Unti-unting idinilat ni Emrys ang kaniyang mga mata. Tunay nga ang naririnig niya sa kaniyang panaginip, mayroong umiiyak ngunit nasa loob lamang ito ng kaniyang kuwarto.
Ilang minuto rin siyang natulala. Iniisip niya ang nangyari sa kaniyang panaginip. “F-Farrah…” Wala siyang kamalay-malay na hilam na rin pala sa luha ang kaniyang mga mata.
“Emrys?”
Napalingon siya sa may-ari ng boses na iyon. Walang iba kundi ang kaniyang kapatid na si Graza. Mumukat-mukat pa ito. Mukhang nakaidlip ito habang ang ulo ay nakadantay sa bandang paanan ng kaniyang kama.
Awtomatiko sa pagkunot ang noo nito kapagdako. “Anong nangyari sa’yo?” naniningkit ang mga matang tanong nito sa kaniya.
Napaamang siya. Hindi niya agad nasagot ang tanong nito. Tahimik siyang napapunas ng pawis mula sa kaniyang mga mata. “I don’t know,” mahinang sambit niya at napailing. “Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako…”
Kumunot ang noo nito. “You forgot?” kuwestiyon nito sa kaniya sa tinig na naniniguro.
Siguradong tango ang iniukol niya rito. “Basta ang alam ko lamang ay may nakalimutan ako na isang napakaimportanteng bagay mula sa aking panaginip,” mariing sagot niya.
Tumayo ito at naglakad patungo sa kaniyang lagayan ng mga damit. Pagbalik nito’y may bitbit na itong towel. “Here.” Sa una’y pinunasan muna nito nang marahan ang kaniyang mga luha.
“Thanks, Graza…” Sunod niyang kinuha mula sa kamay nito ang kaniyang panyo saka ito pinagsabihan, “ako na,” agaw niya rito.
Tumango ito at pagkatapos ay muling tumayo at nagsalin ng tubig mula sa pitsel sa basong nasa ibabaw ng lamesa na nasa kaniyang tabi.
“But Graza, this heavy feeling is so weird,” nalilitong pahayag niya sa kapatid saka nagpatuloy, “alam mo ‘yong pakiramdam na hindi mo mapahinto ang kaba at takot na nasa dibdib mo dahil hindi mo matandaan kung ano ang kinikimkim nito?”
“I know,” mabilis na sagot nito at muling lumapit sa kaniya bitbit ang isang baso na puno ng lamang tubig. “Uminom ka muna upang mahimasmasan ka agad.
“Maraming salamat, Graza.” Iyon lamang at naupong muli ito sa upuan na ipinuwesto nito sa gilid ng kaniyang kama.
“Kailangan mo nang pakawalan ang tungkol sa isang napakaimportanteng bagay na nakalimutan mo sa ‘yong panaginip, Emrys,” mahabang pahayag nito sa kaniya. “Para hindi ka na mamroblema pa.” Nakangiti nitong inabot ang kaniyang kamay.
Tumango siya at pinilit niyang ngumiti rito. “Naiintindihan ko at iyan nga ang kailangan kong gawin ngayon, Graza,” determinadong sang-ayon niya sa kapatid.
Sinubukan niyang bumangon sa kabila ng panghihina. Muling napahagip ng kaniyang paningin ang puwesto nito. Saka lamang pumasok sa kaniya ang isang weirdong pakiramdam. “Bakit ka nga pala riyan natulog, Graza?” maang niyang tanong sa kapatid.
Awtomatiko sa pagkunot ang noo nito dahil sa kaniyang tanong. “Don't tell me, nakalimutan mo na rin ang nangyari kahapon?” nandidilat ang mga matang kuwestiyon nito saka nagpatuloy sa pagsasalita, “I should’ve ask Gila if you bumped your head into something hard,” nababahalang dugtong nito.
Nagising lahat ng ugat niya sa katawan pagkarinig sa pangalan na binanggit nito. “Gila?” kyuryos niyang ulit sa pangalan ng lalaki. “Bakit siya nadamay rito?” sunod niyang tanong sa kapatid. Wala talaga siyang ideya sa pinagsasabi nito. Bagkus ay nadaragdagan lamang ang kalituhan sa kaniyang isip.
Muntikan na siyang mapahagalpak ng tawa nang paikutin nito ang mga mata sa ere. Kilala niya ang kapatid, once na ginawa na nito iyon ay paniguradong naiirita na ito. “I don't believe this anymore… Go try your best to recall all the things that happened yesterday,” seryoso ang tono na utos nito sa kaniya.
Mariin siyang napapikit at sinunod nga ang ipinag-uutos nito. The last thing she remembered? “Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng mga team mates ko during practice kahapon at may…” Bahagya niyang naikiling ang kaniyang ulo sa bandang kanan. Hindi niya mapagdugtong-dugtong ang sasabihin.
Nanliliit ang mga matang napasulyap siya kay Graza.