.
Agad niya itong inabutan ng isang baso na puno ng tubig. “Kailangan niyo po munang uminom at kumalma…”
Sinunod naman siya nito. “T-Thank you, Gila!” napapailing na sambit nito sa kaniya. Halatang nalulungkot ito. “Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako nagawang pagkatiwalaan ng aking anak sa bagay na iyon. Masyado na ba akong strikto pagdating sa kanila gaya ng kanilang ama?”
“Huwag ho kayong mag-isip ng ganiyan,” payo niya sa ginang. “Baka natatakot lamang po siyang masaktan ang damdamin niyo ni Tito Luki kaya naman hindi niya na kayo pinagsabihan pa…”
Ngunit mas ikinataranta niya ang makitang lumuha ito.
“Baka nga, hijo…”
“Huwag po kayong mag-alala. Matalino ang anak ninyo. She became their classroom president, and became a member of cheerdancers,” mahabang paliwanag niya rito.
Umiiyak itong napatango. “Sino man sa kanilang dalawa ni Graza, they are both talented. Yeah, I knew that, hijo… Ang hindi ko lamang matanggap ay ang katotohanan na marunong nang magtrabaho ang mga anak ko para sa kanilang kaniya-kaniyang pangarap ngunit heto kami't mga balakid pa kung minsan.”