Chapter 64

2025 Words
        "Kapag sinusuwerte ka nga naman, oh!" nakangising sambit ng pinakalider na hanggang ngayo'y nakabuntot pa din sakanya.        Mayabang na pinagkiskis nito ang mga palad na animu'y nasalo na nito lahat ng suwerte mula sa kalangitan. "Bata, mukhang wala ka na talagang kawala," mayabang na sambit nito.         Sunod-sunod ang kanyang naging paglunok. Mukhang ganun na nga yata talaga ang kanyang kahihinatnan. Sa kanyang harapan ay ang nakaabang na alagad ni Satanas at sa kanyang likuran ay ang kanyang magiging kamatayan na bangin kapag nagpatuloy siya sa pag-atras. Sinubukan niyang mag-isip at paganahin ang kanyang isipan ngunit sadyang maba-blangko ka na lamang talaga kapag nasa bingit ka na mismo ng kamatayan.         "Hindi ka nakakasiguro," sarkastikong saad niya. Pilit niyang nilakasan ang kanyang loob.  Napahalakhak ito nang malakas dahil sa kanyang sinabi. Maybe she can buy some time by making fool of this old wolf. Nakasalalay na lamang ngayon ang kanyang buhay kay Gracia.        Tumango-tango ito at pasimpleng hinilot ang marahil ay nangangawit nitong balakang. "Matapang ka," labas sa ilong na komento nito.         Hindi siya kumibo.         "Dahil ba diyan sa suot mong maskara?" nakakainsultong dagdag na katanungan nito.         Galit man ay nanatili siyang walang imik.         Kumunot ang noo nito at ngayo'y pawang pagtataka ang nakarehistro sa kulubot na mukha. "Bata, huwag mo sabihing nalunok mo na ang dila mo..." Bahagyang lumakas ang boses nito. "Baka isipin ko na umaarte ka lang." Isang nakakalokang ngisi ang sumilay sa gilid ng mga labi nito.         Bahagya siyang napasinghap. Mukhang matalino ang lider na ito. Walang duda na mahihirapan siyang makahanap ng paraan upang maisahan ito.         "Hay!" madrama syang umungol at napahawak siya sa kanyang tiyan. "Pasensiya ka na, Tanda, ha? Ganito talaga ako kapag nagugutom."      Napaawang ang bibig nito sa gulat pagkarinig sa kanyang sinabi. "Pinagloloko mo ba ako?" biglang sumeryoso ang tono nito.         Gulat niyang itinuro ang kanyang sarili. "Sino ulit? Ako ba 'kamo, Tanda?" Nagmaang-maangan siya. "Takot ko lang sa'yo, Tanda." Sinadya niyang pakadiinan at ulit-ulitin ang salitang Tanda.         "Aba'y pinagmumukha mo pa talaga akong siraulo!" Biglaang lumakas ang boses nito.         Bahagya siyang nataranta nang sunod nitong inilabas ang isang napakatalim na kutsilyo. Kumikintab pa iyon sa sobrang katalasan. Ngumisi ito nang nakakaloko sa kanya bago muling nagsalita. "Saktong-sakto, bagong hasa ang aking kaibigan," tila nalolokong banta nito sakanya.         Sunod-sunod muli siyang napalunok. Nais niya lamang inisin ito sa una kaya naman tinawag niya iitong Tanda nang paulit-ulit ngunit wala sa balak niya na sagadin ang pasensiya nito. Nasobrahan niya sa pang-aasar at ngayo'y mukhang mas mapapadali ang kanyang buhay dahil doon.         "A-Anong gagawin mo?" nahihintakutang tanong nya. Hindi niya maiwasang mautal.        "Dadalhin ko ang ulo mo bilang handog sa nalalapit na kaarawan ng aming pinuno," wala ng paligoy-ligoy na sagot nito.         "H-Huwag," takot niyang sambit. Daig niya pa ang nauupos na kandila at nag-umpisa syang pagpawisan nang malapot.    Humalakhak ito at nagkibit-balikat. "Nasa'n ang tapang mo bata?" maang na tanong nito sakanya.         Lubos siyang nasindak nang mag-umpisa itong humakbang palapit. "Parang awa mo na po... Labag sa batas ng mga Asong Lobo ang ginagawa niyong ito--" nabitin sa ere ang kanyang sinasabi nang putulin siya ng matanda.         "Batas niyo lang!" malakas ang boses na putol nito sa kanya na ikinatalon niya sa gulat. Kitang-kita ang pag-igting ng mga panga nito at paglabas ng mga ugat sa leeg sa sobrang galit nang mabanggit niya ang batas.         "H-hindi ko po kayo m-maintindihan," kabadong sambit niya. "Hindi nga ba't ang batas natin ay para sa lahat ng Asong Lobo?" hindi nakapagtimping tanong niya.         "Mali ka," dismayadong sambit nito at bigong umiling. "Malinaw ang inyong batas. Gusto niyong maging tagapasunod kami at sa huli'y kayo at kayo lamang ang mananatili sa itaas habang nakikinabang," makahulugang sambit nito.         Mariin siyang umiling. "Totoo man 'yan o hindi, kailanma'y hindi naging sapat na rason iyan para kitilin ang isang buhay ng kapwa mo Asong Lobo," matigas na tutol niya. Naiiyak na lamang siya habang pilit ipinapaintindi ang kanyang punto sa isang matandang nasa harapan niya.         Ngayon ay tuluyan nang nanlilisik ang mga mata nito sa galit. "Wala kang pakialam bata!" nag-alab ang mga mata nito at saglit na nagbago ng kulay. "May gatas ka pa sa labi para kuwestiyunin ang moralidad ng isang tulad ko. Huwag mong ipagmalaki sa akin na madami kang nalalaman dahil hindi mo naranasan lumaki sa hirap kaya wala kang alam! Hindi mo naranasang magutom gaya ng mga batang Asong Lobo na nakatira sa masukal na kagubatan. Hindi mo naranasang mamalimos maghapon para lamang ikaw ay may makain. At mas lalong wala kang ideya kung gaano kasakit maitakwil paalis sa grupong minsan mo nang itinuro na pamilya."       Natameme siya. Nang banggitin nito ang 'lumaki sa hirap' ay hindi na sya makapag-react pa. Naniniwala siyang higit siyang mapalad kaysa sa mga Asong Lobo na dumanas ng pahirap na binanggit nito.         "Emrys!"         Agad syang naalarma. Boses iyon ni Graza. Lumingon siya sa pinagmulan ng boses at napangiti. "Graza!" naiiyak na sambit niya sa labis na katuwaan.        Dumating ito. Dininig ng langit ang kanyang dasal. Sa likod niya'y nandun ang kanyang mga magulang, ang Pinunong Salya at ang iba pang mga Elders.         "Buhay ka pa?" gulat na sambit nito. "A-asan ang mga kasamahan ko? Anong ginawa niyo sa kanila?" sunod-sunod na tanong nito. Mababakas ang pagkatuliro at takot nito.         "Patay na sila," nakangising sagot ni Graza na ikinalaglag ng kanyang panga.     "Walanghiya kayo!" nangangalit ang bagang na sambit nito.       Kinutuban sya ng masama pagkatingin nito sakanya. "Papatayin kita!" Mabilis na nakalapit sa kanya ang rogue at itinutok ang kutsilyo sa kanya.         Ngunit nanlalaki ang mga mata niya nang mapagtanto niyang hindi siya ang nasaktan kundi si Graza.      Nanginginig ang mga kamay na sinalo niya ito. Nasaksak ito sa balikat at umaagos na ang dugo mula doon. "Graza!" malakas na sigaw niya sa takot. Maraming dugo ang umaagos mula sa sugat nito na ikinagitla niya.       "Nararapat lamang 'yan sa'yo," sambit ng rogue bago tumakbo patungo sa bangin at tumalon na lamang bigla. Tuluyan itong naglaho sa kanyang paningin.         "Graza!" Agad na nahilam sa luha ang kanyang magkabilang pisngi. Paulit-ulit siyang umiling at hindi matanggap ang nangyari. Nagmamadaling lumapit ang mga Elders sa kanilang dalawa ni Gracia.       "Pakiusap, iligtas niyo po si Gracia!" umiiyak na pakiusap niya. Wala siyang pakialam kong masyadong namayani ang kanyang emosyon.         Siya dapat ang nakaratay ngayon kung hindi dahil sa pagligtas nito sa kanya.         "Emrys," mahinang bulong sa kanya ni Pinunong Salya saka ginulo ang kanyang buhok. "Kami na ang bahala sa kaniya, ha? Huwag kang mag-alala. Gagawin namin ang lahat upang mailigtas siya," pangangako nito na ikinatango niya sa huli.       Ipinaubaya niya sa kanila ang nanghihinang katawan ni Graza. Napasinghot siya pagkatapos nitong mahiwalay sa kanya. "G-Graza!" Mariin siyang napapikit. "Pakiusap, iligtas niyo po siya..." tiim-bagang pakiusap niya sa mga ito.         Hindi niya namalayan kung pa'no siya nakarating sa bahay. Mabilis na naisugod si Graza sa mismong hospital. Gayunpama'y nanatili siyang tulala sa sobrang pag-aalala.         "Emrys! Graza!" boses iyon ng ina mula sa sala. "Bakit ngayon lang kayo? Sa'n na naman kayo nanggaling dalawa? Hindi ba't mahigpit na ipinagbawal namin sa inyo na huwag masyadong maglalabas at madaming mga rogue ang nagkalat ngayon. Tsk!" mahabang sermon ni mama na akala siguro'y magkasama pa din sila ni Graza na nakauwi ngayon. Dahilan kung bakit muling nag-uunahan sa pagdaloy ang mga luha mula sa kanyang mga mata.         Wala siyang magawa kundi lihim na sisihin ang kanyang sarili. Pumasok siya sa kusina upang harapin si mama at sabihin dito ang masamang nangyari.         Nabigla itong makita ang hitsura niya pagharap nito sa dako niya. "Jusmaryusep!" nagitla ito at dali-dali siyang nilapitan. "Anong nangyari sa'yo, Tancy? Bakit ka ba umiiyak na bata ka?" kabadong tanong nito sa kanya.         "M-Ma, nasa hospital po si Graza," kagat-labing saad niya na ikinalaki ng mga mata nito.         "H-Hospital?" Nilingon ng mama ang kanyang likuran na tila ba naninigurong hindi siya nagbibiro.      Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat at sinalubong ang kanyang titig, "anong ginagawa ni Graza sa hospital, anak?" Nanlalaki ang mga mata ni mama habang hinihintay ang kasagutan mula sa kanyang mga labi.         Matindi siyang lumunok bago nagsalita. "M-may n-nakasalubong po k-kaming mga r-rogue.." nauutal na sambit niya. Para siyang pinanghihinaan ng loob dahil habang binabalikan niya sa kanyang isipan ang lahat ay iisang bagay lamang ang hindi nya kayang tanggapin. Nangyari lahat ng iyon dahil sa kanya.         "Rogue?" nagimbal ito at napatakip sa bibig. "Paanong nangyari, 'nak?"      "Kasalanan ko po," sinserong amin niya. "H-Hinabol po nila kami, ma... A-anim silang l-lahat. N-Nakahingi agad ng tulong si G-Graza sa mga E-Elders kaya naman nahuli nila ang l-lima. M-May nailigtas din silang b-bata. Ngunit sinalo ni G-Graza ang saksak na para sa'kin sana."         Nahulog ang hawak ni mama na basahan mula sa mga kamay nito. "Oh," gitla itong napasinghap.         Hindi niya man kapatid si Graza sa dugo, itinuri naman nila itong higit pa sa pagiging butler niya. Magkasabay silang pinalaki ng kanyang mga magulang simula nang bata pa lamang sila. Alam niyang itinuturi na din nilang sariling anak si Graza.         Tatlong katok mula sa labas ng pinto ang nagpatriple sa bilis ng pagkilos niya. "Emrys?" boses iyon ni mama.         "Saglit lamang po," agad niyang sagot. Maingat niyang ipinasok ang strawberry cake sa cute na karton. Malawak ang ngiti sa kanyang labi. Paborito ito ni Graza. Nag-bake talaga siya dahil pupunta sila ngayon sa hospital upang dalawin ito.         Isang araw lang ang nakalilipas at nananabik na siyang makita si Graza. Ang kuwento ni mama pagkatapos nitong makausap si Doctor White ng mismong araw kung kailan isinugod si Graza sa hospital, hindi naman daw malala ang sugat nito. Inaasahan na isang Linggo lamang at tuluyan nang maghihilom ang sugat na dulot ng pagkakasaksak nito sa balikat.      Pagkatapos niyang malaman na dadalaw sila ngayon kay Graza ay hindi siya mapakali at makatulog nang maayos sa sobrang pananabik. Kung maaari lamang hugutin ang araw nang bumilis ang pagsikat nito'y ginawa niya na sana.         "Handa ka na ba anak? Bumaba ka agad kapag okay ka na at hihintayin ka naman namin ng papa mo sa loob ng sasakyan," bilin nito sakanya.         "Opo!" masiglang sagot niya. "Susunod na lamang po ako. Malapit na din po akong matapos."         "Sige," ani nito. Lumikha ng papalayong ingay ang heels ng suot nitong sandals.         "Perfect," masayang sambit niya pagkatapos niyang matali ang pulang ribbon sa cute na karton ng strawberry cake. "Sana lamang ay magustuhan niya lalo," excited na sambit niya.         Tumayo siya at saglit na nag-isip kung may nakalimutan pa ba siyang gawin.          "Emrys, ang maskara mo!" Napangiti sya nang biglang pumasok sa kanyang isipan ang walang palyang paalala sa kanya ni Graza sa tuwina.         Nakangiti siyang kumuha ng maskara mula sa maliit na drawer. Pare-pareho lamang ang kulay at disenyo ng mga iyon.         Limang taon pa lamang siya nang mag-umpisa siyang pasuotin ng maskara. Utos iyon ng Pinuno sa kanyang mga magulang. Para hindi na daw siya masyadong lapitin ng panganib.   Pinagmasdan niya sa salamin ang kanyang repleksyon at sinigurong maayos ang maskarang nakatakip sa kanyang mukha. Tanging mga mata niya na lamang ngayon ay kita. Kapansin pansin ang mahahaba niyang pilik mata na namana niya sa kanyang mama. Madaming nagsasabi na kamukhang-kamukha niya daw ang kanyang ina. Madalas, may nakakapagsabi din na sa kanyang ama talaga siya nagmana. Si mama daw ang pinakamagandang babae sa buong Aswun Pack noong kadagalagahan nito. Madaming nagkakagusto dito ngunit namumukod tangi si papa kaya naman daw sila ang nagkatuluyan hanggang sa huli.         Nang makuntento ay tumayo na siya at binitbit ang kanyang regalo para kay Graza.         "Good morning, Senyorita!" magkakapanabay na bati sa kaniya ng mga katulong nang tuluyan siyang makababa mula sa hagdan. Nagsiyukuan ang mga ito.         Tipid siyang ngumiti sa kanilang lahat at tumango. "Good morning po!" masiglang bati niya saka sila nilagpasan.   Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng mansyon. Ang malawak na hardin ang bumungad sa kanya ngunit lumiko siya sa gilid kung saan nakagarahe ang kanilang sasakyan.         "Slowly, anak..." ani mama na nailing na lamang sa huli. Maagap siya nitong tinulungan at inabot ang cake mula sa kanya pagkapasok niya sa loob ng sasakyan.         Tumawa si Papa. "Emrys is just too excited, hun," singit nito na ikinahagikhik niya.       Pinagsiklip niya ang dalawa niyang palad. "I missed her, dad. So much!" amin niya.        Pinaandar na nito ang sasakyan.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD