Chapter 66

295 Words
   He swear hindi niya inaasahan ang tanong na iyon ng ginang. Mabigat ang dibdib na napalunok siya. Nagbibiro ba ang mga ito?     Hindi na siya sigurado.     Parang nahuhulaan niya na ang sunod na itatanong nito. Ngunit kung meron mang namumuo sa kaniyang dibdib na hindi niya na masasabi pa ay sasarilihin niya na lamang muna iyon ngayon.     "Ofcourse, tita..." Pinilit niyang ngumiti rito nang malaki. Nang malawak. "Your daughter is my friend... I'm a loyal friend too just like her. Siyempre at tutulungan ko talaga siya kahit na ano pa po ang mangyari."     Nanliit ang mga mata ng ginang. Hindi niya agad iyon masalubong. "Alam ba ito ng anak ko, Gila?" nakikiramdam na tanong nito sa kaniya.      Hindi agad siya nakaimik. It feels like alam na alam na agad nito ang tinutukoy nito at hindi na siya makaiwas pa. Direkta ang mga tanong ng ginang. Ganito na ba kadaling masalamin ang itinatago niya kung meron man?      "H-Hindi pa po, tita..." Napalunok siya. Iyon ang unang pagkakataon na nangyari iyon. Pumiyok siya pagkatapos matanong ng isang simpleng katanungan lang naman sana kung tutuysin.      Napangiti ito sa huli. "Anu't-ano pa man, napakabuti mong kaibigan, hijo."      Napangiti siya nang tipid. Halatang pilit iyon. "Maraming salamat po, tita."      Tumango naman agad ito sa kaniya.      "Bale ang mangyayari po, you can send your most trusted bustler to protect her during the contest and I'll be sitting with the contestants in order to protect her... Kailangan niya po ng exposures para sa mga kaklase niya at iyon po ang ibibigay natin sa kaniya."      Hindi naman agad ito nakaimik at tila nahulog sa malalim na pag-iisip. "Mukhang tama nga ang iyong naiisip," anito. "Hindi namin 'yan naisip agad, hijo, dahil sa dami nag-focus agad kami sa bad effect."      Napatango naman siya rito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD