CHAPER 63
"Napakasarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin, Graza." Mariin siyang pumikit at sabik na iwinagayway ang dalawang kamay sa ere.
Ilang buwan na nga ba ang nakalilipas magmula ng huli silang magawi rito? One year? Napahugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. It feels like it has been forever! She totally missed this place. And she missed Farra so much!
Kahit nakasarado ang mga mata’y patuloy na naglalaro sa likod ng kaniyang isipan ang kagandahan ng malawak na Ibayo. Ang nagtataasang punong kahoy na nakapalibot rito ay hindi maikakailang napaglipasan na ng panahon. Ang kabuuang bayan ng mapayapang Alta Aswun kung saan siya lumaki ay abot din ng kaniyang tanaw mula sa lighthouse na ito. Maging ang unti-unting pamamaalam ng papalubog na sikat ng araw. Hindi niya mapigilan ang biglaang pag-alpas ng hindi niya maipaliwanag na damdamin sa loob ng kaniyang kaibuturan. Heto na naman siya sa pakiramdam na para bang ayaw niya nang lisanin pa ang lugar na ito ngayon. Walang masyadong naging pagbabago sa lugar. Puwera sa paglago ng mga damo sa ibayo. Tanging iyon lamang at wala ng iba pa. Nakatayo pa rin ang lighthouse. Nakabalik na rin siya at si Graza. Pero mananatiling may kulang. Si Farra. I missed him so much!
Tahimik siyang nakiramdam sa paligid at pikit-matang inalala ang klarong larawan ni Farra habang nakikisabay sa pagsayaw ng mga damo sa bawat ihip ng hangin. Today is the death anniversary of Farra. Hanggang ngayon ay may parte pa din sa kaniya na hindi matanggap ang pagkamatay nito. Until now, it is still hard for her to imagine that he has been long year gone.
Bigla’y umihip nang malakas ang hangin. “Ang maskara mo, Emrys!” alertong paalala sa kaniya ni Graza, dahilan kung bakit siyang agarang napadilat. Naramdaman niya ang bahagyang pagkalas ng kapit ng manipis na tali ng maskara sa gilid ng kaniyang tainga.
Dali-dali siyang yumuko at inayos ang bahagyang pagkakagulo ng kulay puting maskara na bulaklakin na nakatabing sa kaniyang mukha. Pinagmasdan niya ang tahimik nitong paglakad palapit sa kaniya at ang simpleng pagsandig sa malamig riles. Malayo ang tanaw nito.
Walang nakakagulat sa pagiging tahimik ni Graza dahil gano’n naman ito palagi ngunit kapansin pansin ang pagiging tahimik nito lalo na ngayon.
“Sayang at hindi na tayo madalas magawi dito,” nanghihinayang na sambit niya na pumutol sa nakakabinging katahimikan. “Hindi na gaya ng dati.”
Tumango ito, bagama’t ang tingin ay nanatiling nakaukol kung saan niya ito huling namatyagan. “Masyado na tayong naging abala.”
Pinagsiklop niya ang kaniyang mga palad at ipinatong sa malamig na riles. Muli niyang inilibot ang kaniyang tanaw. Gusto niyang tanungin ito tungkol kay Farra ngunit nagpigil siya nang mapagtanto niyang wala na siyang lakas ng loob na ungkatin iyon nang hindi nasasaktan.
“P-Paano kung…” pigil-hiningang sambit nito at saglit na natigilan. “Paano kaya kung n-nabubuhay pa din si Farra hanggang ngayon?” Humugot ito ng isang malalim na hininga at maang na napatingala sa kalangitan. “Paniguradong palagi siyang busog pagdating sa mga bagay na gusto niya at maging sa pagkain na paborito niya dahil ganun natin siya kamahal.”
Maging siya na kagat-labing nananahimik ay agad nang naramdaman ang panunubig ng sariling mga mata. Paano nga ba? Napailing siya at sunod-sunod na napahugot ng malalim na hininga. Malamang tuwang-tuwa ito sapagkat kasama nila itong mamasyal dito sa Ibayo. Manghaharot ito at kukulitin silang makipaghabulan sa rito. “I-I…” She can’t help it when her word went cracked. “I just m-missed him so much, Graza!” Sa huli’y isang patak ng luha ang tuluyang kumawala mula sa kaniyang mga mata.
Tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak. Hindi niya nakontrol ang sarili niyang emosyon. Kagat-labi na lamang siyang napahikbi. Dinaluhan siya ni Graza at agad siyang niyakap nang mahigpit. “Hanggang ngayon, hinahanap-hanap ko pa din ang paglalambing niya sa’tin. Siya ang bunso natin, eh.”
“Nangako tayo sa bangkay niya na hindi tayo hihinto sa pagbukas sa katotohanan ng kaniyang pagkamatay. I strongly believed that it was not just a simple accident… Darating din ang araw na mapagtatanto natin ang buong katotohanan,” mariing sambit nito na ikinatango niya.
Ilang sandali silang nasa gano’n na posisyon. Pagkatapos ay inihanda na nila ang bitbit nilang mga paborito ni Farrah at inilatag iyon sa gilid.
“Dumarami na ang ating mga responsibilidad, palibhasa’y hindi na tayo bumabata,” nakatawang sambit niya at ibinalik ang tingin sa Ibayo.
“Sa madaling salita, patanda na tayo nang patanda,” nagbibirong dugtong niya na ikinabunghalit nila ng tawa pareho. Ang sarap at ang gaan lang sa pakiramdam.
Matagal na namayani ang katahimikan. Tila ba may dumaan na anghel sa kanilang harapan pagkatapos nilang magkatawanan. Ngunit alam na alam niyang pareho lamang silang nakikiramdam sa isat-isa. Iniisip kung ano ang bukas na nakahanda sa hinaharap kapag tuluyan na naming nilisan ang kanilang kabataan.
“Anong iniisip mo?” Siya ang pumutol sa katahimikan.
“Ako?” gulat niyang itinuro ang kaniyang sarili at agad na inisip kung paano niya isasaad ang nasa isipan niya ngayon. Tipid syang napangiti.
Tumango siya bilang sagot sa maikli nitong tanong. Humugot naman siya ng isang malalim na buntong-hininga bago nagsalita. “Noon, gustong-gusto ko talagang lumaki agad at magdalaga na…” pagbabalik tanaw niya sa nakaraan. “Alam mo ‘yan dahil sabay at magkasama tayong lumaki dalawa,” pagak siyang tumawa bago nagpatuloy, “hindi ko lubos akalain na darating ang araw na ikakahiya ko lahat ng kabaliwang ‘yon.”
“Hindi ka nag-iisa,” pahayag nito na hindi niya na ikinabigla pa. Nagkatinginan silang dalawa at muling nagkatawanan. It’s always sounds fun until it lasts.
“Para akong siraulong ginagaya si Luna Kiana noong dalaga pa lamang siya,” nag-iinit ang pisngi na kuwento niya habang pumapalakpak, “nakakaloka!” tawang-tawa siya sa simpleng pagbabalik-tanaw na iyon.
Sinulyapan niya ito, tawang-tawa rin habang hawak ang gilid ng kaniyang tiyan. Tuloy ay mas lumakas ang tawa niya nang bigla siyang may maalala. “Naalala mo pa ba noong panahong maiinis ako sa’yo. Palagi akong asar talo noon kaya naman inaasar nalang kitang may gusto kay Rolyo…” may himig panunuksong sambit niya sa gitna ng malakas niyang pagtawa.
Masamang tingin ang iniukol ni Graza sa kaniya. Mapanganib na nagbabantang huwag ko nang ituloy ang balak kong sabihin. Napahugot siya ng isang malalim na hininga. My childhood memories were full of fun, thanks to Graza. Pareho silang apat na taon nang kupkupin ito ng kanilang mga magulang. Pinalaki sila nitong parang tunay na magkapatid kahit pa hindi siya namin kadugo. Hindi kailanman iyon naging kaso. Hindi puwedeng meron siya na wala ito. Lubos din na tinutulan ng kaniyang mga magulang nang mag-volunteer ito maging butler niya. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Iyak ito nang iyak nang malaman nitong ipinaghahanap sila ng kanilang Papa ng magiging butler nilang dalawa. Anito’y ayaw kuno nito na mahiwalay sa kaniya. Nagalit sina mama at papa nang sabihin nitong gusto nitong maging butler niya dahil para sa mga ito’y isa iyong malaking kalokohan. Ngunit nagpumilit ito sa kagustuhan nitong mas ma-protektahan siya sa lahat ng bagay bilang nakatatandang kapatid. Ngunit malakas ang iyak nito noon at pagtatampo kaya naman sa huli’y wala nang nagawa ang kanilang Vmga magulang.
“Sa huli, nagkagusto ka naman!” nakangising sambit nito ngunit mabilis pa sa alas-kuwatrong tinakpan niya ang magkabilaan niyang tainga.
“Emrys!” natitilihang sigaw niya habang mariing nakapikit ang kaniyang mga mata sa sobrang kahihiyan. Ayaw na ayaw pa naman nitong mabanggit-banggit nya iyon at baka may iba daw na makarinig.
Napailing siya at marahan na tinapik siya sa balikat. “Sabagay, bata ka pa naman… Makakalimutan mo din ‘yang pagsintang pururot mo sa ungas na ‘yon,” labas sa ilong na sambit niya na para bang mas matanda siya sa kaniya. Naiisip niya pa lang kung gaano kayabang ang ungas na ‘yon, kumukulo na agad ang dugo niya sa inis.
Salubong ang kilay na umiling siya. “Nagsalita ang matanda,” nagtatampong sambit nito. “Baka nakakalimutan mong magkasing-edad lamang tayo at ‘di hamak na mas matanda ako ng ilang buwan sa’yo.”
Nakangiti siyang humarap sa rito at nanggigigil na pinisil ang magkabilang pisngi nito na namumula. “Ang cute mo talaga asarin, Ate!” pang-aasar niya lalo. Ayaw na ayaw pa naman nitong na tinatawag na ate at magkasing-edad lamang silang dalawa.
Napalunok siya nang mahuli ang masamang tingin na iniukol nito sa kanya ngayon. “Ang sama mo talaga,” nakalabing sambit nito.
“I know,” nakangiti at taas noong amin niya. Kung ang pagiging masama ay ang panlaalit ko sa ungas na ‘yon, aba’y madami pa akong puwedeng idagdag diyan. Alam na alam niya ‘yan.
Sumimangot siya lalo na ikinabuga niya ng isang malalim na buntong-hininga. Napakamot siya sa kanyang leeg. “Bakit ko ba naman kasi binanggit pa si Ungas. Tsk! Sige na nga, sorry na agad,” labas sa ilong na sambit niya. Abot hanggang buto yata ang inis niya sa ungas na ‘yon.
“Hayaan mo na. Isa pa, matagal na kong hindi interesado sa ungas na ‘yon,” tila totoong tanggi nito.
Napatango-tango siya. Lihim na pinag-aaralan ang mukha nito. Hindi siya naniniwala pero masaya siya dahil nasasabi na nito iyon. “Dapat lang,” nakangising sang-ayon niya sa dito.
“Alam mo naman kasing crush lang ‘yon” mariing sambit nito sa kanya. Sumimangot pa ito. “Palibhasa’y hindi ka pa nagkakagusto.” Mukhang napasobra na talaga ang pang-aasar niya at ganun na lamang bigla ang atake nito sakanya.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa napakagandang tanawin. “Ganun talaga, Graza,” nakangising saad niya. “Wala tayong magagawa. Hindi ako kasing rupok mo, eh.” Kumindat sya sa dito na ikinamaang nito.
