CHAPTER 65
“Mabait po ang mga anak niyo,” ani Gila sa ina ni Emrys. “Nasisiguro ko pong naiintindihan ka nila dahil malawak ang kanilang pag-unawa,” mahabang pahayag niya sa ginang.
Napangiti naman ito dahil sa kaniyang sinabi. Hindi naman agad ito nakapagsalita. Napansin niya agad ang kakaibang pananahimik nitong bigla.
Agad siyang nag-isip ng paraan.
“May naisip po ako,” nakangiting sambit niya sa ginang.
Awtomatiko naman itong nag-angat ng paningin. “Ano iyang naisip, Gila?” nakangiting tanong nito sa kaniya.
Ngumiti siya rito. “Nais po ng anak ninyo na sumali sa Luna's dance contest, hindi po ba?” tanong niya rito.
Tumango naman agad ito. “Ano namang meron doon, hijo?” puno ng pagtatakang tanong nito sa kaniya.
Gayunpaman, nababanaag niyang interesado ito sa sinasabi niya kaya naman hindi niya mapigilang ma-excite kahit papaano.
"Nais po ng anak niyo na sumali sa Luna's dance contest... Kung papayagan niyo po siya-"
"I'm so sorry to interrupt you, Gila ngunit hindi maaari ang kagustuhan niya. We already talk about it, hijo. There's no way, I'll let her join that contest. I don't care even if she hate me for I am only doing this for her," mariing sambit nito.
Hindi agad siya nakaimik dahil sa sinabi ng ina ni Emrys.
"Matalino po ang anak niyo, tita... Isa pa, nabanggit niya na po sa'kin ang bagay na iyan," anito.
Agad na napukaw ang atensyon nito. "Ano ang sabi niya sa'yo, hijo?" Halatang tensyonado ito.
Nakangiti niyang pinakalma ang kamay nito. "Wala po siyang specific na sinabi sa akin, aside sa kuwento niya. Pero ang masasabi ko lamang po ay wala siyang ibang choice kundi sumali. Sobrang nasasaktan po siya na kailangan niyang mamili between two important things... Marahil nasasaktan po siya ngayon pero wala po choice. Marahil po ito ang unang pagkakataon na pakiramdam niya mag-isa siya dahil maski si Graza ay tutol sa kaniyang pagsali."
Tuluyan nang naluha ang ginang. "Hindi ko alam 'yon, hijo... Pangako, hindi ko talaga alam na wala siyang choice. Bakit nga ba hindi ko muna siya pinakinggan?" Halatang nasasaktan ito nang sobra.
"Ayos lamang po kung huli niyo na siyang maintindihan at kung babawi na kayo ngayon," ani niya rito.
Aaminin niya. Na-touch siya sa naging reaksyon ng ina ng kaibigan.
"Nag-aalala kasi talaga kami, hijo. Alam ng lahat dito sa Aswun kung ano ang lagim na nasa likod ng contest na iyan. Walang hindi taga rito ang nakakaalam sa pangyayari sa lugar na iyan. My daughter were too innocent for that. Wala silang kamalay-malay tapos ngayon ay kailangan niya pa talagang sumali riyan," nangingilid ang mga luha sa mata na sambit ng ginang. Inabot nito ang panyo at sinikap tuyuin ang mga luha nito gamit ang sariling panyo. "Kung papayag ako, para ko na ring binigyan ng resibo ang magiging kapahamakan ng anak kong si Emrys... I can't do that, Gila."
Napasinghot siya.
Seryoso na rin ang kaniyang mukha.
"Please listen to my idea, tita... Your daughter is very persevere to participate in the contest. She's the class president, hindi siya puwedeng umiwas sa responsibilidad. Lahat ng kahihiyan at task mula sa maliit hanggang sa malalaking bagay, kailangan niyang sagutin, tita. I can see that she's doing all of this to please you both ni Tito Luki, her friends, classmates and most of all... Ang mga schoolmates niya. Nangingibabaw po ang ego niya ngayon. Marahil may narinig siyang hindi maganda against her group. Nais niyang may mapatunayan at ipakita sa mga itong kaya niya rin...
" Napasinghap siya pagkatapos ng mahaba niyang litanya.
"But it won't bring no good to her. Mahirap bang intindihin ang nais naming magulang niya? Ayaw namin siyang masaktan o malagay sa panganib ang kaniyang buhay dahil pinakamamahal namin siya, Gila. No one in this world deserve us except her. Sana alam niya na sa tuwing nasasaktan sila ni Graza, mas nasasaktan kami ng papa nila. And hearing that the've been bullied for a longer time makes my blood boil to death. Anong ginagawa ng mga guro nila? Hangga't maaari, Gila... Kung hindi lamang sa utos ng pinuno'y mas gugustuhin ko pang dito na lamang sila sa bahay mag-aral panghabang-buhay. My daughter didn't deserve that!"
"Tita," nag-aalalang tumayo siya at inalalayan itong uminom ng tubig. "You have to calm down po and be brave. Pasensiya na po kayo kung nasabi ko lahat ng iyon... Pero kung ayaw niyo pong pakinggan ang plano ko'y hindi ko na rin naman po ipipilit pa. Gayunpama'y nais kong maintindihan niyo tita, na gustuhin niyo man o hindi'y tutuloy pa rin si Emrys sa orihinal niyang plano. At kahit sino po sa atin ay hindi na siya mapipigilan pa. Kaya nga po kailangan natin ng isang tactic kung hindi rin naman siya papapigil. Hindi po ba?" maang niyang tanong dito.
Hindi naman agad ito nakapagsalita. Malalim na nag-isip habang sumisinghot. Tila ba may nalalaman itong bigla na kinampante niya na rin na maghintay sa pagkalma nito.
Impossible namang wala itong pakialam.
"Nais kong pakinggan ang tactic mo, Graza..." Anito. Tuluyan siyang napangiti dahil sa kaniyang narinig.
Sa wakas ay napapayag niya na rin ito. Iminuwestra niya ang kaniyang kamay sa lamesa at buo ang tuon rito sa ginang habang inaalala sa kaniyang isipan ang plano.
"To tell you prankly tita, narito po ako ngayon sa Aswun dahil sa napakagandang balita na ito. Inimbitahan po ako ng pinuno niyo sa palasyo upang pag-usapan ang intensyon ko na magdonate ng malaking halaga para sa mga estudyanteng kapos sa buhay. Kagaya na lamang ng mga maagang naulila, naapektuhan ng delubyo at ang mga lumaki sa bahay ampunan na mga estudyante sa Luna College. We want to invest on them and gige them the courage to pursue their dreams... May kinalaman po ang donation na iyon sa Luna's dance contest. As one of the biggest sponsor, tita, aatend po ako ng contest sa mismong araw na iyon..." Saglit siyang huminto nang magtanong ito.
"Are you doing all of
this for my daughter, Gila?" maang na tanong nito sa kaniya.
Kabado siyang napalunok. Hindi agad siya nakapagsalita.