“Talaga ba?” may himig panghahamon na tanong nito at hinarap siya.
Tumango siya at inakbayan ito. “Itaga mo pa sa bato, hinding-hindi talaga.”
Tila nag-iisip na dinala nito ang daliri sa baba. “Hmn. Kahit na isang guwapo, mabait, at marespeto pa ang iharap sa’yo?” nakangising tanong nito na ikinatigil niya.
Napakamot siya sa gilid ng kanyang tainga. “Alam mo, napakadami mo na talagang alam, Graza. Kakabasa mo na ‘yan ng mga libro tungkol sa pag-ibig,” nakasimangot na sambit niya.
Mayumi itong ngumiti. “Alam mo namang ‘yan lamang ang pangunahing libangan ko,”
Bigo siyang umiling. “Wala na, adik ka na nga,” sumusukong sambit niya. Wala yatang gabi na hindi nya ito nakitang nagbabasa ng libro bago matulog. Madalas, nagigising na lamang siya sa malakas nitong tawa at kinikilig na tili dahil sa binabasa.
Tumawa ito ng mahina at muling sumandal sa riles. “Hindi naman masamang maniwala sa mga kathang kuwento at umasang mangyayari ‘yon sa totoong buhay. Tignan mo sina mama at papa, mahal na mahal nila ang isat-isa. Hanggang ngayon ay sila pa din. Dahil gaya ng mga gasgas na kuwento ng pag-ibig, bago pa man ang lahat, itinakda na sila para sa isat-isa,” kumikislap ang mga matang saad nito.
Napatango siya. Medyo sang-ayon siya sa parteng ‘yon na sinabi nito. Hanggang ngayon ay nakikita naman nila na mahal na mahal ng kanilang magulang ang isat-isa.
“Kung sana lamang ay lahat ng lalaki ay katulad ni papa,” sambit nya. “At kung sana lamang lahat ng kuwentong pag-ibig ay may magandang wakas gaya ng sa kanila.”
“Meron,” tumatangong sagot nito.
Umiling siya. “Gayunpaman hindi mo pa rin ako mapapaniwala na may isang Alpha na
“
Napakamot siya. Alam na alam nito ang kahinaan niya. Alanganin siiyang tumango.
Itinuro siya nito. “Sigurado ka? Kahit tamaan ka pa ngayon ng kulog at kidlat kung nagsisinungaling ka?” paniniguro nito.
“O-Oo sabi,” gimbal niyang bulong.
Tinawanan siya ng bruha. “Buwah!” panggugulat nito sa kanya na ikinagitla niya sa takot. Alam naman nitong takot siya sa kulog at kidlat.
Inalis niya ang pagkakaakbay nito sa kanya at inis na hinampas niya ito sa balikat. “Ang sama mo, Graza!” inis na angil niya.
“Alam ko,” panggagaya nito sa kanya na mariin niyang ikinapikit dala ng panggigigil.
Naramdaman niya ang paglapit nito at ang pag-akbay nng braso nito sa balikat niya. “Hindi mo ako maloloko, Mahal na Prinsesa,” siguradong sambit nito.
Palibhasa’y alam nito ang pagkahumaling niya sa pagbabasa ng mga librong ang bidang lalaki ay isang Alpha na may nag-uumigting na panga kapag nagseselos. Mariin siyang napalabi at sumimangot. “Hindi counted ‘yon. Sa libro lamang nangyayari ang mga ‘yon. Sa libro lamang may isang Alpha na nag-uumigting ang panga kapag nagseselos.” Umiiling na sambit niya.
“See,” nakangiwing sambit nito habang pinagmamasdan siya. “Idi inamin mo din na tinamaan ka na talaga ng mga fictional characters na ‘yon. Gising, Ermys… Sa libro lang talaga ang mga ‘yon.”
Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa kanyang labi. “Tama ka,” mahinang sambit niya. “Kaya nga sabi ko na imposibleng magmarupok kung nasa libro ang nais ko.”
“Hala ka,” pananakot nito sa kanya. Hindi papatalo. “Baka hindi ka na makapag-asawa niyan. Sabi nila, lahat ng mahilig magbasa ng mga love story ay matataas ang standard pagdating sa pag-ibig. At sa huli, tumatanda na lamang daw dalaga.”
Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Imposible ‘yan!” pagmamatigas niya.
Ngumisi ito. “Kita mo si Mommy Pink, sa sobrang pihikan, tumanda ng dalaga!” patuloy na pang-aasar nito sakanya. Si Mommy Pink iyong may-ari ng canteen sa school.
“Ayos lang,” nakalabing sambit niya. “Hindi naman ako pihikan.”
Nag-isip ito nang mukhang hindi tumalab dito ang sinasabi niya. “Hmn,” natigilan ito. “Mahilig din ‘yon magbasa ng mga libro katulad ng binabasa mo.”
“Talaga?” kunwari’y wala siyang pakialam. Hindi siya naniniwala. Matagal niya nang kilala si Mommy Pink ngunit ni minsan hindi niya pa ito nakitang nagbabasa ng libro. Isa pa kung totoo iyon, imposibleng hindi niya malalaman gayong halos hindi kami naghihiwalay dalawa.
“Hmp!” sambit nito saka tumalikod.
"Oras na para umuwi," anunsyo nito na ikinasimangot niya na lamang. Mahigpit siyang kumapit sa riles ng balkon at umiiling na nagmakaawa dito. Pagdating sa ganito, ito palagi ang masusunod.
Nagtitimping kinagat nito ang ibabang labi habang heto siya, umaakto't nagmamakaawa. "Huwag mo sabihing wala ka pang balak umuwi," madiin ang boses na panghuhula nito.
Nakangiti siyang tumango at umayos ng pagkakatayo. "Minsan lang naman kasi tayo magawi rito." Agad niyang ipinulupot ang mga kamay sa braso nito at pinapungay ang kanyang mga mata.
Nakangisi itong umiling at tinawanan lamang siya. Pinaglalaruan lamang siya ng bruha.
"Hindi puwede," ani nito. Mabilis na sumeryoso ang mukha nito. "Madami pa ding puwedeng mangyari sa minsan gaya ng mapahamak tayo. Isa pa, hindi lang naman iisa ang araw." Kinalabit nito ang nakatabing niyang ilong.
Natigilan siya. Sinasabi niya na nga ba. "Ang daya mo." Sumimangot siya at bagsak ang balikat na nagpatiuna nang maglakad.
Hindi na umimik pa si Graza kaya naman minabuti niya na ding itikom ang kanyang bibig habang naglalakad pababa sa hagdan.
Isang lighthouse ang lugar kung nasaan sila ni Graza ngayon. Nasa pinakadulong parte na ito ng Aswun at medyo may kalayuan din sa kanilang bayan. Isa pa iyon sa dahilan ng ipinag-aalala ni Graza kaya naman palagi siya nitong minamadaling umuwi sa tuwing magagawi silang dalawa rito.
Kung gaano kabilis ang takbo niya’y hindi iyon nalalayo sa tulin ng takbo ni Graza. Nangunguna siya sa aming dalawa ngunit napakaliit ng distansya nila sa isat-isa. Mabuti na lamang at isa sa katangian nilang mga Asong Lobo ay ang matulin nilang pagtakbo. Higit na mas mabilis kaysa sa mga tao. Napag-aralan nila iyon kaya niya nalalaman. Palibhasa'y ni minsan ay hindi pa siya nakakakita ng isang nilalang na tao.
Wala sa isipan nilang dalawa ni Graza ang huminto sa gitna ng masukal na kagubatan na iyon kaya naman dire-diretso sila pabalik sa bayan ng Aswun. Walang umimik sa kanila ngunit nasisiguro niyang nagpapakiramdaman lang sila sa isat-isa at sa kanilang paligid. Tanging mga huni ng mga ibon ang maririnig.
Malapit na nilang marating ang dulo ng masukal na kagubatan nang gulatin siyang nang biglaang paghablot sa kanya at walang pakundangang takpan nito ang kanyang bibig. Dinala siya nito sa likod ng malaking punong kahoy na tila ba sila’y may pinagtataguan at hindi puwedeng matuklasan.
It was her instinct who told her to fight in all possible ways whoever it is. It's a natural law for them, werewolves, to kill before we get killed. It's necessity for our survival. Ngunit bago pa ako makapalag ay awtomatiko siyang kumalma pagkatapos niyang malanghap ang natural na amoy ni Graza.
Marahan siya nitong tinapik sa balikat at agad naman niyang napagtanto ang nais nitong ipahiwatig. She let go of her, slowly. Maang niya itong sinulyapan. Nagtatanong ang tingin na iniukol niya dito. Hindi alam kong ano ang ibig nitong sabihin sa walang babalang pagpapatahimik sa kanya at sa kanilang pagtatago ngayon.
Sumenyas ito sa kanya na huwag lumikha ng ingay na dahilan kung bakit lumakas ang kabog dibdib niya. Sinundan niya ang inginunguso nito at ang sanhi kung bakit pinanlalakihan siya ng kaniyang mga mata.
Napasinghap siya. Nabitin yata sa ere ang kanyang paghinga. We are in a pickle!
Sa bungad ng masukal na kagubatan ay ang papalapit na grupo ng hindi inaasahang panauhin.
Rogues. They say rogues are everywhere. Noong bata pa lamang sila ni Graza, madalas nilang ipinakot sakanila ng mga Elders. Lalo na't paborito daw ng mga itong kunin at kainin ang pasaway at makukulit na mga bata na Asong Lobo. Doon pa lamang ay matatahimik na sila at agad na matatakot. Sino ba namang may gusto na madakip ng mga Rogue at gawing pulutan?
Then out of the blue, and of all the places dito pa talaga sa masukal na kagabutan ito nila makakasagupa ang mga ito. Grupo ng mga Rogue.
There are seven of them in total. Lahat ng mga lalaki ay may malaking pangangatawan. Parang sinaunang tao ang mga ito dahil sa luma ng mga damit at haba ng mga balbas. Dalawa ang babae. Ngunit ang nakakapagtaka ay ang isang batang babae na akay-akay ng mga ito. Tahimik lamang ang bata na nakasunod ngunit kapansin-pansin ang mga pasa sa ibat-ibang parte ng katawan nito.
Ramdam niiyang unti-unti na siyang pinagpapawisan nang malapot. Hindi nila kayang labanan ni Gracia lahat ng mga ito. Wala silang panama ni isa sa mga ito kahit na magsanib puwersa pa silang dalawa.
"Hawakan niyong mabuti ang bihag. Malaki ang kikitain natin diyan," biglang sambit ng lalaking rogue na siyang nangunguna. Ito ang may pinakamalaking katawan sa lahat at ito din ang nangunguna sa daan.
Pakiramdam niya’y awtomatikong nagsi-akyatan ang dugo sa kanyang sentido dahil sa narinig. Kita? Ipagbebenta ba talaga nila ang bata? Totoo pala na nasisikmura ng mga ito ang paggawa ng krimen para lamang sa pera.
"A-Ano pong g-gagawin n-niyo sa akin?" nanginig ang boses ng bata dala ng takot.
Naghagikhikan ang dalawang babae na may hawak rito at lumawak ang pagkakangisi.
"Hindi ba sinabi sa'yo ng mga magulang mo ang ginagawa namin sa batang pasaway?" malambing na tanong ng isang babae.
Umiiyak sa takot na umiling ang batang babae. "U-Ulila na po ako," sumisinghot na sagot nito.
Mariinniyang naikuyom ang kanyang mga kamao sa labis na galit. Nais niyang ilabas ang kutsilyong nakatago sa kanyang baywang at patayin silang lahat.
"Crack!"
Gulat siyang napalingon sa banda ni Graza. ito pala ang nakatapak ng tuyong sanga na naglikha ng agaw-pansin na ingay.
"Mga Deltas!"
Sabay silang napalingon ni Graza sa mga ito para lamang malaman na nakatingin na ang lahat ng mga ito sa kanilang kinaroroonan. Awtomatikong naging blangko ang kanyang isipan pagkakita na handa na ang mga itong salakayin sila.
Mabilis pa sa alas kuwatro na inilabas ni Graza ang patalim nito. Handa na itong makipaglaban. Sunod siyang napalunok.
They outnumbered us, and we are no heroes. There's no way on this earth that we can defeat these rogues who had been living their life to kill.
Killing is not an option anymore. And the left possible way. I mean the only way now is to...
“If ever, your path came to crossed with them one day, there would be only two possible ways with a higher probability to survive: to run and to hide...” Professor Hue said in distinction.
Mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Graza at malakas na sumigaw. "Run!"
Gulat man ay napatakbo na din ito sa gulat.
"Hindi niyo kami matatakasan!" sigaw ng isa sa kanila.
Ramdam niya ang lalong pagkabalisa ni Gracia dahil sa sinabi ng lalaki. Gaano man kabilis ang pagtakbo nila ay mabilis din ang mga ito. She have to think of something... There might be any trick to win against them.
"Listen, huwag kang hihinto sa pagtakbo," utos niya kay Gracia.
Tumango naman ito.
"May naisip akong paraan. I don't know if this will do but I think it's worth to try..." sabi niya habang nasa daan pa din ang tingin.
"Ano?" agad nitong tanong.
"Magbibilang ako ng tatlo at kailangan ko na magtago kang mabuti. Idi-distract ko sila. Di-diretso ka sa Bayan. Magmadali ka at humingi ng tulong sa mga Elders..." mahigpit niyang bilin dito.
Madiin itong umiling at pinanlakihan siya ng mga mata. "Nahihibang ka na ba? That won't do... Mapapahamak ka!" mariing tutol nito.
"But you have to Graza!" nanginig ang boses na sambit niya. "Kung nais mong mabuhay tayong pareho... We have to do this!"
Nag-umpisang mangilid ang mga luha sa mga mata nto. She knew. She knew. Lubos itong nag-aalala para sa kanya. Sunod-sunod itong umiling. "We can switched. Let me be the one to distract them, huh?" Namumula na ang mga mata nito.
Mariin siyang umiling. "I want you to trust me on this one, Graza. Mas mabilis ka kaysa sa'kin at mas madali kang makahihingi ng tulong. Huwag mo akong alalahanin... I have my ways," paliwanag niya dito. Nais niyang maniwala ito sa kanya na malalagpasan nila ito. Umaasang maliliwanagan ito at susundin ang kanyang utos.
"Hintayin niyo kami!" malakas na sigaw ng isa sa mga rogue na humahabol sa amin.
"Please, Graza!" nagsusumamong pakiusap niya.
Kagat-labi itong napatango. Sa huli'y wala itong nagawa kundi sumang-ayon sa kanya.
"Mag-iingat ka."
“Mag-iingat ka din.”
Iyon ang huling bilin nila sa isat-isa bago magkahiwalay. Wala siyang sinayang na segundo at agad na nagbilang.
"Isa."
"Dalawa."
"Tatlo."
Dali-dali siyang lumiko sa kabilang direksyon habang nagtago naman si Graza. Nagawa niya pang tumango sa dito. She want to reassure her. She want her to know that it's gonna be alright.
If this goes well, they will be both save from death. The child's freedom will be their bonus.